Will Dingdong Dantes be doing a sitcom with Marian Rivera?

IMAGE Reielle Deslate

Dingdong Dantes on the unexpected success of Alyas Robin Hood: "We're happy that we have established a niche which is, multi-dimensional and multi-genre na show, which is Alyas Robin Hood. Hindi lang siya straight drama, hindi lang siya action, adventure—it's really a combination of all, balanse siya. Happy po ako na ang timing, nag-land ngayon at happy po ako na kasama ko."

 



Halatang masaya si Dingdong Dantes nang sabihin sa kanya na sa lahat daw ng teleseryeng ginawa na niya, ang Alyas Robin Hood ang masasabing nagugustuhan at inaabangan talaga.

Na-expect niya ba na magiging ganito pala kalakas ang Alyas Robin Hood?

Pag-aanalisa niya, “Bilang aktor naman, hindi naman namin yun napu-forecast.

“Pero isa lang naman yung maitataya namin dito which is siyempre, yung dedikasyon.

“Hindi naman kasi puwedeng kung halimbawa, sa tingin namin hindi siya magiging successful, 50% lang ang ibibigay namin.

“Kami, palaging yung commitment namin, todo.

“At saka, maraming factor kung bakit naman siya siguro tinatangkilik.

“And probably, it’s also because of the trials and errors na combination na rin na ginagawa ng GMA all throughout the year.

“And we’re happy that we have established a niche which is, multi-dimensional and multi-genre na show, which is Alyas Robin Hood.

“Hindi lang siya straight drama, hindi lang siya action, adventure—it’s really a combination of all, balanse siya.

“Happy po ako na ang timing, nag-land ngayon at happy po ako na kasama ko.”

PATIENCE PAYS OFF. Matagal na raw gusto ni Dingdong na gumanap bilang isang hero dahil isa nga siyang self-confessed fan ng mga super heroes.

Pero sa mga nakaraan, tila may pagkakataong nauudlot.

Sabi nga namin sa kanya, sa dami ng mga nagawa na niya dati, sino nga ba ang mag-aakalang ang Alyas Robin Hood pala ang magugustuhan ng karamihan?

Pagsang-ayon niya, “Alam niyo, malaking bagay talaga na patient ka rin sa mga proyektong para sa ‘yo.

“Minsan hindi naman talaga darating kung ano ang gusto mo.

“Tingnan niyo 'ko, magtu-twenty years na ako sa GMA and grateful ako.

“Akala ko hindi na darating yung ganito.

“On my 18th year, biglang may ganitong klaseng show, di ba?

“Sobrang bagal ng first half ng taon. In fact, wala akong ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun talaga ang gusto kong gawin. Akala ko matatapos na nang ganun, then, dumating yung movie rin.”

Pinaalala naman namin kay Dingdong na tila lahat ng ginawa niya sa taong 2016, naging matagumpay.

Inendorso niya si Vice President Leni Robredo at nanalo ito.

Ginawa niya ang Star Cinema movie na The Unmarried Wife at naging box-office at ngayon nga, ang Alyas Robin Hood na consistent top-rater simula pa lang na nag-pilot.

“Oo nga, this year rin pala yun,” at saka niya naalala ang tungkol sa nakaraang eleksiyon.

SITCOM WITH MARIAN IN THE WORKS? Tinanong din namin si Dingdong kung totoo ang balita na ang susunod na proyekto raw niya sa GMA-7 ay isang sitcom na sila ni Marian ang magkasama.

“Dream project ko yun,” mabilis na sagot niya.

Kumpirmado na ba na sila ni Marian ang magkasama sa isang sitcom?

Pagklaro niya, “Hindi, hindi ko maku-confirm.

“Pero ako lang, gusto ko yun.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN