Sunshine Dizon on playing jilted wife: "I won't deny the fact that there's similarities."

Will Sunshine Dizon have intense confrontation scenes with Ryza Cenon (not in photo) who plays the mistress in Ika-6 Na Utos?




Dahil sa bagong afternoon prime ni Sunshine Dizon, kinailangan siyang tanggalin sa primetime fantaserye na Encantadia kunsaan isang mahalagang karakter ang ginagampanan niya bilang si Adhara.
 
Sa teleserye niya na mapapanood tuwing hapon sa GMA-7 simula this Monday, December 5, ang bago niyang karakter ay tinitingnan ito ng karamihan na tila hinango sa totoong buhay niya, ang Ika-6 Na Utos.
 
“Actually, decision naman siya ng management to pull me out from Encantadia at ilagay nila ako rito. Salamat,” natawang sabi niya.
 
Excited siya nang malaman niyang makakasama siyang muli sa Encantadia, pero yun nga lang, na-cut short ang karakter niya.
 
“Ganun talaga, hindi naman natin malalaman what’s meant to be and not meant to be. Pero, it’s a welcome challenge naman, maganda naman at hindi mo naman itatapon ang istorya nito.”
 
Natawa si Sunshine nang sabihin naming lalo na sa parte niya. Relate na relate nga ba siya sa karakter niya ngayon sa Ika-6 Na Utos?
 
“Ano ba, e, alamin muna nila kung ano ang ika-6 na utos,” natawa niyang sabi.
 
“Pero panoorin nila, nandun ang thrill nun.  Siyempre, iba-iba ‘yan, depende sa version ng bible na binasa mo. Iba yung English version, iba ang Tagalog.”
 
Nang basahin nga namin, magkaiba ang nakasaad sa English at Tagalog na Sampung Utos.  Pero sa kuwento ng bagong afternoon prime ng GMA-7, ang Tagalog ang makikitang sinunod nila na ang nakasaad: Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
 
Ayon pa kay Sunshine, “Siyempre, mapapaisip ang mga tao, ano ba talaga ang ika-6 na utos.  Ako nga, ang ika-6 na utos, bawal kumuda, e.
 
“Kapag ako ang tinanong mo, ano ang ika-6 na utos? Bawal kumuda!” natawang sabi niya.
 
Sa isang banda, may iba nga na inisip agad kung totoong kuwento raw ba niya ang bagong teleserye. Kaya nang ialok ito sa kanya, ano nga ba ang naging reaksiyon niya?

“Siyempre, tao lang, nakakaiyak, masakit, may kurot. Pero sabi ko nga, hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang tao sa mundo na may pinagdaanan na medyo naging similar ang istorya sa kung anuman ang dapat nilang gampanan.
 
“So I just really welcome challenge.”
 
Hindi ba niya tinanong ang creative team kung sinulat o naisip ba talaga ang script ng dahil sa mga pinagdaanan niya?
 
“Hindi ko naman tinanong ‘yan, pero nananalig na lang siguro sila na kaya ko,” natawang sabi niya.
 
Ang mag-asawa sa Kapuso teleserye na ito ay sina Sunshine bilang Emma at Gabby Concepcion bilang Rome. Ang gumaganap na kabit sa Ika-6 na Utos ay si Ryza Cenon na magbibigay buhay sa karakter na si Georgia.
 
Kaya ang tanong namin kay Sunshine, dapat bang matakot si Ryza sa kanya lalo na kung may pisikalan silang eksena?
 
“Actually, mabait si Emma [karakter niya sa teleserye], pero hindi ko pa alam kung hanggang saan aabutin ang bait niya. Siyempre, ide-develop pa ang character.
 
“But so far, the way we see it, medyo weak and meek talaga ang character ni Emma. Hindi pa siya marunong lumaban. She has a lot of people around her who fights for her.  So, may ganun naman.”

Matapos ang anim na taon, nagwakas ang samahan ni Sunshine at ng mister niya na si Timothy Tan dahil diumano sa third party.
 
Iba-iba ang pagmu-move on ng mga taong nasasaktan. Merong ayaw ng maalala kung anuman ang hindi magandang nangyari, meron namang hinaharap itong talaga.
 
Yung pagpayag niyang gumawa ng isang teleserye na ang tema ay halos katulad ng mga pinagdadaanan niya sa naging buhay may asawa niya, nakikita ba ni Sunshine na mas makakatulong sa kanya na makapag-move on?
 
“You know, to be honest, the pain will always be there but it’s just a matter of me choosing to move forward. Kasi, I don’t want to get stuck. I won’t allow myself to get stuck and just dwell on that kind of pain.
 
“I choose to move on.
 
“With regards naman dito sa istorya ni Emma, yes, I won’t deny the fact that there’s similarities. But what’s nice with Ika-6 na Utos, it’s a story of most women out there who are suffering silently.
 
“We hope that parang with this show, we will be able to help them, somehow realize na marami pa silang puwedeng gawin, marami pang option sa buhay.
 
“Marami rin babae na makaka-relate rito, not only because may pinagdadaanan sila but because, kuwento ‘to ng babae.  Kuwento ‘to ng maraming babae, kuwento ‘to ng isang babae, isang anak, isang ina, isang asawa, isang kaibigan.
 
“I feel blessed and happy na through the years, hindi naman talaga tumigil ang GMA na kumbaga, full body, palaging unforgettable ang character.
 
“Na talagang naalagaan naman po ako sa aspeto na yun and I’m very happy and grateful for that.”






ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN