Meet Koreen Medina, the third wheel in Alden-Maine teleserye

by Rose Garcia
Jan 8, 2017
Former beauty queen Koreen Medina (in photo) on meeting Alden Richards and Maine Mendoza for the first time: "Sobrang bait nila, sobrang cool lang nila. As in, spontaneous lang sila. Wala silang arte-arte sa katawan, pareho lang sila."

Si Koreen Medina ang napili sa mga nag-audition para maging ka-love triangle nina Maine Mendoza at Alden Richards sa kanilang primetime series, ang Destined To Be Yours.

Si Koreen ang isa sa mga Avengers ng StarStruck batch 6. Siya rin ay kinoronahan bilang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International-Miss Intercontinental 2013 at lumaban siya noon sa Germany.

Nag-audition siya para sa naturang role at para siya ang mapili, biniro nga siya ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) na hinusayan niyang talaga ang audition.

“Actually, ginalingan ko po talaga.

“Bigay na kung bigay.

“Siyempre, hindi po basta-bastang project po ‘to,” ang natatawang pag-amin niya.



READY FOR BASHERS. Naniniwala si Koreen na ang makasama sa Destined To Be Yours ang isa sa pinakamalaking breaks na dumating sa kanyang showbiz career.

Alam niya na puwede siyang ma-bash o may magalit sa kanya dahil gaganap nga siyang kontrabida sa phenomenal AlDub loveteam nina Alden at Maine.

Continue reading below ↓

“Opo, pero lahat naman po talaga ng celebrities, may bashers.

“Pero iba po kasi ‘to, sila po talaga ang hottest loveteam sa panahong ito.

“I think, magandang opportunity siya for me, as a newcomer in the industry.

“Yung magiging takbo ng career ko, pero siyempre kailangang galingan ko talaga ang pag-portray ko at mabigyan ko ng justice ang character,” pahayag niya.

Noong story conference nila, nagkaroon na ng pagkakataon si Koreen na makita at makilala sina Alden at Maine.

Kumusta naman ang pagkikita-kita nila?

Aniya, “Sobrang bait nila, sobrang cool lang nila.

“As in, spontaneous lang sila.

“Wala silang arte-arte sa katawan, pareho lang sila.”



LOVE LIFE. Twenty-one-years old na si Koreen at ayon sa Kapuso actress, hindi pa raw siya nagkakaroon ng seryosong karelasyon.

Hanggang ka-M.U. at crush pa lang daw siya.

Katwiran niya, “Bantay-sarado po ako ng lola ko.”

Continue reading below ↓

Tinanong namin si Koreen, paano kung ma-in-love si Alden sa kanya at maraming fans ang puwedeng magalit sa kanya?

“Opo, Lord, guide me Lord,” natawang biro niya.

Pero sabi niya rin, “Siguro naman, alam ko po kung paano i-separate ang personal sa trabaho.”

Lola’s girl daw si Koreen at ang lola na nga niya ang nag-alaga sa kanya apat na taong gulang pa lang siya. Hiwalay na raw ang mga magulang niya.



FOCUS ON SHOWBIZ CAREER. Iniisantabi muna ni Koreen ang pagsali sa mga beauty pageants. Naka-focus muna raw siya ngayon sa pag-aartista.

Ayon sa kanya, “Dito muna ako nagpu-focus ngayon, sa pagsu-show business.

“Kasi, dumarating na po ang mga opportunities sa akin, might as well grab them.

“Seryoso po.”

Idolo raw ni Koreen sa mga Kapuso actresses si Jennylyn Mercado.

Read Next
Read More Stories About
Destined To Be Yours, bashers
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former beauty queen Koreen Medina (in photo) on meeting Alden Richards and Maine Mendoza for the first time: "Sobrang bait nila, sobrang cool lang nila. As in, spontaneous lang sila. Wala silang arte-arte sa katawan, pareho lang sila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results