Christian Bautista on baring abs for a TV show: "E, di magpakita ng abs!"



Galing sa isang singing competition si Christian Bautista. Naging runner-up siya sa Star In A Million noong 2003 bago siya sumikat.

Ngayon ay isa siya sa mga celebrity judges ng Superstar Duets ng GMA-7.

Ano ang pakiramdam na sa unang pagkakataon ay siya ngayon ang humuhusga sa kakayahan ng mga contestants sa Superstar Duets?

“Parang tumaas yung antas ba. Kasi this time… binigyan ako ng role na they believe na kaya ko ng mag-judge or mag-critic or mag-direct, so nakakatuwa kasi minsan, may hindi ako pinapakawalan na comment, e.

“Like sometimes parang lahat ng judge gustong maging nice, sa [paningin ng] Pilipino, sa audience. Pero pag nahuli mo talaga yung nota, sasabihin ko.

“Like si Divine [Aucina] natanggal meron siyang mga na-miss, sasabihin ko, okay, kaya lang may mga na-miss kang nota, na-miss mo yung timing, so ano ang magagawa natin?

“Kaya siya ang natanggal.”

Hindi ba mahirap na kapwa niya celebrity ang dyina-judge niya at ng co-judges niyang sina Allan K at Aicelle Santos?

“Yeah, so before the show starts I hang-out with them,” at tumawa si Christian, ‘Kumusta, what’s new?’

“After the show pag may natanggal, I go to them, ‘Okay ka lang?’

“They’re colleagues, e, so we’re just all having fun, we’re just all having fun.

“Dun lang naman sa moment na yun nag-perform sila at nag-judge, hanggang dun lang yun, sa performance.

“After that normal na ulit.”

Ganoon ba kadali iyon? Madali ba i-detach ang sarili niya bilang isang hurado sa mga kaibigan niyang celebrity contestants?

“Walang personalan… sana, ha? Saka dapat yung comment ko, hindi personal sana, ano lang, fact, fact. ‘You missed this, you did not hit this.’

“Mga ganun lang.”

Grand finals na ng Superstar Duets sa Sabado, December 17, at ang natitira grand finalists ay sina Nar Cabico at Jerald Napoles.

Bilang judge, ano ang hahanapin niya sa magiging winner nila?

“Perfect performance, perfect singing, perfect production number, perfect attack, perfect yung emotion. Gusto ko mag-standing ovation ako,” at tumawa si Christian.

Kung magdedesisyon ang GMA na magkaroon ng Season 2 ang Superstar Duets (hosted by Jennylyn Mercado), ano ang gusto ni Christian; ang maging judge muli o this time ay contestant naman siya?

“Host,” ang mabilis na tumatawang sagot ng actor/balladeer. “Co-host ni Jennylyn. Di ba? Kaming dalawa naman. Para maiba naman. Para other side of the spectrum.

“Pero kung contestant o judge? Judge ulit siguro.”

Kung siya ang papipiliin ng at least four contestants sa Season 2 ng Superstar Duets

“Hmmm… siguro si Frencheska Farr, si Maricris Garcia, si Mark Bautista, saka si Steven Silva.”

Sa susunod niyang teleserye, nais ba ni Christian na sa action muli siya isabak (tulad ng naging papel niya sa Encantadia bilang si Apitong) o sa drama naman o romance?

“Comedy,” at muling tumawa si Christian. “Pwede ba yung comedy talaga, yung parang A1 Ko sa ‘Yo. Parang Bubble Gang.”

Sa A1 Ko Sa ‘Yo ay panay ang pagpapakita ng abs nina Benjamin Alves st Ervic Vijandre; papayag ba si Christian sa ganung role?

“E, di magpakita ng abs!” biro nito.
 
Kaka-renew lamang ni Christian ng kontrata sa GMA ilang buwan pa lamang ang nakakaraan.

“So two more years.”

Tinanong naman namin si Christian kung ano ang Christmas plans niya.

“Sa Cavite, family… food, games, family time, go to church.”

Isasama niya raw sa Cavite ang girlfriend niyang si Kat Ramnani.

“Tatanungin ko pa siya,” at tumawa si Christian, “pero isasama ko siya, baka sa 25.”

Nakapunta na raw si Kat sa bahay nina Christian sa Cavite; nakilala na nito ang buong pamilya ni Christian.

Siya ba ay nakilala na niya ang buong pamilya ni Kat?

“Nasa States yung iba, yung sister niya ang na-meet ko pa lang.”

Mahigit isang taon na ang relasyon nina Christian at Kat.

May plano na ba silang magpakasal?

“Siguro sabihin na lang natin, napapag-usapan, napapag-usapan.”

Samantala, tinatapos ni Christian ang bago niyang album; siya ang producer nito.

“First time ko na ako lahat, ang hirap pala,” ang bulalas niya.

Mostly original songs raw ang laman ng album.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN