Vice Ganda makes light of Baron-Ping urinating incident during 2016 ABS-CBN Christmas special

IMAGE Courtesy of ABS-CBN

During the 2016 ABS-CBN Christmas special, Vice Ganda delivered hugot lines while Kapamilya love teams had kilig moments. Among the performers that night were Liza Soberano & Enrique Gil, Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, and Nadine Lustre & James Reid.



Mahigit 100 Kapamilya stars ang sumama sa selebrasyon na Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko: The ABS-CBN Christmas Special 2016. 

First time na nakasama ang former TV5 talent Ogie Alcasid at GMA-7 stars na sina Jaya at Jona sa ABS-CBN Christmas Special na ginanap noong December 13 sa Smart Araneta Coliseum.

Extra special din ang gabing ito dahil binigyang pagpapahalaga ng Kapamilya Network ang importansya ng pagiging isang pamilya.


VICE GANDA POKES FUN AT ISSUES. Isa sa mga highlights ng gabi ay ang paglabas ni Vice Ganda.

Nagbitaw ng mga hugot lines ang bida ng Star Cinema movie na The Superparental Guardians na siyang nagpatawa sa mga manonood sa Big Dome.

Pero paglilinaw niya, “Naka P400 million na ang pelikula namin ni Coco [Martin]. Wala akong pinagdadaanan. Hello!”

Humirit pa siya tungkol sa hindi pagkakasama ng movie ni Bb. Joyce Bernal sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Ani Vice, "Bakit kasi nauso ang katagang 'Change is coming.' Dahil sa nauso ngayong taon, ang dami nagbago sa paligid: sa tao, sa mga bagay, sa mga nangyayari...

"Change has truly come." 

"Dati pag Pasko, napapanood ang pelikula namin sa film fest. Ngayon, hindi na.

“Kasi ang uso na raw, indie. Iyan tuloy, ang pelikula namin ni Coco, naging indie.

"Indi-napili.

"Buti na lang, hindi kayo nagpapapigil! Ginalingan niyo rin. Pumila kayo sa mga sinehan. Pina-aga natin ang Pasko.

"November 30 pa lang, nag-celebrate na tayo ng Pasko. Mahaba tayong nagdiriwang basta masaya ang okasyon."

Matatandaan na noong November, pumutok ang balita na inihian ni Baron si Ping Medina habang nagsu-shoot sila ng eksena para sa indie film titled Bubog.  

Biro ni Vice Ganda, "Napadaan ako ng Baclaran, may nabili akong album...

"Nakakaloka! Christmas songs by various artists. Tiningnan ko ang listahan ng mga kanta.

"Ang unang kanta, 'Jingle Bells' by Baron Geisler."

"Sinundan pa ng 'I'm Dreaming of a Wet Christmas' by Ping Medina.'"


PRODUCTION NUMBERS. Ang opening production number ay pinangunahan ng The Voice Kids coaches na sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bamboo.

Nakasama nila ang past and present winners at ilang contestants ng singing competition. Inawit nila ang 2016 Christmas Station ID theme song na “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko.”

Sa sobrang tuwa ng Megastar ay nag-post siya nito sa kanyang Facebook account: “Just arrived home from Araneta Coliseum where we taped the ABS-CBN Christmas Special. Am so happy even if am tired! It was my first time to be with all my Kapamilya again in four years and was thrilled to be there from beginning to end. There is still no feeling in the world that can compare to how I feel when I am with family I’ve worked with for 25 years total! I LOVE MY TV STATION! I LOVE MY KAPAMILYA AND BEING A KAPAMILYA AND BEING A KAPAMILYA! MERRY CHRISTMAS!!!”






Naging segment hosts ang King of Talk na si Boy Abunda at Dawn Zulueta. Nagbigay ng Christmas message ang Chairman ng ABS-CBN na si Eugenio Lopez III kunsaan in-emphasize niya ang kahalagahan ng isang masayang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghandog rin ng production number mula sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinangunahan ng ABS-CBN Primetime King na si Coco Martin kasama sina John Prats, Arjo Atayde, Yassi Pressman, Pepe Herrera, Awra, at Onyok. Kaaliw ang song and dance number na ito dahil nagpakitang gilas ang mga bida sa novelty medley na Sige Ikembot, Otso-Otso, Giling-Giling at Di Ako Bakla.






Malakas ang hiyawan para sa breakout stars na sina Awra na nag-split pa at Onyok na kumanta ng sikat na kantang Pen Pineapple Apple Pen. Maging si Coco ay bigay na bigay din sa kanyang paggiliw na tunay namang ikinasaya ng mga fans. Nakasama rin nila dito ang ilan sa cast ng afternoon drama na The Greatest Love na sina Sylvia Sanchez, Andi Eigenmann, at Dimples Romana.

Naghandog din ng tribute para sa mga Pinoy Pride ang Tawag ng Tanghalan hurados na sina Ogie Alcasid, Rey Valera, Yeng Constantino, Erik Santos, Karylle, K Brosas, Jaya, Kyla, Nyoy Volante kasama ang Tawag ng Tanghalan finalists na sina  Gidget dela Llana, Maricel Callo, Marielle Montellano, Pauline Agupitan ,Noven Belleza, at Eumee Capile.

Sumunod ay ang Pasko medley from Ogie Alcasid kunsaan kasama niya sina Jaya at Jona Viray. Kabilang rin sa production number ang Birit Queens na sina Yeng Constantino, Angeline Quinto, Kyla, Morisette, at Klarisse. Nakasama rin sa stage at naghandog ng awitin sina Winnie Cordero at Doris Bigornia.

Humataw naman sa dance floor ang dance pairs na sina Jessy Mendiola at Rayver Cruz (Rumba dance, Sabor Ami), Zeus at Dawn, Iza Calzado at Xian Liam (Foxtrot song), Ritz Azul at Enchong Dee, Shaina Magdayao at JC de Vera (Jive, Boogie), Maja Salvador, Kim Chiu at Gerald Anderson (Tango) at Amy Perez and Vhong Navarro (Merengue dance).

Ang mga Divas na sina Jaya, Bituin, Radha, Dulce na kumanta ng (I Am Beautiful) ay nakipagtagisan din ng husay kina Morisette Amon, Klarisse de Guzman, Jona at Angeline Quinto sa kantang “Titanium.” Nakasama rin nila sa stage ang tatlong momshies ng Magandang Buhay na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Soul Sessionistas na sina KZ Tandingan, Jar R, at Jason Dy ay nagpamalas naman ng kakaibang rendition at version nila ng medley popular songs of 2016 na Tatlong Bibe, Pen Pineapple Apple Pen at Pak Ganern.

Ibang klase naman ang ipinakitang performance ng Goin’ Bulilit kids at ang cast ng Banana Sundae headed by Angelica Panganiban, JC de Vera, Pooh, John Prats, mga komedyanteng sina Chocoleit at John Lapus. Humataw sila sa dance floor sa tugtog ng mga kantang sumikat nitong 2016 gaya ng Jojo on the Net, Fettwap, My Boo, Running Man, Trumpets Horns, at Mannequin.

Ang Star Magic talents naman ay kumanta ng Christmas carols gaya ng Hark the Herald, O Come All Ye Faithful, First Noel, at Joy to the World.

Nagsimula namang maghiyawan at kiligin ang fans nang haranahin sila ng Kapamilya leading men (Yuletide Kilig) na sina Daniel Matsunaga, Matteo Guidicelli, Elmo Magalona, Tomi, Diego Loyzaga (Closer), sinundan ito ng grupo nina JC de Vera, Jason Abalos, Jake Cuenca, Ejay Falcon, Enchong Dee at sumunod naman ang grupo nina Xian Lim, Gerald Anderson, Sam Milby, Paulo Avelino, at Zanjoe Marudo (Don’t Give Up). Siyempre, hindi nagpahuli ang original hunks ng Kapamilya network na sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, at Piolo Pascual.

Dumagundong ang buong Araneta nang lumabas na sa stage ang Kapamilya hottest teen stars ngayon na sina James Reid, Enrique Gil, at Daniel Padilla.

Kinanta nila ang “One Call Away” habang bumababa sila isa-isa ng stage ay may dala silang rose na ibinigay sa napiling lucky girls sa audience. Super kilig ang halos lahat ng kababaihan dito.

Sinundan ito ng prod number ng It’s Showtime family kunsaan humataw ang Hashtags, Girl Trends, Billy Crawford, Jugs & Teddy, Karylle & Anne (Now), Amy Perez, at Joey Marquez (Ganito ang Pasko sa Amin).

Present din sa TV special ang ABS-CBN Chief Content Officer na si Ms. Charo Santos Concio na nagsinabi: “Lubos akong nagpapasalamat sa mga totoong kuwento ng inyong buhay na patuloy ninyong ibinabahagi sa amin sa pamamagitan ng MMK [Maalaala Mo Kaya] sa loob ng 25 taon.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa mga ina ng tahanan ay naghandog naman ng nakakaantig na mga awitin sina Zsa Zsa Padilla, Vina Morales (If I Could), Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, Karla Estrada (I Promise You), Lea Salonga, at Sharon Cuneta (Wind Beneath My Wings).

Hindi naman nagpahuli ang male crooners na sina Martin Nievera, Darly Ong, Jason Dy, Erik Santos (Night of Music), Jed Madella, Robert Sena (I’ll Be Home For Christmas), at Bamboo (Auld Lang Syne) .

Sumunod ay ang big band Christmas medley na pinangunahan nina Xian Lim, Richard Poon, JC de Vera, Matteo Guidicelli, Jar R, Sue Ramirez, Denise Laurel, Kyla, KZ Tandingan ,at Kristel Fulgar. Pati ang former housemates ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 ay nakisaya kasama ang Kapamilya stars.

Ipinakilala naman ng real life sweethearts na sina Robi Domingo at Gretchen Ho ang Kapamilya loveteams at dito ay kinanta nila ang mga sikat na Christmas songs around the world.

Kabilang sa mga performers ay sina Grae Fernandez & Andrea Brillantes, Yves Flores & Loisa Andalio, Jairus Aquino & Sharlene San Pedro, Nash Aguas & Alexa Ilacad, Bailey May & Ylona Garcia, Tommy Esguerra & Miho Nishida, up and coming pairs Sofia Andres & Diego Loyzaga, Julia Barretto & Ronnie Alonte, McCoy De Leon & Elisse Joson, teen stars Elmo Magalona & Janella Salvador, Daniel Matsunaga & Erich Gonzales, Sam Milby & Julia Montes, Bea Alonzo & Ian Veneracion, and comebacking Kimerald love team nina Kim Chiu & Gerald Anderson.

Sa paglabas ng tatlong pares ng pinakasikat na Kapamilya loveteams na sina Nadine Lustre & James Reid, Liza Soberano & Enrique Gil at Kathryn Bernardo & Daniel Padilla ay tuluyan nang nabulabog ang venue. Halos hindi na marinig ang boses ng loveteams habang sila ay kumakanta. Puro hiyawan at tili ang sigaw ng fans ng Jadine, LizQuen, at Kathniel.

Showdown namang maituturing ang production number nina Billy Crawford, Darren Espanto, Anne Curtis, at Sarah Geronimo kasama ang 4th Impact na nakilala sa ibang bansa dahil sa X Factor UK.

Bukod sa pagkanta, sayaw ay nakipaghatawan din sa break dance si Darren kay Billy. Halata namang kinakabahan si Anne sa kanilang showdown ni Sarah Geronimo (Tayo’y Magsayawan) kaya in between ay panay ang kanyang sigaw at walang takot ito kahit halos mawala na siya sa tono. Pero the show must go on for Anne at wala siyang paki kahit sintunadona na ang kanyang boses. After their number ay agad itong sumigaw ng “I Survived’ na labis ikinatuwaa ng audience. Maging si Sarah G ay aliw na aliw kay Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa grand finale number, naghandog ang Kapamilya stars ng medley of Christmas songs bilang pasasalamat sa kanilang mga fans na nagmamahal at tumatangkilik sa kanila.

The two-part special of the 2016 Christmas special will air on Saturday, December 17, after Maalaala Mo Kaya (MMK) and on Sunday, December 18, after Wansapanataym on ABS-CBN.









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN