Lani Lobangco's son Bruno Gabriel admits big crush on Rhian Ramos

IMAGE Noel Orsal

Bruno Gabriel confesses his admiration for Rhian Ramos: "There are a lot of other pretty girls here in GMA-7 that I can choose like Thea Tolentino, Klea Pineda, Kate Valdez, and of course, Kylie Padilla. But Rhian stands out for me."



Isang hindi malilimutang experience para sa bagong GMA-7 hunk na si Bruno Gabriel ay ang una niyang paglabas sa teleserye na Hahamakin Ang Lahat.

Marami na raw siyang natutunan pagdating sa pag-arte at kung ano pa ang kaya niyang ibigay sa pagganap niya bilang kontrabida sa tambalan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

“I’m really enjoying myself," sabi ni anak ng former sexy actress na si Lani Lobangco.

“To be part of this teleserye is very meaningful to me.

“I love the whole thing—the storytelling, how far our story has gone to, ano na ang nangyayari sa mga characters namin—it’s all very exciting for me.

“Kaya just being here and being a part of the story, it’s all good for me.

“I’m just thankful that I’m part of this whole thing,” pahayag pa ni Bruno nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Hahamakin Ang Lahat sa De Ocampo Medical Center sa Sta. Mesa, Manila.

POSITIVE FEEDBACK. Kahit first time na umarte ni Bruno sa isang teleserye, maganda ang mga feedback na natatanggap niya.

“I never thought na makakaarte ako ng ganito.

“So far, I am getting good feedback, maraming salamat sa kanila.

“Medyo ini-improve ko pa rin ang Tagalog ko, pero okey naman daw.

“I can do different scenes mapa-light siya or heavy.

“It’s good that you are surrounded by very good actors.

“I learn from all of them since ako lang ang baguhan sa cast.

“That’s why I want to learn more on acting.

“Kahit na kontrabida ang role ko, ayokong maging one dimensional lang siya.

“I want to explore other possibilities na puwede sa role ko,” ngiti pa ni Bruno.

ACTING VERSATILITY. Pang-leading man ang dating ni Bruno, pero nais niyang gampanan ang kahit na anong role para maranansan niya ang maging isang versatile actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda ang naging simula ko sa teleserye.

“Kaya I want to do different roles in the future.

“I want to try myself in comedy, I want to do a movie like yung mga indie films.

“Nasa pangarap ko na rin ang manalo ng acting award.

“Kaya ayokong malagay lang sa iisang klaseng performance.

“If I want to be known as a versatile actor, I have to study and dare myself to try roles that’s way beyond my comfort zone.

“Kaya thankful din ako sa PETA because nagkaroon din ako ng training with them in acting before ako nagteleserye.

“I know that I have a long way to go, pero dahil seryoso na ako sa pag-arte, I want to try everything that has something to do with acting,” diin pa niya.

BIG CRUSH ON RHIAN. Kung sakaling maging leading man na si Bruno, ang pipiliin daw niyang maging leading lady niya ay si Rhian Ramos.

Noong high school pa lang daw ay crush na niya si Rhian noong una niya itong makita sa isang taping location.

Pagbabalik-tanaw niya, “This is a funny story.

“When I was younger, like back in high school, I was on a field trip.

“I saw Rhian on the set, nagkaroon na ako ng crush sa kanya.

“There are a lot of other pretty girls here in GMA-7 that I can choose like Thea Tolentino, Klea Pineda, Kate Valdez, and of course, Kylie Padilla.

“But Rhian stands out for me.

“Parang ‘Wow, ang ganda niya!’

“Hopefully in the future, I get a chance to work with Rhian.

“I know that she’s also a very good actress kaya all the more na gusto ko siyang makatrabaho.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN