Gerald Anderson admits feeling awkward around ex-girlfriend Kim Chiu

by Melba R. Llanera
Nov 23, 2016
Gerald Anderson on being paired anew with ex-girlfriend Kim Chiu: "Ilang? Ang tagal naming 'di nagkasama ni Kim sa isang proyekto, kasama talaga yun."


Inamin ni Gerald Anderson na nakaramdam siya ng ilang sa mga unang eksena nila ni Kim Chiu sa upcoming teleserye nila sa ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Huling napanood ang dating magkasintahan sa pelikulang 24/7 noong 2012.

Paliwanag ni Gerald, “Ilang? Siyempre kasama naman talaga yun.

“Ang tagal naming ‘di nagkasama ni Kim sa isang proyekto, kasama talaga yun.

“Kahit sinong leading lady, pag bago ang leading lady mo, may adjustment period.”

Maayos naman raw ang working relationship nila ni Kim.

Kuwento ni Kapamilya actor, “Okay naman, nag-taping kami kagabi, hayun nae-excite ako.

“May teaser kami na ipapalabas sa Tuesday sa trade launch.

“Very professional, mahal na mahal niya ang trabaho niya.

“Ang importante, at the end of the day makakapagbigay kami ng magandang produkto.”

Masaya rin si Gerald sa positibong reaksyon ng marami sa pagtatambal muli ng Kimerald tandem.

“Sana, sana, yun naman ang gusto naming maramdaman nila,” sabi ni Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News nang makausap siya sa 8th SunPiology Run noong November 19 sa Camp Aguinaldo.

Totoo ba ang balitang binalaan raw ni Xian Lim si Kim na huwag mai-in love uli kay Gerald?

Continue reading below ↓

Tugon ng aktor, “Wala akong reaction diyan, wala akong reaction diyan, it’s not my place.”






Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson on being paired anew with ex-girlfriend Kim Chiu: "Ilang? Ang tagal naming 'di nagkasama ni Kim sa isang proyekto, kasama talaga yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results