Sunshine Dizon opens up about lessons learned from doing infidelity themed series

IMAGE Rose Garcia



Hindi lahat ng artista, nagagawang mag-portray ng karakter na halos similar o malapit sa totoong nangyari o pinagdadaanan niya sa buhay.
 
Yun ang tingin ng karamihan at mga manonood sa karakter na ginagampanan ni Sunshine Dizon bilang si Emma, ang babaeng niloko ng asawa na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion at si Ryza Cenon naman ang kabit.
 
Sabi nga namin kay Sunshine, ang lalim ng hugot niya sa teleserye. Parang real-life lang talaga.
 
“Siyempre there’s always truth naman to the characters that you portray," sabi ng GMA-7 actress nang makausap niya ang ilang entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa set visit ng Ika-6 Na Utos sa Antipolo City.

"But as much as possible, I try to separate my real life naman with work,” saad naman ni Sunshine.
 
Hindi ba mahirap niyang ihiwalay ang totoong pinagdadaanan sa karakter niya ngayon?
 
“Kaya naman, ganun naman ako, malinaw naman sa akin kung ano ako in real life and kung ano ang character na ginagampanan ko. Nakakabitaw naman ako run.
 
“I just stay true to the character, siguro yun ang hugot. Kasi, the script is beautifully written naman talaga, especially with all the lines. Kumbaga, hindi mo naman kailangang umarte, basahin mo lang ang mga linya, talagang punong-puno na ng emosyon.”
 
Sabi namin kay Sunshine, mapa-totoong buhay o sa teleserye nila, kuhang-kuha niya ang simpatiya ng tao at manonood bilang babaeng niloko ng asawa at kabit nito.
 
Ano yung naging realization sa kanya?
 
“Siguro kasi, itong issue na ito has been taboo for a longest time, di ba?

"Especially in our society.  Siguro, ang daming babae out there, suffering silently and here comes their heroine, parang fighting for their right, siguro ganun.
 
“Masasabi kong marami ng nakaka-relate kasi, totoo namang nangyayari. It’s nearing what’s happening in real life rin. Marami na rin namang madaming lumabas na pelikula and series that tackle infidelity.
 
“Siguro ang difference lang nitong sa amin, ako, maiku-compare ko talaga siya sa mga nanay who are experiencing the same thing. Yung struggles nila with family life, being a mother, nag-aalaga ka ng asawa, mga anak, you forget about yourself, napabayaan mo na ang sarili mo, tapos naloko ka pa.
 
“Kumbaga, ang daming dumaan diyan, e.”
 
Sa ngayon, napapanood pa rin si Sunshine na tila napabayaan na nga ang sarili sa karakter niya bilang si Emma.
 
Pero ayon sa Kapuso actress, malapit na raw siyang makitang mas payat at palaban.
 
“Malapit na po, siguro bago mag-February, makikita niyo na. Pero, marami pang madugo, sandamakmak na paghihirap pa.”
 
Kahit na drama at malalim ang pinaghuhugutan ng mga eksena nila sa Ika-6 Na Utos, off-cam, masasabi raw ni Sunshine na masaya ang set nila.
 
“It’s a very nice set, okay naman dito.  Most of my scenes is concentrated with Tita Daria [Ramirez], sina Mike [Tan], Rich [Asuncion], pero once in a while, I see them, sina Ryza [Cenon].
 
“Everyone naman here is good company.  Si Tita Carmen Soriano, even though she’s playing a villain, she’s super sweet and nice.  Mel [Soriano] is also super sweet and nice. Okay naman kami rito, sa istorya lang sila villain, pero off-cam, siyempre hindi.”
 
Si Gabby Concepcion ay nakasama lang niya ngayon pagkatapos nang una nilang pagsasama noong child star pa siya. Nagugulat nga raw ito sa laki ng pinagbago niya, kahit bilang isang aktres.
 
“Si Gabby, he’s very kalog, very caring, ganyan ‘yan sa set.”
 
Nabanggit ni Gabby na kung siya raw ang mister niya sa totoong buhay, hindi raw nito gagawin ang nangyari sa kanila ng asawa na si Timothy Tan.
 
Natawa si Sunshine at saka sinabing, “Funny ‘yang si Gabby.  Minsan, may mga linya kami na magkukuwento siya ng personal anecdote niya, may mga ganun siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN