Diana Zubiri on Danaya successor Sanya Lopez: "Okay naman siya at saka buti na lang, sexy rin."

Diana Zubiri (left) praises Encantadia's young star Sanya Lopez who plays the character Dayana, the role Diana essayed in the telefantasya's original version.



Si Diana Zubiri ang isa sa original Encantadia na nabigyan ng pagkakataon na mapanood sa 2016 version ng GMA-7 telefantasya.

Siya ang gumaganap na kontrabidang si Lila Sari sa bagong Encantadia.

Ang role niya na Sang'gre Danaya sa original version ay napunta kay Sanya Lopez.

May mga naipayo na ba si Diana sa baguhang artista?

“Yung unang eksena namin na masasabi kong matagal, yung fight scene, magaling naman siyang mag-fight.

“So hindi na rin kami nag-usap sa mga dapat na gagawin niya, parang alam na rin niya,” sabi ni Diana nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Encantadia sa Makati noong November 16.

Idolo naman raw ni Sanya si Diana dahil maliit pa lang daw ito ay pinapanuod niya ang Encantadia at ang paborito niyang karakter talaga ay si Danaya.

“Grabe naman yung maliit!” natawang reaksyon ni Diana, “hindi naman ako ganun katanda.”

Twenty pa lang si Sanya at 11 years old siya nang ipalabas ang unang Encantadia.

Masayang kumento ni Diana, “Kung napanood niya ko noon, siguro ginaya-gaya niya rin kung ano ang dati.

“Parang role playing… okay naman siya at saka buti na lang, sexy rin.”

May nakikita ba si Diana na kaibahan ng bagong Encantadia sa dati?

“Ang difference, siyempre, mga bagets na.

“Sa production, parang parehas lang, may konti lang nabago, yung mga nawala na rito.

“At saka, yung mga kasama ko, kumbaga, parang may ilang factor sila.

“Parang hindi nila alam kung paano mag-a-adjust kasi alam nila na kami dati yung original.

“So, siguro, isa yun.”


(Read: Diana Zubiri and Sanya Lopez try to "outdo" each other during Encantadia face-off)
 


REUNION WITH SUNSHINE DIZON. Ibig sabihin na nito ay Kapuso na muli si Diana?

“Yes, hanggang Feb,” natawang sabi niya, “may kontrata ako rito sa Encantadia hanggang February.”

Parang masaya lang ang buhay at career ni Diana ngayon.

“Well-guided nga raw kasi ako,” sabi niya patungkol sa manager na si Jojo Gabinete.

Ilan sa mga orihinal Encantada stars na napanood sa requel (remake + sequel) ay sina Dingdong Dantes at ang kaibigan niya na si Sunshine Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw raw niyang magkomento tungkol sa paghiwalay ni Sunshine sa kanyang asawa na si Timothy Tan.

Pero nagkakausap sila ni Sunshine?

“Oo naman, nung nag-taping siya rito, maayos,” tuno ni Diana.

“Hindi namin masyadong pinag-usapan ang malulungkot na part ng buhay namin.

“Siyempre, alam ko ang nangyayari… hindi ko na inopen-up o brining-up yung mga nangyayari talaga.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN