Lyca Gairanod reveals investments she made after winning The Voice Kids

IMAGE Noel Orsal

The Voice Kids winner Lyca Gairanod hopes to release her album this 2017.



Marami ang natutuwa sa naging matagumpay na career ng The Voice Kids Season One grand champion na si Lyca Gairanod.

Hindi kaila sa marami ang nagbago sa dating buhay ni Lyca bago ito sumali at nanalo sa The Voice Kids noong 2014.

Mangingisda ang ama ni Lyca at nangongolekta sila ng kanyang ina ng mga plastic na bote at mga lumang diyaryo para lang makadagdag ito sa pambili nila ng pagkain araw-araw.

Nagawa pang kumanta ni Lyca sa mga kapitbahay nila para lang malimusan siya ng pera para sa bibilhin nilang pagkain.

Ngayon ay tila malayo na ang mahirap na buhay na iyon ni Lyca sa buhay niya ngayon.

Sa January 9 press conference ng pelikulang Tatlong Bibe sa Max's Restaurant sa Quezon City, marami ang nagulat sa magandang transformation na ni Lyca.

Tumangkad na ito at gumaganda na siya. Mula sa pagiging isang ugly duckling ay papunta na ito sa pagiging isang magandang swan.

First movie ni Lyca ang Tatlong Bibe at kasama niya rito bilang bida ay ang dalawang child stars ng ABS-CBN na sina Raikko Mateo at Marco Masa.

Naikuwento pa ni Lyca sa press na nakabili na sila ng bahay at bagong sasakyan.

“Lahat po ng mga kinita ko simula noong manalo ako sa The Voice Kids ay naipon po namin. Kaya po nakabili kami ng bahay at sasakyan.

“Tamang-tama lang po ang buhay namin ngayon. Hindi po kami sobrang yaman. Yung tama lang po.

“Ang importante po ay magkakasama kami ng pamilya ko at sabay po kaming nagiging masaya sa nangyayari ngayon,” ngiti pa ni Lyca.

Isang teleserye pa lang ang nagagawa ni Lyca sa ABS-CBN na Hawak-Kamay, pero napapanood naman siya parati sa Goin’ Bulilit.

Mas madalas daw kasing nagsu-show siya sa iba’t ibang lugar.

“Puro mga shows po out of town ang ginagawa ko. Singing pa rin po ang gusto kong gawin.

“Naging busy din po ako sa pagtapos ng album ko po.

“Baka this year na po siya lalabas,” masayang balita pa niya.

Sa Tatlong Bibe ay nagpamalas nga raw ng kanyang nalalaman sa pag-arte si Lyca. Ang movie na ito ay nakatakdang ipalabas on March 1.

“Kinabahan din po ako kasi first movie ko itong Tatlong Bibe.

“Pero maganda po ang pagkakadirek ni Direk Joven Tan at tinulungan po niya kami sa mga eksena namin nila Raikko at Marco.

“Nagpapasalamat po ako na nakasama ako sa movie na ito dahil ang gagaling po ng mga kasama namin.

“Saka marami po silang makukuhang mga magagandang aral sa buhay sa Tatlong Bibe. Hindi lang para sa mga bata, pero para sa bawat miyembro ng pamilya,” pagtapos pa ni Lyca Gairanod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN