Karla Estrada gave one condition before agreeing to depict her life on MMK

IMAGE Allan Sancon (Karla)

Angelica Panganiban (right) portrays Karla Estrada (left) in this week's episode of MMK.



Tampok sa Maalaala Mo Kaya ang life story ni Karla Estrada na ipalalabas ngayong Sabado, January 14.

Paano siya napapayag na ilahad ang kwento ng buhay niya sa drama-anthology show ng ABS-CBN?

“Tinawagan ako ni Tita Cory [Vidanes, chief operating officer of broadcast] at siya ang nakipagusap sa akin, at sinabi sa akin yun two months ago.

“Ah, nag-compromise kami. Pareho naman kaming nagkaintindihan.

“Meron kaming ano, sinabi ko, sige, Tita Cory gagawin ko pero wala lang yung istorya ng pag-ibig ko.

“Oo, walang mga love story. Mula kay Rommel [Padilla] hanggang, basta walang ita-tackle sa tatay ng mga anak ko at sa buhay pag-ibig.

“Hindi sila dapat nandun. Mahirap,” diin niya.

“Ayokong nagpapaliwanag pa. E, kasi siyempre naman hindi nagiisa yun.”

Hindi ba sila okay ni Rommel?

“Okay kami ngayon, di ba?

“So, maraming ganoon. Okay naman. Sana ma-enjoy nila ang panonood sa MMK tungkol sa buhay ko.”

More or less, ano istorya ng buhaya niya ang ipapakita sa MMK?

“Kung paano ko naabot yung pangarap ko, yung paniniwala, yung faith ko na mangyayari lahat ng ito na para ka’ng luka-luka dahil ikaw na lang ang naniniwala sa sarili mo.”

Lalabas din ba siya sa episode ng buhay niya sa MMK?

“‘Pag ano na, yung nag-audition na si Daniel dito [sa ABS-CBN]. Ah, nung nag-go see siya. Ako yung kasama niya rito.”

Pati ba si Daniel may special appearance sa MMK?

“Hindi,” sagot niya.

May ipapakita ba na episode sa buhay niya sa MMK noong hirap na hirap siya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak?

“Ah...hindi kasi ako naghirap. Hindi ako naghirap na kung anuman ang paghihirap like tumira ako sa ilalim ng tulay?

“Nung artista ako hindi naman. Nade-delayed-delayed ka lang, sa yung mga pambayad ng kuryente, ganoon lang.

“Pero noong bata ako, from riches to rag, hindi naman alintana yun kasi bata ka. Hindi mo naman yun naintindihan kapag bata ka.  Balewala sa akin noon yun.

“Ang importante sa akin noong bata ako ay makapag-Chinese garter ako, piko at makapag-jolens [marbles],” nangingiting pagalaala ni Karla.

Pagpapatuloy pa niya, “Wala naman akong portion na naghirap ako kasi tuluy-tuloy naman ang pagkanta ko, pag-raket ko sa abroad. Lahat naman ang ama ng mga anak ko may pera. Sila lahat nagpapa-aral.”

Hindi ba't may malaking lupa rin siya sa kanilang probinsya sa Samar?

“Oo, oo,” pagkumpirma ni Karla.

“Siguro yung ako lang kasi magisa ang kasama ng mga anak ko. Ipapakita lang naman doon yung naputulan ng kuryente. Kasi yung pag ganoon, e, a-kinse yung magpuputol tapos ang sweldo mo a-dyes at a-bente singko ‘di ba?”

Ilang beses siyangg naputulan ng kuryente?

“Marami,” pag-amin niya.

“Pero hindi ko na mabilang kasi naka-ilang taon na ang lumipas.”

Ano ang moral lesson ang makukuha ng audience out of her life story sa MMK?

“Well, of course yung paniwalaan mo yung pangarap mo. Huwag kang bibitaw. Yun lang yun.

“Panoorin ninyo. Yun lang naman talaga ang ginawa ko, e. Simula nung bata ako, gusto ko lang talaga mag-artista.”

Anu-ano naman ang highlights ng buhay niya ang ipapalabas sa MMK?

“Actually, maraming highlights talaga. Hindi ko nga alam kung paano nila pagkakasyahin ang ano, basta meron doon buong buhay ko bawat kanta ko, kahit hindi ko naman kilala ang tatay ko inaalay ko sa kanya.

“Tapos noong nakausap ko siya, hindi niya alam, ang alam niya namatay ako noong ipinanganak ako. Yun ang sabi ng lolo ko sa kanya.”

Kumusta yung pagkikita nila ng Amerikanong ama niya sa U.S.?

“Ay, ang saya. Para akong bumalik sa pagka-eight years old na bata, yung ganoon. Sabik na sabik sa ama.

“Pero ganoon pala yun, kapag hindi ka sanay, hindi mo naman kinalakihan, okay lang. Walang masyadong, hindi mo name-miss kasi sanay ka namang wala. Pero nabuo ang pagkatao mo.”

Naibigay na ba sa kanya ang bahay ng father niya sa U.S.?

“Maraming inaayos lang lalo na nagbago yung Presidente.  Pero okay naman. Pero sa dad ko naman yun lahat, e. Naayos na.”

Solong anak ba siya ng daddy niya?

“Dalawa lang kami na anak niya, e. Yung isa boy, si Gian, kasama ng dad namin sa U.S.”

May plano ba na isa-pelikula rin ang life story niya?

“Baka,” sambit niya. “Tingnan natin, oo.

“Pero hindi lang natin alam kung kailan.

“Alam mo naman ako, nerbyosa ako sa mga ganyan. Basta kung gusto nila, gawin nila.”

Gagampanan ni Angelica Panganiban ang kwento ni Karla ngayong Sabado sa MMK.

Nakasanayan ni Karla ang isang maranyang buhay hanggang sa isang araw, namatay ang kanyang lolo na siyang tumutustos sa pangangailangan nilang pamilya. Dahil sa nangyaring ito kung kaya’t napilitan sila na lisanin ang nakagisnang buhay at lumipat sa lungsod ng Tacloban.

Sa kabila ng hirap sa buhay, nanatiling determinado si Karla para maabot ang kanyang pangarap na maging isang sikat na artista balang araw. Lakas-loob siyang sumali ng singing contests subali’t hindi sang-ayon dito ang kanyang ina at pinipilit siyang huwag na ipagpatuloy para iwasan ang kritisismo mula sa iba.

Hindi natinag nito si Karla at nagpatuloy sa pagkanta. Dumating ang pinakahihintay niyang pagkakataon nang madiskubre siya sa isang music hub sa Quezon City na nagbigay daan sa kanya para makapasok sa programang That’s Entertainment. Biglaang kasikatan ang natamo niya sa kanyang karera ngunit sa kasagsagan ng tagumpay, hindi inaasahang mabuntis siya sa una niyang anak.


UPCOMING MOVIE. Speaking of pelikula, kailan siya gagawa ulit?

“Anytime soon. Nasa contract ko naman sa kanila [ABS-CBN] yun.”

Ilang movie pa ang nakalagay sa kontrata na gagawin niya?

“One every year yun.”

Ano naman ang reaksyon niya sa bali-balita na ang anak niya na si Daniel ang tatanghaling Box-Office King this year?

“Oo, sa henerasyon niya sila naman talaga ang ano, ah, basta sa akin ipagpatuloy lang niya ang pagpapakita ng maganda at iba’t ibang klalse nang pag-arte, yun lang yun.

"Ah, yung pagba-box office para sa akin, secondary na lang ‘yan. Kasi hindi naman kami ang may-ari ng lahat ng perang yun kung yun ang paguusapan.

“Ang importante sa akin, every movie, nagi-improve, bumobongga siya in terms of acting. Dahil kumita man ang pelikula mo paulit-ulit, pero pwedeng hindi ka tumagal.

“Pero yung acting mo ‘pag nadya-diyan, alam mo magtatagal ka. Marami kang pwedeng gawin sa industriya natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN