Did Erich Gonzales forbid boyfriend Daniel Matsunaga from kissing other leading ladies?

IMAGE Noel Orsal

Asked what gift she has in store for her boyfriend Daniel Matsunaga on his birthday, Erich Gonzales says she'll come up with something. Not that she does not care. "Ayaw niya… like he said, we should invest in eternity. Kasi everything that we have now, temporary lang. Dun tayo sa pang-eternity," she explains.



Magtatapos na ngayong Novembre 25 ang Be My Lady na pinagbidahan ng reel at real-life sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Open naman daw si Erich na maipareha sa iba sa susunod niyang proyekto.

Pero kung mabibigyan pa daw siya ng pagkakataon, gusto sana niyang makatrabaho pa rin ang kasintahan.

Ani Erich, “Sasabihin ko ‘to, sa akin lang, I’m not speaking for him.

“Siyempre po, gusto ko pang maka-trabaho si Daniel, siyempre naman.

“Kasi, ‘di ba, masarap kasama yung loved ones mo.

“Pero we need to understand na in every project coming in, puwede kaming may ibang ka-partner.

“Kasi hindi naman talaga kami love team, nauna lang po naging kami bago kami nabigyan ng project.”

Nakangiting sabi pa niya, “We’re just thankful for the opportunity that they gave us.

“Sobrang pasasalamat din kasi work is work.

“If the project is nice naman, bakit ko tatanggihan, it’s a blessing.”

Kaya hindi totoo na sinabi niyang bawal makipag-kissing scene si Daniel sa iba.

Si Ogie Diaz lang daw ang nagbirong nagsabi nun.

“I did not say that, grabe siya, sabi ni Kuya Ogie yun,” natatawang paglilinaw ni Erich.

“Siyempre, it’s not for me naman para bawalan si Daniel sa mga bagay na gagawin niya.

“I will always support him kahit ano pa ‘yan.

“Bilang artista, naiintindihan ko po na may mga bagay tayong nagagawa dahil kailangan sa trabaho, kailangan sa eksena.”

BONDED. Mahigit isang taon umere ang Be My Lady sa ABS CBN kaya raw pamilya na ang naging turingan ng cast and production crew nito sa isa’t isa.

Ayon kay Erich, “Sobrang saya, more than a year kaming nag-trabaho.

“And even behind the camera, yung bonding talaga namin dito, yun talaga ang sobrang mami-miss namin.

“Imagine, every day mong nakakasama, kulang na lang buong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas marami pa namin silang beses na makasama kesa mga pamilya namin.

“We really became a family and sobrang thankful lang sa maraming bagay.”

Naniniwala rin si Erich na dahil sa BML, mas lalo raw tumibay ang relasyon nila ni Daniel.

“Totoo po yun, sa hirap o ginhawa, kasama namin ang isa’t-isa, supporting each other.

“Kapag pagod na, ichi-cheer up mo siya, tutulungan mo siya sa mga times na medyo wala ng energy.”


GIFT OF ETERNITY. Nang ipalabas ang wedding scene nila sa Be My Lady, halos lahat ng mga fans nila ay umaasang susunod na ang real wedding nila.

“Nakakatuwa kasi, super excited sila for us,” masayang sabi ni Erich.

“Sobrang nakakatuwa lang po talaga, sobrang overwhelming yung mga suporta.

“From the beginning pa lang, sila talaga yung nae-excite sa mga nangyayari sa amin.

“Kung meron man na pinaka-rewarding sa journey ng Be My Lady, yun pong sinasabi ng mga viewers…

“Yung effect ng Be My Lady sa kanila and how much they will miss the show.

“Sinamahan nila kami literally sa umaga nila and also Kapamilya natin abroad.

“At sobrang nakakatuwa yung mga lola na they’re sending their videos.

“Hindi ko po masabi ang ano, words are inadequate how grateful I am.”

Samantala, birthday ni Daniel sa Lunes, November 28.

May nakahanda na ba siyang regalo sa boyfriend?

“Ayaw niya pero, siyempre, I’ll give him something.

“Simpleng bagay lang, matutuwa na po ‘yan.

“But just like he said, I know naman na we should invest in eternity.

“Kasi everything that we have now, itong lahat, temporary lang naman.

“Dun tayo sa pang-eternity.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN