Wagas celebrates 4th anniversary showcasing various faces of love

IMAGE Noel Orsal

Ang limang direktor ng Wagas ng GMA News TV ay sina (L-R) Jeffrey Hidalgo, Zig Dulay, Rember Gelera, Michael Cardoz, at Adolfo Alix Jr. Sila ang nagbahagi ng kanilang karanasan, hirap, at sinuong na pagsubok makabuo lamang ng nakakaantig at nakaka-inspire na kuwento bawat Sabado.


Ngatong February 11, magsisimula na ang month-long celebration ng ika-4 na anibersaryo ng Wagas, ang weekly drama series ng GMA News TV 11 na nagpapakita nang nakakaiyak at nakakaantig na pag-iibigan ng mga buhay ng mga taong tampok sa kanilang mga kuwento.

Sa ika-apat na taon ng programa, iba’t-ibang kuwento na ng wagas na pag-iibigan ng mga mag-sing-irog ang naipalabas ng programa na nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.


THE MEN BEHIND WAGAS. Nitong nakaraang Lunes, February 6, humarap sa iilang media ang limang director ng Wagas sa isang restaurant sa Quezon City.

Inihayag ng limang magigiting at mga batang tagatimon ng programa ang hirap, dusa, saya, at mga hamon na kanilang pinagdaanan at hinarap maitaguyod lamang ang bawat episode sa bawat linggo.

Ang limang director ng show na nakapanayam ng media kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay sina Jeffrey Hidalgo, Zig Dulay, Rember Gelera, Adolf Alix, Jr., at Michael Cardoz.

Kasabay na nagbigay ng kanilang karanasan sa pagbuo ng mga episodes ang tagapamahala ng show na sina Joni Mosatalla (Production Manager) at Richelle Pancho-Ramirez (Executive Producer).


Ayon sa mga director, hindi biro ang magbuo ng isang episode ng Wagas dahil isang araw lang kukunan ang mga eksena na minsan ay umaabot mula 23 hanggang 35 scenes.

Hindi pa kasama dito ang mga hirap minsan sa pagbaklas sa isang lugar upang lumipat sa ibang lokasyon para sa mga kasunod pang mga eksena.

Hindi rin daw maiiwasan ang biglang pagsama ng panahon na masasabi talaga nilang isang malaking pagsubok pero sanay na raw silang diskartehan ang mga ito.

Bawat isa daw sa produksiyon ay bihasa na sa kanilang mga larangan at hindi na kailangan pang sabihan kung ano ang nararapat gawin upang matapos ng maayos ang mga eksena.

Ayon pa sa namamahala ng palabas, masinsinang research ang pinagdaanan ng kanilang mga staff upang makahanap lamang ng magandang istoryang kanilang bibigyang buhay every week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa loob ng apat na taon, nakatanggap na rin ng iba’t-ibang awards ang show kabilang na ang 2016 US International Film and Video Festival's Certificate for Creative Excellence (Docu-drama category).

VARIOUS FACES OF LOVE. Ngayong February 11, sa ganap na ika-7 ng gabi, mapapanood sa GMA News TV ang Signs Of Love, isang pag-iibigang nabuo sa pamamagitan ng sign language.


Pagbibidahan ito nina Rocco Nacino at Kris Bernal sa direksiyon ni Zig Dulay (below photo).


Ang nasabing episode ay magpapakita na ang tunay na pag-ibig ay hindi lahat naidadaan sa magagandang pananalita kundi maari rin itong mararamdaman sa pamamagitan lamang ng mga senyas.

Sa darating na February 18 naman, paluluhain tayo ng magaling na aktres na si Jean Garcia sa kanyang pagganap bilang ina na may anak na may karamdamang microcephaly.


Ang nakakaantig pa sa kuwento ay hindi lamang isa kundi tatlong anak niya ang may kaparehong karamdaman.


Ito ay sa direksiyon naman ni Michael Cardoz.

Sa February 25 naman, ang pag-iibigan naman ng aktibistang sina Satur Ocampo at sa freedom fighter niyang asawang si Bobbie Malay ang tampok sa show.


Nabuo ang kanilang wagas na pag-iibigan noong kapanahunan ng Martial law at ang episode na ito ay bilang pagpupugay din sa anibersaryo ng EDSA revolution.


Bida sa episode ang real-life couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

Ang iba’t-ibang mukha ng wagas na pag-iibigan ay mapaanood sa Wagas, sa GMA News TV, tuwing gabi ng Sabado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN