Bea Binene on Derrick: "Di kami gaya ng ibang loveteam na, 'Hoy, kailangan mag-act kayo na kayo.'"

IMAGE Noel Orsal

Bea Binene explains her good rapport with leading man Derrick Monasterio in their GMA fantaserye Tsuperhero: "Lagi kong sinasabi, kaya ganun kami ni Derrick, natural lang kami. What you see is what you get."



Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea Binene sa presscon ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers noog November 24, sa Annabel's sa Tomas Morato, kinumusta namin kay Bea ang seryeng Tsuperhero kung saan leading lady siya ni Derrick Monasterio.

Nagpapasalamat ang aktres sa mataas na ratings ng kanilang show sa Kapuso network.

Sabi niya, “The ratings are good, in fairness. Okay kami.

“Kinakabahan kami kasi nung pilot namin, yung ratings dumating parang dapat Sunday kami, Monday may ratings na kami.

“Dumating yung ratings namin Thursday, so talagang kinakabahan kami.

“Baka di lang sinend, kasi di kami nanalo.

“Pero nanalo naman.

“Nakakatuwa na yung program manager namin. Sinend talaga sa amin ni Derrick sa Viber. 'Congratulations!'

“Nakakatuwa, sana patuloy nilang panoorin.”


GOOD CHEMISTRY. Kapansin-pansin ang chemistry sa pagitan nina Derrick at Bea.

Nang tanungin namin kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit may chemistry ang tambalan nila, agad kaming sinagot ng aktres na ang pagiging totoo nila ni Derrick ang nagki-click sa mga fans nila.

Aniya, “Lagi kong sinasabi, kaya ganun kami ni Derrick, natural lang kami.

“What you see is what you get.

“Di kami gaya ng ibang loveteam na, 'Hoy, kailangan mag-act kayo na kayo. Kailangan maging kayo, kailangan ligawan mo si Bea kasi kailangan ninyong nakakakilig kami hindi.'

“What you see is what you get, so siguro ganun na lang muna.”

NOT CLOSING HER DOORS ON ROMANTIC POSSIBILITIES. Sa kabila naman ng pagiging magkaibigan nila, hindi naman nagsasarado ng pinto si Bea sa anumang posiblidad lalo’t maganda ang samahan nila ng aktor.

Lahad niya, “Ako naman, wala namang imposible.

“Basta ako, alam ko ang priorities ko.

“Sa ngayon, inuuna namin ang careers namin pareho.

“Wala namang imposible. Let’s see. I’m not closing my doors.

“In fairness naman kay Derrick, mahilig siyang tumingin sa future, magplano...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, kapag siya nakita mo, kunwari first time mo siyang makita, akala mo puro joke-joke lang, sobrang wala lang, maloko lang...

“Kapag nakilala mo siya totally, mayroon din pala siyang serious side.

“Yung puwede mo siyang kasama pag fun-fun, pero puwede rin pag seryoso.

“Go out? We go to the gym together. Dun ako nagdyi-gym.

“Sabi ko kasi yung coach niya di na siya puwedeng i-work out kasi nabuntis yata.

“Sabi ko, 'Try mo sa amin.'

“Hayun, tinray niya. Dun na siya nagdyi-gym.

“Nagkikita kami, pero di naman palagi.

“Minsan tatawag siya, 'O, gym tayo?' Sasabihin ko naman, O, sige.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN