Christian Bables says he has offers from two TV networks

IMAGE Noel Orsal

Christian Bables who made waves because of his performance in the MMFF movie Die Beautiful, says he wants to be slapped by Maricel Soriano in an acting project. 



Walang ilusyong maging matinee idol ang promising actor na si Christian Bables, na lalong nakilala sa pagganap niya bilang isang transgender na si Barbs sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na Die Beautiful.

Dahil sa kahusayan ni Christian, siya ang hinirang na Best Supporting Actor sa MMFF 2016.

“Hindi ko nakikita ang sarili ko na matinee idol. Mas gusto kong ginagampanan ang buhay.

“Mas gusto kong mag-produce ng life than yung kilig-kilig. Hindi ako yun, e,” sagot ng 25-anyos na aktor sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing niya sa Regal Films nitong Miyerkules, January 18.

Tinanong siya ng PEP, sino sa mga aktor ngayon ang gusto niyang makaeksena at makatrabaho sa isang proyekto.

Mabilis na sagot ng binata, “Maricel Soriano.”

Bakit si Maricel?

“Simply because napakahusay niyang actress, in my own opinion.

“Marami namang ganito sa Pinas, pero she’s one of the Meryl Streeps of the Philippines.

“Kung ako po ay hindi nangangarap ng gising at pagbibigyan tayo, gusto kong masampal ng isang Maricel Soriano.”

Sa mga lalaki naman natupad na ang pangarap niyang makatrabaho si Joel Torre sa Die Beautiful.

Gusto rin niyang makatrabaho si Jericho Rosales sa isang proyekto.

UPCOMING PROJECTS. Ibinahagi rin ni Christian na nakatakda siyang gumawa ng pelikula na ididirek ni Direk Chito Rono.

Pagdating naman sa TV, inamin niyang may offers na siya mula sa dalawang TV networks upang gumawa ng proyekto.

“Both networks pero wala pang napipirmahan. Wala pang nao-oohan kasi maayos na pinipili.”

Pero ani Christian, meron na siyang napipisil sa nasabing offers.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN