Gabby Concepcion worked with Sunshine as a child star; now she is his wife

In the teleserye Ika-6 Na Utos, Gabby Concepcion plays the husband of Sunshine Dizon (right) while Ryza Cenon plays his mistress.



Natatandaan pa ni Gabby Concepcion na nakatrabaho niya si Sunshine Dizon noong child star pa ito pero ngayon, si Sunshine na ang gumaganap bilang misis niya.

Magkasama sina Gabby, Sunshine, at Ryza Cenon sa mistress-themed teleserye ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos.

"Ang kagandahan nito, maraming firsts na naman, grabe,” ang bulalas ni Gabby patungkol sa pinakabago niyang teleserye.

“Iyan ang hinahanap ko sa teleserye, yung mga first, mga unique.

“First time na gaganap ako na piloto. First time ako magkakaroon ng afternoon show. First time kong makakasama itong mga leading ladies ko.

“Although si Sunshine nakasama ko na nung baby pa siya so siguro six-seven years old, sa Huwag Kang Hahalik Sa Diyablo [1989]. Ano pa siya nun, what, six, seven, I dunno, maybe ten, I dunno.”

Ano ang pakiramdam na bata pa si Sunshine noong una niyang makasama at ngayon ay mag-asawa na ang papel nila?

“Buti nga buhay pa ako, kasi at least meron akong chance na makasama siya,” at tumawa ang former matinee idol. “At marami pa akong gustong iparating sa mga tao bago ako mamatay.”

Ipapalabas ang kanilang teleserye na Ika-6 na Utos sa December 5 sa GMA Afternoon Prime kapalit ng Oh, My Mama!

Ano ang naging reaksyon niya ng una niyang nalaman na isa si Sunshine sa mga leading ladies niya?

“Nakakagulat, e, kaya nga sabi ko di ba, lahat ng nangyayari sa akin is talagang blessing. I have nothing to complain about and everything to be thankful for.

“Talagang tuluy-tuloy na naman talaga.

“Pero dumating na rin ako sa buhay ng career ko na gusto ko naman, bawat teleseryeng gawin ko ay may message, may message. So yung mga binibigay sa aking script tinitingnan ko kung  ano yung merong message at puwedeng maging aral sa viewers natin.”

Ang ika-6 na utos o sixth commandment ay huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.

“Yeah, huwag kang makikialam, di ba? Alam na natin yun.

“Iyon, so dun nag-uumpisa ang conflict pagka merong ganun.

"Merong aral ito.

“Actually this afternoon show napag-aralan ko na rin kung ano ang target market na aking mga audience and because of that… ako I feel na meron akong responsibilidad sa audience ko.

“So sa bawat panonood nila ng mga teleseryeng gagawin ko, sana nga meron akong message na iiwan sa kanila. At kung papaano ako makakatulong, not financially, pero kung paano ako makakatulong sa experience ko or sa experience ng ibang tao.

“Kung paano matutulungan sila sa kanilang sariling buhay.

“Dito sa Ika-6 Na Utos parang na-push ako, of course hindi ko sasabihin sa inyo yung istorya pero hindi ko ginustong gawin yun pero sinet-up ako para gawin yun and then nagkaroon ng turn of events pero talagang mahal na mahal ko yung role ni Sunshine dito, si Emma.

“At nangyayari yun sa tunay na buhay.”

Gaganap namang mistress niya sa teleserye si Ryza.


ART IMITATES LIFE? Hindi raw alam ni Gabby ang mga detalye sa mga turn of events sa tunay na buhay ni Sunshine.

Matatandaan na naging malaking balita ang pakikipaghiwalay ni Sunshine sa dati nitong mister na si Timothy Tan pagkatapos ng anim na taon dahil diumano sa third party.

“Hindi ko nga alam, e. Meron lang ding nag-istorya sa akin.’Ha? Ganun ba?

“Hindi ko alam.

“Well nag-usap kami siyempre gusto ko ring alamin ang puno’t dulo pero siyempre hindi pa kami umabot sa buong 'teleserye' nun, hindi ko pa natatapos yung istorya nun.

“To be continued, sa komiks nung araw na itutuloy, wala pa kami sa wakasan.

“Babasahin natin yan pag nag-usap na kami, tatalakayin namin yan.”

Bilang isang lalaki, ano kaya ang maibibigay niyang payo kay Sunshine?

“Alam niyo, ang akin kasi, ako ha, yung buhay ko, ha?

“Ang tingin ko ang buhay nating lahat, it’s a life in progress.

“Our career is an ongoing process, relationship is an ongoing process. Wala, ako I don’t have a formula for it, e. Pero, dahil nga sa karanasan, meron akong puwedeng ibigay na payo o palaisipan.

“Ang tanong naman talaga hindi ko rin nasasagot pero maitatanong ko din.

“Dahil kanya-kanyang karanasan 'yan, e.

“Maganda nga yung ginawa nilang yung sa Instagram, kung ano yung puwedeng itanong sa audience, di ba? Pino-post ko din yun, e.

“Since afternoon show ito, maraming misis ang anak nila nasa eskuwelahan, ang tanong, ‘Misis, papaano kayo makakasiguro na hindi kayo iiwan ng asawa ninyo para sa isang kabit?’

“Iyan ang palaisipan ng teleseryeng ito. So kung tool tayo para maipakita sa kanila kung papaaanong nangyayari at papaano maiiwasan yan, e ito na yung visuals nito,” pagtukoy pa ni Gabby sa Ika-6 Na Utos.

Wala nga bang magic formula para hindi iwanan ng asawa?

“Wala nga hong… sana nga ho may formula pero hindi ko rin alam, e. It’s an ongoing process, ang relationship, e. Pero at least makakagaan lang dahil ito mapapanood natin yung karanasan ng isang merong ganyang sitwasyon.

“At kung papaano nating sana puwedeng iwasan. Ang audience nun makikita nila, ‘O hindi mo dapat ginanun, dapat umiwas ka na sa ganun.

“Pero kung babaligtarin mo naman ang tanong, yung misis ang magtatanong, ‘Mister, papaano ka naman nakakasiguro na hindi ka iiwanan ng asawa mo para sa isang ano?’

“Ganun din yun, e.”





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN