Karylle learned pole dancing for seductress role in Singaporean TV series

IMAGE Noel Orsal

Karylle talks about the difficulties she had to endure for her Singapore-based crime thriller television series titled Private Investigator



Pinaghirapan ni Karylle na matuto ng pole dancing para sa kanyang role sa Private Investigator (P.I.), isang Singapore-based TV crime thriller series.

Ginagampanan ni Karylle ang role ni Maia, isang pole dancer at single parent na kalaunan ay naging isang private investigator na nasangkot sa mga kasinungalingan at panloloko.

“I had to learn how to pole dance, nag-training ako dito,” paliwanag ng singer-actress sa presscon ng nasabing series sa Full Belly restaurant sa Quezon City nitong Miyerkules, January 3.

Nagpaturo si Karylle sa kilalang celebrity dancer na si Luningning, gayundin sa mga dancers ng It’s Showtime, ang ABS-CBN noontime show na kinabibilangan ni Karylle.

“Kasama ko si Luningning, meron siyang studio dito lang sa QC, and sinamahan din ako ng mga Showtime dancer para makapag-ready.”

Dahil hindi naman talaga siya nagpo-pole dance, inamin ni Karylle na kinailangan niyang mag-adjust lalo pa’t skimpy ang suot ng pole dancers.

“Kasi ibang feeling din yung nagpo-pole dancer. You have to be comfortable with your body.

“Usually ang mga Pinay hindi naman tayo ganon kahilig mag-bikini or whatever.”

Nasubukan ni Karylle ang maging ballet dancer noong bata at ang aerial hoop.

Inakala raw niya na hindi niya magagawang mag-pole dance.

“For some reason, I almost thought it was impossible.

“Meron akong friend who was older than me. Sabi ko 'Kung kaya mo siguro kaya ko, no?' sabi niya 'Oo, madali lang.' So, yun yung nagbigay sa 'kin ng lakas ng loob.”

Seductress ang character ni Karylle sa nasabing show at makikita ito kapag pinanood ang trailer ng P.I.

Aniya, nakatulong sa kanya ang pole dancing upang magampanan nang husto ang mas daring na role.

“I think it really helped yung training with Luningning. Just being there with people who are so comfortable with themselves and their bodies [really helped].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa pole dancing kasi mahirap siya pero once you put on the high heels, parang sobra niyang taas, once you put it on, nag-iiba yung tindig mo, saka feeling mo sobrang sexy talaga yung feeling.”

Nagkaroon pa nga raw siya ng mga pasa sa katawan sa pag-eensayo.

“Ang pinakamahirap sa pole dancing siguro kung maselan ka. Ako kasi pasain, so ang dami kong pasa during the time na nagti-train ako but aside from that wala na.”

Kinondisyon din daw ni Karylle ang isip para sa kanyang role na mas daring.

Nangingiti niyang paliwanag, “I tried also not to be so judgmental kasi yun ang mga iisipin mo na kunwari may mga nakakagulat na moment kasi don sa series may mga tina-tackle din sila na S and M [sadomasochism] in the woods, so parang, ‘Ah, wala ‘yan.’ Yun ang tina-try kong train of thoughts.”

Ito ang pangatlong acting project ni Karylle sa Singapore. Nagbida siya sa The Kitchen Musical noong 2011 at naging guest sa long-running Singaporean show na Point of Entry noong 2012.

Ang P.I. ay ipalalabas sa Singapore sa Channel 5 simula January 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN