Ina Feleo clarifies her role in teleserye with Alden Richards and Maine Mendoza

IMAGE From Instagram account of Ina Feleo

Ina Feleo (right) says about her character in Destined To Be Yours: "Ako yung kontrabida roon. Pero hindi naman siya love triangle, parang more of kay Alden [Richards]." This Alden and Maine Mendoza teleserye is one of GMA-7's offerings for 2017.



Isa si Ina Feleo sa cast ng upcoming GMA-7 teleserye na Destined To Be Yours. Gaganap na kontrabida ang aktres sa unang TV series na pagbibidahan nina Maine Mendoza at Alden Richards.
 
Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph si Ina sa kanilang tahanan sa Horshoe Village, Quezon City, recently at aminado siyang handa siyang ma-bash ng AlDub fans.
 
“Iyong next kong show, iyong sa AlDub [Alden Richards at Maine Mendoza], yung Destined To Be Yours. Ako yung kontrabida roon. Pero hindi naman siya love triangle, parang more of kay Alden,” saad ni Ina.
 
Meaning, aapihin mo si Alden sa bagong TV series ng Kapuso network?
 
“Oo medyo ganoon, aapihin ko rito si Alden,” nakangiting saad pa ng aktres na dalawang beses nang itinanghal na Best Actress sa Cinemalaya: para sa Endo (2007) at Sanglaan (2009).
 
Hindi ka ba nag-aalala na baka i-bash ka ng AlDub fans dahil aapihin mo si Alden?
 
“Siyempre, oo,” nakatawang sagot niya. “Nagre-ready naman ako, sabi ko nga, ‘Diyos ko!’ noong nalaman ko na kontrabida ako rito.”
 
Pero nagulat daw si Ina dahil kakaiba ang encounter niya sa AlDub fans.
 
“Pero actually, ang bait ng fans nila. Kasi nag-post ako noong nagstory-con, nag-post ako ng picture naming tatlo nina Richard at Maine.
 
“In fairness yung reactions nila, ‘Sana ikaw yung kontrabida,’ ganoon. So, supportive sila at mayroong yung iba pa na nagsasabi naman na, ‘Sana ikaw ang kontrabida para maano mo, matulungan mo si Maine.’
 
“So in fairness naman, na ang bait nila, na ano… as if naman kailangan ng tulong ni Maine [sa acting], di ba?”
 
Inamin din ng bunsong anak nina Direk Laurice Guillen at Johnny Delgado na excited siya sa project na ito dahil isa siyang AlDub fan.
 
“Saka excited ako sa project na ito talaga, kasi noong start pa lang ng AlDub, fan nila ako, e, sumusubaybay talaga ko sa kanila. So, kaya nae-excite ako na part ako ng show nila ngayon.”
 
Sa mga kontrabida role na ginawa mo, minsan ba ay nagiging peg mo ang dad mo na kilalang premyadong kontrabida rin noong nabubuhay pa siya?
 
Sagot ng 30-year-old actress, “Minsan parang ganoon, minsan feeling ko ay parang sumasapi sa akin si Daddy. Naalala ko lagi yung mga little pointers niya, kasi hindi naman talaga siya nagtuturo masyado.
 
“Pero naaalala ko ang mga pointers niya kapag ano, lalo na kapag nagkokontrabida ako. Kasi si daddy, parang ang style niya, yung hindi mo alam kung ano ang susunod niyang gagawin.
 
“Kaya lagi kong tina-try na ma-achieve iyon. So kapag napapansin ko na parang nagiging predictable na ang ginagawa ko, tina-try ko talagang baliin yun.
 
“Oo, iniisip ko ang daddy ko kapag ganoon, kasi magaling siyang kontrabida talaga.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


 

ON WORKING WITH ATOM ARAULLO. Ano ang feeling niya na kasama siya sa pelikulang Citizen Jake ni Direk Mike de Leon?
 
Pahayag ni Ina, “Well, sinabihan ako, pero ako kasi usually, hangga't hindi nag-i-start [ang movie], di ko pa muna…
 
“Siyempre ano talaga, para akong... ingat na ingat ako na hindi masyadong ma-carried away, ma-excite, pero siyempre malaking bagay sa akin yung fact lang na ikinonsider din ako para sa role.”
 
Dagdag pa niya, “So yung sa akin, gusto ko lang maka-arte nang maayos. Kasi siyempre, malaki yung respeto ko sa kanya [Direk Mike]. Kaya medyo may takot, kasi siyempre, alam mo yung kapag sobrang mataas yung tingin mo?
 
“Kaya siyempre ay pinagbutihan ko talaga [ang screen test] sa abot ng makakaya ko. And afterwards sinabihan niya ako na, ‘You’re good,’ and naano naman ako na parang, “Wow okay na okay na ako roon kahit pa hindi ko magawa yung film,’ Masabihan lang ako ng ganoon, parang nakaka-affirm,” masayang saad pa ng aktres.
 
Ano ang role mo sa movie at ano ang tema ng story nito?
 
“Kasi hindi ko alam, very private kasi si Direk, hindi ba? So I don’t know kung puwede sabihin.”
 
Sa tingin mo, bakit si Atom Araullo ang kinuhang bida rito?
 
“Ang alam ko kasi, Atom is helping ano din, co-writing din. So, involve siya sa project and I think gusto rin siya ni Direk Mike for the film, I mean to act.”
 
Ano ang papel ni Atom dito, reporter?
 
Aniya, “Hindi ko pa nababasa yung script. Noong pinapunta ako, parang dalawang eksena lang yung nabasa ko, yung gagawin ko. So base lang doon yung alam ko, di ko pa nababasa yung buong script kaya ‘di ko pa talaga alam yung istorya niya.”
 
Nakasama raw ni Ina si Atom sa screen test dito, kaya inusisa ng PEP kung ano ang assessment niya sa ABS-CBN reporter/TV host sa pagsabak nito sa pag-arte.
 
“Nagkasama kami sa screen test, gustong makita ni Direk kung anong itsura ‘pag kaming dalawa.
 
“So, doon sa screen test, sa palagay ko ay okay naman siya. Saka parang ang maganda kay Atom dahil nga wala pa siyang acting experience--hindi pa naman siya artista talaga--parang as is na natural na natural.
 
“Which is hindi ba, always good? Parang sa akin sa Endo lang na, na hindi ka pa marunong masyado [sa acting] kaya medyo nagmumukha talagang natural lang.
 
“And at least kumbaga, yung character niya talaga, medyo malapit sa sarili niya. Journalist kasi siya rito, kaya feeling ko hindi naman siya mahihirapan. Parang dikit naman iyon sa character ni Atom.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN