Koreen Medina on negative reactions from AlDub fans: "I understand that the fans are simply protective."

IMAGE From Instagram account of Koreen Medina

Koreen Medina (right) is thankful that GMA-7 management chose her to be part of the Alden Richards - Maine Mendoza teleserye Destined To Be Yours.



Para sa isang newbie actress tulad ni Koreen Medina, itinuturing niyang isang malaking opportunity ang makasama sa Destined To Be Yours, ang first primetime teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Hindi naman ito ikinakaila ng StarStruck batch 6 alumna at beauty queen na masayang-masaya siya sa proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7.

Sinabi ni Koreen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya sa pamamagitan ng email, sinabi niyang nag-audition pa lang siya para sa Destined To Be Yours ay nakaramdam na siya ng excitement.

"Sa totoo lang po, audition pa lang excited na ako," lahad niya.

"At masasabi kong the last two months of 2016 were really memorable dahil napasama ako sa cast ng isa sa mga most anticipated TV shows ng GMA.

"Tapos, makakasama ko pa sina Alden and Maine, kaya I feel very fortunate na I'm part of Destined To Be Yours," masayang pahayag nga niya.

Kasabay ng excitement, hindi rin nawawala ang kaba kay Koreen dahil ang phenomenal AlDub love team ang kasama niya.

Parang hanggang ngayon, hindi pa rin daw siya makapaniwala.

Ayon kay Koreen, "Sobrang kabado kasi, this is a big show na inaabangan ng lahat, pero more than that, excited po ako na makasama sila.

"It's so surreal na I'm part of this, kaya gusto ko talagang i-share yung moment."

Ang tinutukoy niya rito ay ang pag-post siya sa Instagram account niya ng larawan nilang tatlo nina Alden at Maine.

Pero tila hindi lahat ay natuwa at may ilang nag-post ng hindi maganda patungkol sa kanya.

Naka-off ang comment section ang Instagram post kunsaan nilagay niya sa caption ang mga pangalan ng karakter nila sa Kapuso teleserye. Benjie ang name ng character ni Alden, Sinag si Maine at Marjorie ang gagampanan ni Koreen.

Sa ibang Instagram posts niya ay doon nagrereact at nagkokomento ang mga fans na ang kadalasan nga ay tila negatibo.

Sabi naman ni Koreen, "Noong mag-post ako sa Instagram ng picture naming tatlo, medyo na-overwhelm po ako sa reactions. Hindi naman po maiiwasan na may hindi matuwa sa picture na yun but I understand that the fans are simply protective and I respect that po.

"I know naman din po they just want to show their love and support for Alden and Maine. So para positive vibes lang po, nag-disable ako ng comments section."

Kung pagbabasehan ang mga balita, ngayong February 27 ang pilot episode ng Destined To Be Yours.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Like I said.. it still feels like a dream. ???? [ Benjie x Sinag x Marjorie ] #DestinedToBeYours #DTBY

A photo posted by KOREEN MEDINA (@koreenmedina_) on




Stories We Are Tracking

AlDub has sweet moments while shooting Destined To Be Yours
AlDub has sweet moments while shooting Destined To Be Yours
What We Know About AlDub's First Teleserye
What We Know About AlDub's First Teleserye





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN