Addy Raj gets flooded with nude pics from women on social media

IMAGE Noel Orsal

Indian national and new Kapuso hunk Addy Raj is shocked at the sheer number of nude pics he gets online, along with indecent proposals: "I am just shocked that people do that a lot on social media. Some of them are asking to reply by sending them a photo of my thing. But I don't do that. It's not the right thing to do on social media."

 


Gusto nang manatili sa Pilipinas ng bagong Kapuso hunk, ang Indian national na si Addy Raj.

Ipinanganak sa New Delhi, India si Addy at naging exchange student siya rito sa ating bansa.

Dito rin sa Pilipinas ipinamalas ni Addy ang kanyang talento, hindi lang sa pagmo-model, kundi pati na rin sa husay niya sa pag-awit.

Dahil sa talent niyang ito, naging contestant siya sa ABS-CBN singing contest na I Love OPM.

Hindi man sinuwerte si Addy sa naturang singing competition, nagbukas ito ng maraming opportunities sa kanya at isa roon ay ang pagiging isang aktor.

Ngayon ay isa na siya sa mga leading men ng Kapuso Teen Queen Barbie Forteza sa bagong primetime rom-com teleserye ng GMA-7 na Meant To Be.

Masaya si Addy dahil una niyang na-experience ang maging bahagi ng isang malaking press conference na ginanap noong nakaraang January 3 sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

"It's my first time to be in a big press conference.

"I got so nervous because I might not know what to say.

"But they keep telling me to relax and just be myself.

"Just answer the questions truthfully and I will be okay," pahayag niya.

LOVING THE PHILIPPINES. Nine months pa lang na naninirahan sa Pilipinas si Addy at noong first two months pa lang daw niya bilang exchange student ay nagustuhan na niyang tumira rito.

Marami raw dahilan kung bakit gusto niyang mag-stay nang matagal sa Pilipinas.

"There are so many things I like about the Philippines.

"I love the people, the culture, the food, the weather.

"A lot of people in the Philippines say that they don't like the weather, but for me, I love it.

"When I was exchanging, I was always falling sick, but not here.

"I always love to stay in places that are warm.

"And the Philippines has great weather compared to the other countries I've been to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The most important thing that made me stay was the fact that whenever I'm walking along the road, even when I have just been in the Philippines for a few weeks, I smile at random strangers and they always smile back.

"That's something that really made me stay," pagmamalaki niya.

AIMING FOR FILIPINO CITIZENSHIP. In and out din ng bansa si Addy dahil sa pag-ayos niya ng kanyang work visa.

Inaalam din niya kung ano ang puwede niyang gawin para maging permanente na siyang citizen ng Pilipinas.

"The only way is to marry a girl from the Philippines.

"But it's too early for me to get into marriage.

"Siguro kapag nakita ko na yuung right girl, then it will happen.

"But I'm not looking for a girlfriend right now.

"I've broken up with my girlfriend back in India.

"It's only been a year since we've ended our six-year relationship.

"So I'm enjoying my time being single.

"I still want to meet and date other girls here in the Philippines," diin pa niya.

INDECENT PROPOSALS. Dahil sa naging magandang exposure ni Addy noong makabilang siya sa Top 10 Cosmo Bachelors noong nakaraang taon, parati na lang daw siyang nakakatanggap ng indecent proposals at may mga stalkers na rin siya sa social media.

Hindi lang daw sineseryoso iyon ni Addy dahil alam niyang part iyon ng trabahong pinasok niya.

"I am just shocked because I am not used to it.

"But many people who are my friends tell me that it is just normal.

"I am in this business where a lot of people see me and my photos on social media.

"Many say that I''m sexy and they want to get to know me.

"I love making friends because I'm still very new in this country.

"I never thought that I have that huge impact on my followers," ngiti pa ni Addy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING NUDE PICS. Ikinagulat daw ni Addy ang mga nagpapadala sa kanya ng mga photos na karamihan ay mga hubad na katawan ng mga babae.

"It's not just their body parts, but they show their faces as well!" tawa pa niya.

"I simply delete it because it's not proper.

"I respect women. I come from a country where women are highly respected.

"I am just shocked that people do that a lot on social media.

"Some of them are asking to reply by sending them a photo of my thing.

"But I don't do that. It's not the right thing to do on social media.

"I don't want to do anything that I will regret later on," pagtapos pa ni Addy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN