Will Yasmien Kurdi join Encantadia 2016?

IMAGE From Instagram account of Yasmien Kurdi

Yasmien Kurdi evades question if she will be part of GMA-7's Encantadia. Yasmien played Mira in the original Encantadia series that aired in 2005. 



Makakasama ba si Yasmien Kurdi sa Encantadia?

Ito ang isa sa mga natanong sa aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong January 25 sa Limbaga 77 Café Restaurant, Quezon City.

Magtatapos na bukas, January 27, ang Sa Piling Ni Nanay sa GMA-7 kung saan bida si Yasmien kasama sina Katrina Halili at Mark Herras.

May susunod ng show si Yasmien sa Kapuso Network pero hindi pa raw niya ito puwedeng i-reveal.

“May mga pinag-usapan na po, mga concepts. Saka merong isa po na pinag-iisipan pa nila yung role kung itutuloy ba nila,” ani Yasmien na nag-renew rin ng kanyang kontrata sa GMA kahapon.

“So lahat kasi pinag-iisipan pa nila, hindi nila binibigay sa akin basta mabigay lang, lahat pinag-iisipan nila kung bagay ba sa akin or what.”

Siya kaya ang ipapalit kay Kylie Padilla bilang si Amihan sa Encantadia?

Three months pregnant si Kylie ngayon at inaasahang papatayin ang kanyang karakter sa telefantasya. 

“Hindi ko po alam, wala pa pong sinasabi,” sagot ni Yasmien.

Kahapon, January 25, nilinaw ni Direk Mark Reyes na hindi papalitan si Kylie sa epic telefantasya.

(Read: Will Kylie Padilla be replaced on Encantadia?)

Hindi ba ninais ni Yasmien na makasama sa Encantadia?

“Siyempre wini-wish ko po, na sana makapasok rin ako.

"Wala pa, wala pa silang sinasabi,” aniya.

Gumanap bilang si Mira sa original na Encantadia noong 2005 si Yasmien.

Papasok nga ba siya sa Encantadia 2016?

“Iyon ang kailangan nilang abangan, kung papasok nga ako.”  

Gaano katagal ang pinirmahal niyang kontrata sa GMA?

"Matagal po, matagal," at tumawa si Yasmien.


SINGING CAREER. Lahad pa ni Yasmine, isa sa pagtutuunan niya ng panahon ay ang pagbabalik sa pagkanta.

“Iyon po napag-usapan, like yung mga bagong mangyayari, mga plans, yung pagkanta nga po,” paliwanag ng Kapuso actress.

Noong 2005 nang unang gumawa ng album si Yasmien at 2007 nang huling mag-release ng album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman na-miss ng StarStruck 1 alumna ang pagkanta.

“Yes, na-miss ko po! Actually ang na-miss ko dun yung mga out-of-town tapos kailangan mong kumanta, tapos mall tours, kailangan mong mag-promote,” ani Yasmien.

“Yung promotion, di ba, walang pay, for the love of, pero dahil mahal mo yung ginagawa mo, okay lang. Promote ka lang ng promote, na masaya ka naman, na kanta ka lang nang kanta sa mga tao.

“At the same time nari-reach mo rin yung mga fans mo sa iba’t-ibang lugar.”

Love songs pa rin raw ang gustong kantahin ni Yasmien.

“Kasi yun din naman ang hilig ko and I think dun ako makaka-relate and makaka-relate din yung maraming mamamayan. And yung mga Filipinos din talaga mga hopeless romantic talaga sila, so I guess sila yung gusto kong ma-reach na crowd and listeners.”


FAMILY LIFE. Nang ma-interview namin siya, nagkataong espesyal na araw para kay Yasmien dahil 28th birthday niya, kasabay ang pagre-renew ng kontrata.

Bukod doon, fifth wedding anniversary nila ng mister niyang piloto na si Rey Soldevilla Jr.

“Pero eleven years na po kami together,” pahabol ang aktres.

Ano ang sikreto at nagtatagal ang relasyon nila ni Rey?

“Siguro trust, saka space.”

Space?

“Ibig sabihin kung yung work niya, like kailangan maintindihan mo everything about it, kailangan maging understanding ka.”

Dahil piloto ito, minsan ba ay hindi na umuuwi ang kanyang mister?

“Hindi naman, lagi siyang umuuwi, at sabik siyang umuwi!”

“Kasi ano siyempre like, gusto niya pa rin ang lutong-bahay, gusto niya na nakikita niya ang anak niya and everything, mas masaya pa rin naman sa house.”

Isa pa lang ang anak nila, ang four-year-old daughter nila na si Ayesha Zara.

“Ako din naman ganun din, pagkagaling ko sa work, gusto ko rin na umuwi na agad.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN