Gabby Concepcion tells Ryza after their love scene: 'Huwag mo na ako i-po, hija! Nag-bed scene na tayo.'"

IMAGE From Instagram account of Kapuso PR Girl

Ryza Cenon (left) is cast as the mistress of Gabby Concepcion while Sunshine Dizon plays his wife in the GMA-7 teleserye Ika-6 Na Utos.



Ang karakter ni Gabby Concepcion sa GMA-7 teleserye na Ika-6 Na Utos ay isang family man na nagkaroon ng extra-marital affair. 

Bilang preparasyon, nagtanung-tanong pa ba siya kung ano ang style ng mga lalaki ngayon kung gusto nilang makipagkilala sa ibang babae?

Tugon niya, “Kailangan, kasi in-character ako.

“Yun nga lang, old school ang style ko, e.

“Iba na ang panahon ngayon dahil may social media na.

“Noon kasi, idadaan mo sa padalaw-dalaw sa bahay, parega-regalo. Old-school style, e.

“Ano ba ang style ngayon? Text messaging na lang ba?

“Itu-tweet mo na lang? Hindi ko alam, e.

“Kaya nagtatanong ako sa mga guys na kasama sa cast kung paano ba ngayon?

“Natatawa na lang sila sa akin kasi idol daw nila ako pagdating sa ganyan!”

WORKING WITH RYZA AND SUNSHINE. Bilib naman si Gabby sa dalawang partners niya sa teleserye na sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon, dahil hasang-hasa na raw ang mga ito pagdating sa pag-arte.

Si Sunshine ang gumaganap bilang asawa ni Gabby samantalang si Ryza ang gumaganap na mistress.

“With Sunshine, I worked with her when she was like 9 or 10 years old sa horror movie na Huwag Kang Humalik sa Diablo.

“Ngayon, asawa ko na siya.

“Tapos, 'Kuya Gabby' pa rin ang tawag sa akin.

“Sabi ko, i-drop na niya ang kuya kasi mag-asawa na kami sa show.

“She definitely grew up to be a very good actress. Ang galing niya rito.

“Si Ryza naman, nagulat ako kasi parang sanay na, e!

“We had very intimate scenes and she has no qualms. Talagang bigay na bigay.

“Pero pinu-po ako. Kada tapos ng eksena namin, tinatanong ko siya kung okay ba siya?

“Sinasagot ako ng ‘Okay naman po ako.’

“Sabi ko, 'Huwag mo na ako i-po, hija!

“'Nag-bed scene na tayo, e. Gabby na lang!” sabay tawa ng 52-year-old actor.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN