Jake Vargas says he will miss sweetness of Inah de Belen

IMAGE Noel Orsal

Jake Vargas downplays rumors alleging that he and his Oh My Mama! co-star Inah de Belen are in a relationship: "Nakakatuwa! Kasi may mga ganung issues, e, di ba? May dumarating na ganung issues so nag-e-expect sila sa amin, na gusto nilang maging kami. Pero hindi naman talaga, magkaibigan lang kami."



“Hindi po,” ang sagot ni Jake Vargas sa tanong namin kung totoo ang kumakalat na balita na may relasyon na sila ni Inah de Belen.

“Dun sa istorya,” pagtukoy ni Jake sa afternoon series nila ni Inah sa GMA na Oh, My Mama!

Aware naman si Jake na napapabalita ngang sila na ni Inah.

“Nakakatuwa! Kasi may mga ganung issues, e, di ba?

“May dumarating na ganung issues so nag-e-expect sila sa amin, na gusto nilang maging kami.

“Pero hindi naman talaga, magkaibigan lang kami.”

Nagsimula ang haka-haka na ito dahil may mga litrato sila ni Inah na kumalat sa social media na magka-holding hands at may isa na nakahawak si Inah sa dibdib ni Jake.

Ngumiti lamang si Jake nang binanggit namin ang tungkol sa mga larawan.


MISSING INAH'S SWEET WAYS. Ilang araw na lang eere ang Oh, My Mama! kaya tinanong namin si Jake tungkol sa saloobin niya sa pagtatapos ng programa nila sa December 2.

Saad niya, “Nakakalungkot kasi talagang family kami sa set.

“Walang hassle, walang negative na nangyari sa set. Lahat kami masaya lang.”

Ano ang pinaka mami-miss niya kay Inah?

“Mismong siya!

“Siguro yung ano, maalaga.

“Like, kasi pag kakain kami, di ba siyempre, ‘Kain ka na.’ Ganun siya.”

May nagbiro ba kay Jake kung sinusubuan siya ni Inah?

“Hindi,” at tumawa ang binata.

“Pero everytime na lunch break o dinner break, ganun lagi siya.”

Ano ang eksena ni Jake sa Oh, My Mama! na hindi niya malilimutan?

Sabi niya, “Hindi eksena, ito mismong character ko.

“Kasi bilang iba ito sa lahat, first time ko ang ganitong role, na maangas, part ng sindikato.

“Actually, gusto ko rin naman talaga yung mga ganitong klase ng role.

“Kasi gusto ko yung may mga fight scenes. Iyon din yung mami-miss ko sa show.”

Isa pang ikinalungkot ni Jake ay hindi sila aabutin ng Pasko na nagte-taping ng Oh, My Mama!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sana kahit umabot ng December ang taping, di ba?” pahayag niya na may bahid ng lungkot.


CHRISTMAS PLANS. Speaking of Christmas, hindi pa raw nila alam ni Inah kung ano ang plano nila sa Pasko.

“Mas maganda yung biglaan,” ang sabi ni Jake.

Kadalasan daw kasi, tuwing Pasko ay sa bahay lamang si Jake kasama ang mga kapatid niya.

“Dun lang, nagluluto, enjoy lang kami. Tapos, merong kantahan,” nakangiting sinabi pa ni Jake.

Ano ang naiisip ni Jake na iregalo kay Inah sa Pasko?

Aniya, “Ano nga ba?

“Gusto ko yung lagi niyang dala kahit saan siya magpunta.

“Siguro unan o stuffed toy, teddy bear, ganun.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN