Here's why Mika dela Cruz is glad to be a talent of GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Mika dela Cruz enjoys her close bond with fellow GMA-7 actress Barbie Forteza: "Sobrang jive kami ni Barbie at lalo ngayon, matagal kaming magkakasama at parehas na kaming mature. So, ibang level na po ang samahan namin ngayon."



Masaya raw talaga si Mika dela Cruz ngayong isa na siyang GMA-7 talent.

Lalo pa siyang natuwa dahil sa unang teleserye na ibinigay sa kanya ng network, ang Meant to Be, na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad.

“Masaya, blessed and sobrang saya ko dahil ang ganda nitong unang project na binigay sa akin ng GMA,” pahayag ng nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz.

Napanood na namin ang dalawang unang araw ng Meant to Be at kung pagbabasehan sa napanood naming episodes, tila malayo sa pagiging kontrabida ang karakter niya.

Kaya tinanong namin si Mika kung ganoon nga ba tatakbo ang karakter niya sa Meant to Be.

Aniya, “Kung titingnan, yes, kontrabida po ako rito, pero hindi kontrabida na salbahe.

“Hindi kontrabida na dahil lang nagseselos, gusto ng attention.

“Ang character niya actually, nagsimula sa mabuting bata at mabuting tao naman actually si Mariko.

“Pero siyempre, sa buhay natin, hindi naman tayo palaging mabait.”

ROLE. Half-Japanese at half Pinoy ang nationality ni Mika sa kanyang Kapuso teleserye.

Dugtong pa niya, “Siyempre, sa totoong buhay, hindi naman po sa lahat ng oras mabait, minsan may nakakapag-push sa atin na gumawa ng mali minsan, magkasala tayo sa kapwa natin.

“Pero dahil naman din po yun na tao tayo, may dahilan, may hinanakit tayo kung bakit natin nagagawa ang mga ganung bagay.

“So yun po si Mariko, tao lang.

“Nagmahal, nagkamali.”

BONDING WITH BARBIE. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagsama sila sa isang proyekto ni Barbie. Nagkasama na raw sila sa pelikulang Ang Darling Kong Aswang.

Ayon kay Mika, “Nag-start po kami sa Ang Darling Kong Aswang.

Nagkasama kami ni Barbie and ever since, after nun, palagi kaming nagkakasalubong sa mga awards night po.

“Kami-kami ang magkakalaban, kami-kami ang magkakatabi nina Nash [Aguas], Sharlene [San Pedro], Buboy [Villar], si Barbie. Yun po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan, sumasama naman ako sa taping ni Ate kaya nakikita ko rin sila.

“Matagal na po kaming nagbabatian ni Barbie.

“Sobrang jive kami ni Barbie at lalo ngayon, matagal kaming magkakasama at parehas na kaming mature.

“So, ibang level na po ang samahan namin ngayon.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN