Who would Barbie Forteza choose among Addy, Ivan Jak, and Ken?

Barbie Forteza admits that it will be a regular working day for her this coming Valentine's Day, since they have taping for their new GMA-7 teleserye Meant To Be: "Nataon po na may taping kami on Valentine's Day kaya trabaho kaming lahat. Okay naman kasi sama-sama kami sa araw na iyon para mas masaya. Pare-pareho kaming walang mga date sa araw na iyon siguro!"



Isang regular working day daw para sa GMA-7 Teen Queen na si Barbie Forteza ang Valentine’s Day.

May taping daw kasi sila sa Araw Ng Mga Puso kaya sa set na lang daw sila mag-celebrate ng buong cast ng GMA-7 teleserye na Meant To Be.

“Nataon po na may taping kami on Valentine’s Day kaya trabaho kaming lahat.

“Okay naman kasi sama-sama kami sa araw na iyon para mas masaya.

“Pare-pareho kaming walang mga date sa araw na iyon siguro!” tawa pa ni Barbie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa set ng Meant To Be sa Metrowalk, Pasig City.

MAY THE BEST MAN WIN. Sa apat na leading men ni Barbie sa Meant To Be na sina Ken Chan, Addy Raj, Jak Roberto, at Ivan Dorschner, sino kaya ang mangingibabaw at pipiliin niya kung sakaling yayain siya ng mga ito para maka-date sa Valentine’s Day?

Pag-amin ni Barbie, “Sa totoo lang, wala akong mapipili sa kanila.

“Iba-iba kasi ang personalities nila kaya ang hirap na pumila ka kahit isa lang.

“Si Ken kasi, siya yung pinakakuwela sa apat. Palabiro siyang tao.

“Si Jak naman ang pinaka-thoughful. Parating nag-o-offer sa akin ‘yan ng coffee.

“Si Addy ang pinaka-energetic sa kanila. Hindi napapagod at mahilig mangulit.

“Si Ivan naman ang pinakaseryoso. Parati siyang may binibigay na information sa akin sa lahat ng bagay.”

ALWAYS TOGETHER. Para kay Barbie, hindi raw siya kailangang i-date ng isa sa apat dahil parati naman daw silang magkakasama, may taping man o wala.

“Laging magkasama kasi ang apat na ‘yan.

“Kaya kahit hindi po kami nasa taping, nakakasama ko silang apat parati.

“On and off the set ng Meant To Be, nandoon pa rin ang bonding naming lima parati.

“Parang halu-halo na sila kapag magkakasama silang apat,” ngiti pa ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto nga raw ni Barbie na group date na lang para mas masaya.

“Mas okay po kasi kung kasama rin si Mika [dela Cruz], si Kuya Sef [Cadayona] at ang ibang cast pa ng Meant To Be.

“Para hati-hati kami sa gastos!” natatawang pagtatapos ni Barbie.



Stories We Are Tracking

Ken Chan reacts to comparisons of Meant To Be, Meteor Garden
Ken Chan reacts to comparisons of Meant To Be, Meteor Garden
How did A Love To Last, Meant To Be fare in AGB and Kantar?
How did A Love To Last, Meant To Be fare in AGB and Kantar?




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN