Ruru Madrid surprised by strong support for Ybrahim-Amihan tandem

"Nagulat ako, ang lakas. Almost every day, nagti-trending," says Ruru Madrid about the support given to the Ybrahim-Amihan love team on Encantadia.



Hindi inaasahan ni Ruru Madrid na tatanggapin ng mga manonood ng Encantadia ang tambalan nila ni Kylie Padilla.

Sa umpisa ng primetime fantasy series ng GMA-7, kapareha ni Ruru ang constant onscreen partner niyang si Gabbi Garcia, bilang magkasintahang sina Ybrahim at Alena.

Ngunit sa pagtakbo ng istorya nito, nagkaroon si Ruru ng ibang ka-love triangle: si Kylie Padilla na gumaganap bilang Reyna Amihan.

Ang Ruru-Kylie love team ay binansagan bilang YbraMihan.

“Nagugulat nga po ako sa mga YbraMihan and AleBaro, kasi, yung first ano namin—sobrang nag-trending, so yung GabRu at YbraMihan, nag-aaway,” sabi ni Ruru nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagbisita ng entertainment reporters sa set ng Encantadia kamakailan.

Para maiwasan ang pagbabangayan, sinabi raw ni Ruru sa mga taga-suporta ng kani-kaniyang Encantadia pairs, “Irespeto na lang po nila kung ano ang gusto nilang suportahan at ibang tao na gusto nilang suportahan, ‘di ba?

“E, yun nga, ewan ko, siguro kasi, yung dati rin Encantadia, may supporters din ang YbraMihan kaya ganun.

Nagulat ako, ang lakas. Almost every day, nagti-trending. Tapos tinatapatan ang GabRu.”

DOING FATHER ROLES. Sa Encatandia ngayon, tatay na agad ang karakter niya at halos ka-edad lang niya ang mga gumaganap na anak niya—sina Mikee Quintos bilang si Lira at Avery Paraiso bilang si Kahlil.

“Okay naman, parang dinadaan ko na nga lang sa acting na tatay na ko ng dalawa,” natawang sabi ng Kapuso actor.

“Ang mahirap lang dun, para kaming ano talaga, like may ibang nagtu-tweet na, 'Para lang kayong magka-loveteam ni Mikee, ah.'

“Pero yung iba naman, nakikita ko na tinu-tweet nila na, 'Mukha ka talagang Tatay.'

“So, okay lang din naman po, at least nagagawa ko ang goal na magmukhang Tatay talaga.”

Masaya rin siya na maganda ang TV ratings ng Encantadia.

Ayon kay Ruru, “Sobrang masaya po kasi, hindi nga po namin ine-expect na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga namin, kahit mapantayan man lang ang kalaban, okay na kami run.

“Pero ang nangyari nga po lately, tumaas pa.

“Sino po ba naman ang hindi magiging thankful.

“Kumbaga, ito na po yung dedication at pagmamahal na binigay namin sa Encantadia.

“Like ako po, sobrang nag-work-out ako, nag-aral akong gumamit ng sword, nag-muay thai. So, heto na yung kabayaran nun.”

Isiniwalat rin ni Ruru, na hanggang sa isang taon pa raw ang sinabi sa kanila na tatakbuhin sa ere ng Encantadia.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN