Sylvia Sanchez: "Kung may Best Ensemble cast award lang, gusto kong manalo ang The Greatest Love"

The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg">

The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg">

Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'"



Pinag-usapan at nag-trending ang episode ng The Greatest Love noong January 11 dahil sa matinding drama at iyakan mula sa bida na si Sylvia Sanchez at ang mga gumaganap na mga anak niya.

Sa gitna kasi ng komprontasyon at panlalait ni Amanda (Dimples Romana) sa kanyang ina, tumambad sa kanila ang tunay na lagay ni Gloria (Sylvia), na mayroon itong Alzheimer’s disease.

Nang exclusive na makapanayam ng PEP.ph ang Kapamilya actress last January 15 sa kanilang tahanan sa White Plains Village, Quezon City, una naming inusisa ang komento niya sa magandang reaksiyon ng viewers sa kanilang teleserye.

“Thankful, sobrang grateful, sobrang tuwang-tuwa… Kasi, hindi ko naman ine-expect na ganoon iyong magiging reaction ng mga tao. Kasi alam mo, everytime na gumaganap ako ng role, ang gusto ko lang naman ay magampanang mabuti, para hindi ako mapulaan.

“At saka gusto ko, kapag lumalabas ako sa bawat role, iba-iba ang makikita nila, para hindi masabi ng mga tao na iisa lang ang acting, na naka-box. Ayaw ko ng ganoon.

“Doon sa scene na iyon, nagulat talaga ako sa reaction ng mga tao. Kahit ako ay hindi ko inaasahan iyon, e, nag-trending, worldwide pa at ang daming positive na reactions talaga. Kaya siyempre ay tuwang-tuwa ako at isa lang ang nasabi ko na, ‘Iba talaga kapag nag-aral ka, iba talaga kapag isinasapuso mo ang ginagawa mo, kapag minamahal mo talaga iyong trabaho mo.

“Mahirap kasi kung nandito ka lang sa showbiz para sa fame at para sa pera. Ang pag-artista kasi ay di lang pera-pera, hindi lang dahil sa kasikatan iyan. Puso iyan e, passion iyan, dedikasyon mo iyan, e. So nagkataon lang siguro na andito ako kasi passion ko talaga ito. And at the same time, kumikita ako, gusto ko yung ginagawa ko,” mahabang paliwanag ni Sylvia.

Inaalaala rin niya ang mga challenges na hinarap niya nang gawin nila ang mga dramatic scenes nila.

Dagdag pa niya, “Sa rehearsal pa lang, humahagulgol na ako, e. Lalo na nang dumating si Z [Joshua Garcia]. E, kapag may Alzheimer ka, dapat ay wala kang emosyon. Kaya kahit nag-iiyakan na sila, dapat wala akong emosyon, kailangan pigilin ko iyon. Natanong ko nga [sa sarili ko], ‘Ano ba ako rito robot?’

“Kaya iniyak ko na ang lahat ng iyak ko noong rehearsal at dasal ako nang dasal habang take na, ‘Lord, tanggalin mo po ang luha ko.’

“Kailangan kasi na blangko lang ang mukha ko, walang emosyon kahit anong nangyayari sa paligid ko.”

Ipinaliwag din niya na kailangang pag-aralan nang husto ang karakter ng may sakit na Alzheimer's Disease para maging realistic ang pagganap niya at hindi ma-bash.

“Madaling umarte, madaling umiyak, pero yung mga ganyang alzheimer’s mahirap, kasi hindi naman yan normal sa atin, sakit iyan, e.

“Saka isa pa, ang mga may sakit niyan may mga pamilya, so yung mga nag-aalaga kapag nanonood sila sa ‘yo, tapos hindi mo ginagawa yung homework mo, alam nila. Kaya babanatan ka nila, ‘di ba?

“Ayaw kong mangyari yun. Sinabi ko na ang role ko na may alzheimer’s, gusto ko tatatak ako. Tatatak yung ginagawa kong acting at hindi yung iba-bash ako na, ‘Ang bobo lang, OA o kulang o bobo umarte,’ Alam mo yun? Ayaw ko ng ganoon, kaya ginagawa ko talaga ang homework ko.”

Nabanggit din ni Sylvia na itinuturing niyang homework ang pag-i-immerse hanggang ngayon sa mga pasyenteng may Alzheimer’s disease para magampanan niya nang mahusay ang kanyang papel sa kanilang serye.

“Actually, siyempre gusto ng production na mag-immerse ako, dinadala nila ako sa mga convention, sa mga ganyan. Pero yung let’s say yung mismong Alzheimer’s, yung mga nanay [na may sakit], ako yun kusa.

“At saka mayroon akong sariling doctor na kinokonsulta. Like yung scene ko last Wednesday and Thursday. Bago ang take niyon, kinausap ko muna yung doctor, in-explain ko, ‘Doc eto yung description, eto yung eksena, eto yung dialogue ko, tama po ba ‘to?

“‘Eto po yung mawawalan siya ng … parang natakot siya na maraming mga tao, na baka mawalan siya ng gamit. Tama po ba ‘to? Anong atake at hanggang saan po ang border nito? Hanggang saan po ang mata nito? hanggang saan po ito…’ Ganoon ang ginawa ko.

“Mamayang 3:30 pupunta nga ako roon, sa Cubao lang. Makikipag-usap lang ako. Lahat ng pasyente, may mga alzheimer’s, imi-meet ko lang sila, kakausapin ko lang,” kuwento pa niya.

Pahabol pa ng aktres, “Mayroong isang nanay doon, nakatali yung kamay—hindi siya nanakit—kundi kinakagat na niya yung kanyang sarili. Hindi na niya alam, e.

“Minsan may nakaka-usap ako na yung nanay niya may Alzheimer's, umiiyak sila. Dahil kapag pinapaliguan nila ang nanay nila, dinudukdok daw sila ng tabo. Saka mahirap alagaan ang may Alzheimer's, kailangang paliguan, kapag nag-wiwi, nagpoo-poo, lilinisin mo… ang hirap niyon!”

Binigyan din niya ng credit ang mga co-stars niya sa kanilang afternoon series.

“Magagaling sila, perfect yung cast. Kung may Best Ensemble cast award lang, gusto kong manalo ang The Greatest Love, kasi nagkaka-isa e, alam mo iyon?

“Magagaling lahat e, Dimples, Matt (Evans), Andi (Eigenmann), Arron (Villaflor), Josh, Ruby (Ruiz). Nonie Buencamino, nakakaloka ang galing niya talaga! Hindi ko na kailangang mag-motivate kapag kaharap ko siya. Nonie Buencamino is Nonie Buencamino. Sina Luis Alandy, Alex Medina, Mercedez Cabral, Bobby Andrews, Micah (Muoz), pati yaya na si Melva at yung mga doctor na sina Tita Olive Isidro at anak ni Jaime Fabregas na si Minco Fabregas, ang gagaling nila.

“At si Ms. Ginny Monteagudo (Business Unit Head-GMO), mayroon talaga siyang mata sa acting at sa magandang istorya, and yung mga director namin siyempre.”

Ilang buwan pa raw ang itatagal ng The Greatest Love, pero gusto ba niya itong ma-extend?

Sagot ni Sylvia, “I don’t know kung mag-extend. Kung ma-extend, siyempre thankful din ako. Pero basta isa lang ang gusto ko, na magtapos siya ng hindi lalaylay. Gusto ko magtapos siya ng nakatatak sa puso ng mga tao na hindi laylay, na hindi dragging. Kailangan intact kami, buo. Kasi ano iyan e, tatak yan sa industriya, tatak na sa showbiz iyan.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg">


The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg"> The Greatest Love"" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/25399/sylvia-sanchez-kung-may-best-ensemble-cast-award-lang-gusto-kong-manalo-ang-emthe-greatest-loveem" data-desc="Sylvia Sanchez on difficulty of shooting The Greatest Love: "Dasal ako nang dasal habang take na, 'Lord, tanggalin mo po ang luha ko.'" " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2017-01-17_16:49:50_sylvia-sanchez-joshua-garci.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN