Enchong plays physically disabled character in project with his "lucky charm" Bea Alonzo

IMAGE Noel Orsal

Enchong Dee on working with Bea Alonzo: "I always think that my lucky charm si Bea kasi sa lahat ng proyektong pinagsamahan namin, it always worked out so well—from Sa 'Yo Lamang, Four Sisters and a Wedding, Magkaribal. So yung pagsasamahan namin ngayon, comeback, 10th year anniversary, and with my lucky charm so I'm excited."



Excited si Enchong Dee dahil malapit na ipalabas sa primetime ang ABS-CBN teleserye nito na A Love To Last na pagbibidahan nina Bea Alonzo, Iza Calzado, at Ian Veneracion.

Kabilang din sa main cast sina Ronnie Alonte at Julia Barretto.

Read: Enchong Dee will have strained relationship with Bea Alonzo in The Second Wife

Isa sa mga namiss umano ni Enchong ay ang makarinig ng good feedback mula sa mga manonood at maging sa mga boss ng Kapamilya network.

Kuwento ni Enchong sa press, "Ang sarap nung pakiramdam kasi ang tagal ko nang huling nakarinig sa mga bossing nung, 'Uy naapektuhan ako dun sa character mo sa soap.' 

"Parang yung ganung salita, ang tagal ko nang hindi naririnig until naaprubahan yung teleserye namin na anytime soon, ipapalabas, [ang title], A Love To Last."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa press launch ng sophomore album nito na EDM kamakailan sa ABS-CBN ELJ Communications Center sa Quezon City.

Matagal-tagal ring hindi nagbida sa teleserye si Enchong. Ang huling primetime series na pinabidahan nito ay ang Muling Buksan Ang Puso na ipinalabas noong 2013 kung saan nakasama nito sina Julia Montes at Enrique Gil. Ngunit nagkaroon din ito ng support role sa primetime drama series na Nathaniel.

Ayon sa ABS-CBN actor, marami raw itong nais subukan para sa kanyang career kaya pinili rin nitong magpahinga sa paggawa ng teleserye hangga't walang nababagay na karakter na ibibigay sa kanya. Hindi raw mawawala ang acting sa mga nais nitong ipagpatuloy sa kanyang showbiz career.

"It's a choice and at the same time, nag-swak din siya dun sa ano parang hindi rin naman makahanap ng perfect role for me.

"At the same time, gusto ko talagang gumawa ng album and gusto ko mag-host so triny ko siya lahat.

"So at least now, klaro na, alam ko na talaga yung gusto ko after trying everything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH BEA. Si Enchong ay gaganap bilang estranged brother ni Bea sa upcoming teleserye na ito.

Ayon sa aktor, iba raw ito sa mga karakter na nagampanan niya sa mga Kapamilya drama series na kinabilangan nito.

"The character itself, is different. I'm physically disabled so dun pa lang sa parteng yun, meron ka nang pagiging outsider."

Bukod sa bagong character, isa sa pinaka-excited si Enchong ay ang muling makasama si Bea sa isang drama series.

"I always think that my lucky charm si Bea kasi sa lahat ng proyektong pinagsamahan namin, it always worked out so well—from Sa 'Yo Lamang, Four Sisters and a Wedding, Magkaribal.

"So yung pagsasamahan namin ngayon, comeback, 10th year anniversary, and with my lucky charm so I'm excited."

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na malapit si Bea at Enchong sa isa't isa. Paano nila hinahanda ang kanilang sarili kapag may matindi silang eksena?

Sagot ni Enchong, "Kapag trabaho, trabaho talaga, e, pero 'pag off-cam, pwede kami magbiruan, magkulitan. Pero 'pag nandiyan na kasi yung camera, 'pag umarte si Bea mararamdaman mo na.

"So you, yourself, 'wag ka na magbiro 'di ba? 'Wag ka na makipagkulitan. Pero kapag sinabi ng director na cut, yun balik na kayo ulit sa dati.

"Pero it's also a challenge for me kasi si Bea yung ka-eksena mo tapos hindi mo aayusin ng maayos kaya talagang we help each other out to bring the best in all of us."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN