TV5 President challenges employees in 2017: "Dagdagan natin ang ating kita or revenue."

TV5 President Chot Reyes reminds employees: "Dapat sa 2017 lahat ng gagawin natin pag nakita mo, alam mong TV5 iyan, hindi iyan ABS-[CBN], hindi iyan GMA."



Positibo ang mensahe ng bagong TV5 president na si Vincent “Chot” Reyes para sa mga dumalo sa kanilang company Christmas party na #Pasko2K16GameOn.

Sa December 2 Christmas party na ginanap sa TV5 Novaliches, ini-link ni Coach Chot ang kanyang speech sa Christmas station ID ng Kapatid Network na may theme na Game Tayo Sa Pasko.

Ayon kay Coach Chot, nakahanda ang TV5 na harapin ang Pasko at Bagong Taon lalo na ang hamon ng 2017.

“It is my honor to be in front of you tonight. Mag-umpisa tayo with our Christmas station ID kasi a couple of things… number one, makikita niyo yung message ng station ID natin, Game Tayo Sa Pasko, hindi lang sa Pasko, game tayo sa 2017. So, lahat ng sinasabi ng ibang tao na wala na ang TV5, well, sorry dahil sa 2017 game na game po tayong lahat,” panimula ni Coach Chot sa kanyang speech.

Iibahin daw nila ang strategy ng TV5 sa 2017.

“The second thing diyan sa station ID kung napapansin niyo, ibang-iba yung pagkagawa. And that’s only to say we’re moving forward sa 2017. We’re going to do things that are very different. Iba yung look, iba yung feel, iba yung voice, iba yung pagkagawa.

"Dapat sa 2017 lahat ng gagawin natin pag nakita mo, alam mong TV5 iyan, hindi iyan ABS, hindi iyan GMA.”

Ipinaliwanag din ni Coach Chot kung bakit sa TV5 Novaliches ginawa ang kanilang Christmas party. Ito raw ay isang paraan upang ipadama ang ika nga’y going back to your roots.

“We wanted the celebration here because this is our home, dito tayo nag-umpisa. Marami sa inyo rito, naalala niyo pa ba noong nag-umpisa kasya kayong lahat sa parking lot na ito?

“I see napakalaking bagay nun dahil we have to go back to our roots. Kailangan bumalik tayo sa ating kakayanan.

“Over the past few years, nagkaroon tayo ng problema. Inaayos natin lahat iyon. Ginagamot natin lahat ng mga naging sakit. In 2017, we are very, very optimistic, and we are going in one direction.”

Gusto raw niyang gumawa ng pagbabago sa TV5 sa tulong ng lahat ng executives at mga empleyado ng network, at ipatupad ang isang panuntunan.

“Alam niyo tatlong bagay lang para sa 2017.

“We grow our topline, build the pipeline, reduce the waistline.

“Dagdagan natin ang ating kita or revenue.

“Dagdagan natin ang ating content, at yung content natin dapat kakaiba, hindi nila napapanood sa ibang istasyon. Kung anuman iyon, mga indie films, mga E-sports, mga anime, digital content na hindi napapanood sa ABS at GMA. Iyan ang content natin sa 2017.

“And finally, reduce our waistline. We have to be operationally efficient. Iyon lamang po, kailangan lahat ng gagawin natin will be within those three lines: grow the topline, build the pipeline, reduce the waistline.

“If we do that, I guarantee you, things will get better. We are on the right path.

“In 2017 we’re looking forward for things to get even better.”

Gayunpaman, aminado si Coach Chot na hindi magiging madali ang tatahakin nilang daan sa pagkamit ng inaasam nilang tagumpay. Kaya hinihingi niya ang kooperasyon ng lahat.

“Pero sasabihin ko po sa inyo, ako na po ang unang magsasabi, it’s going to be more difficult, it’s going to get harder before it gets easier.

“Napakahirap po ng ating trabaho.

“And that’s why I make it a point, iniikutan ko kayong lahat maski na yung nasa likod. I make it a point to shake your hand, to offer a toast, to drink and eat with you, because ang gusto ko pong sabihin I appreciate all that you're doing.

“Na-appreciate po ng management, ng board, ng Man Comm [management committee], lahat po ng inyong ginagawa. Minsan po hindi namin naipapakita, pero alam ko po kung gaano kahirap ang situwasyon. Hindi lang sa ating trabaho, pati sa ating samahan.

“May mga kasama tayo dati na hindi na natin kasama, ngayon wala na dito. May mga kasama tayo na matagal na nating kakampi, ngayon wala na sa ating paligid. Hindi po madali ang ating ginagawa, napakahirap ng daan nating tinatahak. Pero things will get better if come together, magsama-sama tayo, we go as one team in one direction. I guarantee you, things will get better.

“We don’t know what 2017 holds for us. Ang alam lang natin gaano kasipag, gaano kakayod ang gagawin natin sa 2017. Iyon lamang po ang aming hinihingi sa inyo, just give it all you’ve got. Whatever happens, it’s going to happen, but give it all you’ve got. Iyon lamang po ang hinihingi ko from every single person.

“Ako po kung magsalita deretso, hindi po ako paliguy-ligoy. Things are getting difficult.

“But we are showing you a way, we are paving you a way which we feel is a way towards success.

“All we need is magsama-sama tayong lahat, and when we do that you will be surprised of what we can accomplish together.

“Iyon lamang po ang gusto kong sabihin, magtiwala tayo sa isa’t isa, ibigay natin ang lahat ng kakayanan natin, magtulungan lahat tayo, ipasa-Diyos natin kung anong mangyayari.

“We will be surprised in 2017, at this exact same time, we will come together, magsasama-sama tayo ulit and there’s going to be a lot to celebrate about. Iyon lamang po ang pangako ko sa inyo. Just give it all you’ve got, ibigay niyo ang lahat ng kakayanan niyo. I promise you, your management will be right there, side by side giving it all we’ve got as well. Lahat tayo sama-sama tayo dito. 2017 nandiyan na, isang buwan na lang, we’re very, very excited, ang dami nating nakalaan. In due time malalaman niyo lahat ng bago nating ginagawa.

“Pero sa lahat ng ginagawa natin, simple lamang po: grow the topline, build the pipeline, reduce the waistline.

“If we do that, I guarantee you, we will be successful.”

Tinapos ni Coach Chot ang kanyang speech sa pamamagitan ng isang toast para sa lahat ng executives at empleyado ng TV5.





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN