Arnel Ignacio’s "Gobingo" to end next month


Arnel Ignacio says Gobingo, hisinteractive game show on GMA-7, will have its last taping day on October 3.



Hanggang Oktubre na lang mapapanood ang game show na Gobingo, hosted by Arnel Ignacio. Yunay dahil hanggang two seasons lang talaga ng itatagal nito sa ere. At yun ang pinirmahang kontrata ni Arnel saGMA-7.

Siyempre pa, malungot si Arnel sa nalalapit na pagwawakas ngkanyang game show na sinimulang ipalabas sa Kapuso Network noong April 14."Last taping na namin sa October 3. Nakakalungkot pero ganun talaga...Maynakatalaga na silang ibang show kasi. Ang importante naman matsutsugi siyadahil kailangan na lang talaga pero sa rating naman consistent naman na mataaskami. "sabi ni Arnel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) noong September 6 sa shop niya sa Greenhills.

"Naka-dalawang season na rin sya. Hindi pala ganun kadaliang isang game show tulad ng Gobingo. Minsan nakaka-create pa kami ng gulo sa iba-t-ibang lugar kung saankumukuha sila ng mga bingo cards.

"Marami na rin naman naitulong ang programa naming like for the second season,nasa P25 million na ang nabigay naming pera. Gusto ko na lang sana mangyaribago kami magtapos may makakuha na ng one million."

Naniniwala naman si Arnel na may darating namang bagong showsa kanya kapalit ng Gobingo. "Kung may magsasara, lagi namang maynagbubukas. Katulad nyan, hindi ko alam na mai-enjoy ko pala ang pagra-radyo. Last May pa yung radioprogram namin ni Susan Enriquez. Masarap ang feeling kasi marami akongnatutulungan."

Lumakas ang bulung-bulungan na ang pagpa-public service niyasa radio ay preparasyon na ng pagtakbo niya bilang konsehal sa susunod naeleksiyon.

"Posible. ‘Yan naman ang gustong-gusto kong gawin angmakatulong. Exciting ang politics. Maraming humihingi ng tulong. Gusto ko namanbago ako mawala sa mundo ay may nagawa naman akong kapaki-pakinabang sa buhayko. Through radio nga, na-trace ko yung mga kaklase ko gaya ng taga-DTI[Department of Trade and Industry] na kaklase ko pala. On air tuloy nakagawakami ng project, eto nga yung tiangge."

"Pero wala pa naman solid na decision sa pagtakbo ko. Peromalaking factor yung nasa showbiz ka kasi through the years, ang dami mongnatanim na koneksyon. Nakikita ko yung components. Mas maymagagawa ka kapag nasa showbiz kasi yung ibang pulitiko hindi alam yung powerng showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN