Jak Roberto wants to be known for acting skills, not just his abs

Jak Roberto: "Yung wish ko na magkaroon ako ng chance na mag-bida in 2017 ay natupad kaagad dahil sa Meant To Be."




Kabilang sa mga breakout stars ng GMA Network ay ang tinaturiang “Pambansang Abs” na si Jak Roberto.

Mula sa pagiging “one of those” lang sa programang Walang Tulugan with the Master Showman, ngayon ay isa na siya sa apat na leading men ng Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza sa rom-com teleserye na Meant To Be na ipapalabas starting January 9, 2017.

Gaganap si Jak bilang torpe na manliligaw ni Barbie sa naturang teleserye. Mga nakakalaban niya sa pagtingin kay Barbie ay sina Ken Chan, Ivan Dorschner, at Addy Raj.

Katuparan raw ng pangarap ito ni Jak na maging leading man pagkatapos ng kanyang mga supporting roles sa mga shows ng GMA-7 tulad ng With A Smile, Cielo de Angelina, Pepito Manaloto, Ilustrado, The Half Sisters, Hanggang Makita Kang Muli, Usapang Real Love, Dear Uge, at Bubble Gang.

Sinubukan rin ni Jak na maging singer via the trio na 3LOGY with Jeric Gonzales and Abel Estanislao. Pero nabuwag na nga ang grupo nilang iyon.

First time din na magkaroon ng show si Jak sa primetime block ng GMA-7 kaya sobra ang pasasalamat nito.

“Primetime ito, first time ko mag-lead role bilang isa sa mga leading men ni Barbie Forteza, sobrang saya.

“Hindi ko ma-express yung feeling ko ngayon.

“Sabi ko nga, hindi pa nagsi-sink in. Pero ngayon talaga sobrang cloud nine yung pakiramdam ko,” pahayag pa ni Jak nang makapanayam namin siya sa GMA Network Center kamakailan.

Maipapakita na raw ni Jak ang mga natutunan niya sa pag-arte at hindi lang ang magandang katawan niya.

“Finally, ito na, mabibigyan na ako ng chance para maipakita kung ano'ng meron ako bilang aktor.

“So, hindi lang yung parang... nakilala ako kasi lagi akong nagta-topless sa shows na Dear Uge at Bubble Gang.

“This time mapapakita ko na kung ano'ng kaya ko pagdating sa pag-arte,” diin pa ni Jak.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#Repost @carlosagassi with @repostapp ??? Dearuge ???? @miss_eugenedomingo @jakroberto saya ??

A photo posted by Jak Roberto (@jakroberto) on



Dahil sa biglang sumikat ang pangalan na Jak Roberto, bigla rin daw siya nagkaroon ng maraming bashers.

Kung noon daw ay walang pumapansin sa mga pino-post niya sa social media accounts niya, ngayon ay dagsa-dagsa na ang mga likes at comments sa bawat pino-post niyang photo.

Umabot na nga raw sa 141,000 ang followers niya sa Instagram at 20,000 followers sa Twitter.

Nagkaroon daw siya ng bashers noong ipareha siya kay Bianca Umali sa Usapang Real Love.

“Normal naman yun I think.

“Lagi kong sinasabi naging supporter din ako ng mga artista, naging fan din ako. So parang, ganun talaga 'pag lalo na die-hard, lalo na 'pag love team.

“Naiintindihan ko sila, ramdam ko sila, ganun talaga ang mga fans.

“Trabaho lang yung sa amin ni Bianca before. Hopefully itong teleserye with Barbie ay walang magalit sa akin na fans ni Barbie,” ngiti pa niya.

Mabilis raw natupad ang wish niya para sa kanyang career sa 2017. Nagpapasalamat naman siya sa maraming naging trabaho niya nitong taon na ito.

“God is good all the time. Sobrang happy ko this year ito nga sunod-sunod guesting na project.

“Ito na lang sa Dear Uge saka yung Bubble Gang, malaking bagay yun na ako kasi trabaho iyon para sa akin.

“Sabi ko magka-regular na work lang, kasi para masaya, para tuloy-tuloy yung work, yun ang gusto ko.

“Tapos hindi ko naman inexpect na sunod-sunod na magkakaroon ng mga guestings din.

“Tapos yung wish ko na magkaroon ako ng chance na mag-bida in 2017 ay natupad kaagad dahil sa Meant To Be.

“Mas matsa-challenge ako ngayong 2017,” pagtapos pa ni Jak Roberto.
 
 




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN