Did Meant To Be imitate Meteor Garden? Ken Chan gives his comment

Meant To Be is topbilled by (L-R) Ivan Dorschner, Ken Chan, Addy Raj, and Jak Roberto.




May labanan daw ng abs ang apat na leading men ng Meant to Be, ang primetime series ng GMA-7. Pero sa apat na lalaki rito na sina Addy Raj, Ivan Dorschner, Jak Roberto at Ken Chan, tila si Ken daw ang mas mag-eeffort pa sa para mas gumanda pa ang katawan niya.

"Nagwu-work-out na po ako," ang mabilis na sagot naman ni Ken nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Meant to Be sa Maginhawa Street, Quezon City.

"Pero actually, sabi naman po nila Direk [LA Madridejos], ayaw naman nila sa akin ang masyadong ano...parang tama lang daw po sa character ko ang hindi masyadong laging nakahubad."

Biro pa niya, "Pinapangalagaan lang daw po ako."

May totoong pagkakaibigan na ba sa kanilang apat?

"Si Jak naman po, matagal ko ng kilala. Five years na kami dahil magkapatid kami kay Kuya Germs. Si Jai naman [Addy], hindi pa siya artista, magkaibigan na kami.

"Nagkita kami sa isang event, naging magkaibigan kami. Meron po kaming common friends at magkakilala na po kami ni Addy noon pa."

Si Ivan daw ang ngayon lang talaga niya nakilala.

"Si Ivan po ang first time kong nakita at first time kong nakatrabaho. Ngayon po, hindi ko ine-expect na magiging friends ko dahil alam namin sa umpisa, ah, may competition, e. Hindi namin maiaalis yun sa amin.

"Pero pagtagal po, nawala yun, e. Nawala yung mindset namin na competition. Parang tinuring namin na kaming apat ay magkakapatid, kasama na rin si Barbie."

Pero sa social media, mararamdaman daw talaga ang kumpetisyon sa kanilang apat.

Ani Ken, "Napi-feel ko ang competition dahil sa mga fans. Pero, hindi kami nagpapa-apekto--hindi ko alam. Pero, hindi talaga kami apektado dahil nakikita naman gabi-gabi, nagti-trending, natutuwa ang mga tao.

"Tapos yung ibang fans namin na mga teens, nag-aaway-away. Pero pagdating namin sa set, hindi namin napag-uusapan. Hindi kami ilang sa isa't-isa.

"Siguro dahil matured na kaming mag-isip. Hindi na kailangang patulan pa yung mga ganun o makisali."

Mas marami raw kasi siyang fans kumpara sa tatlo?

"Hindi naman po, nakakatuwa lang na sobrang involved ang mga fans. Ibig sabihin lang po, hook na hook sila sa story, lalo na sa mga characters."

Nagre-react na nga raw ang mga netizens sa kanya.

"Sa mga nababasa ko po sa social media, sinasabi nila na ngumiti naman daw ako, kahit yung mata. Pero kahit ganun naman po, sa mga nababasa ko, marami pa rin po yung nagsasabing kinikilig sila."


ON BEING COMPARED TO METEOR GARDEN. Naikukumpara siya sa Taiwanese actor na si Jerry Yan na gumanap bilang si Dao Ming Si.

Sa Meant to Be na sinasabing inspired by Meteor Garden, ang karakter ni Ken ang hawig sa karakter ni Dao Ming Si.

"Nakukumpara po talaga," nakangiti niyang sabi.

"Yung Meant to Be po kasi, naku-compare sa Meteor Garden, yung kaming apat naman po, naku-compare sa character ng F4. May pagkakahawig, pero hindi naman po talaga namin sinasadya na ikumpara o i-pattern dun sa character ng F4."

Inamin din naman ni Ken na nang malaman niya na siya si Ethan, isa raw talaga sa naging peg niya yung karakter na ginampanan nga ni Jerry Yan.

"Siya kasi yung pinaka-malapit," saad niya.

Positibo o negatibo ang pagkukumpara sa kanya kay Jerry Yan?

"Positive po," nakangiting sabi niya.

"Namimiss daw po kasi nila si Dao Ming Si. Kahit ako, fan ako ng Meteor Garden, pinanood ko talaga. Grade 4 po ako nun. Namimiss daw nila at nakikita nila sa amin ngayon, kaya nakakatuwa po."

Kakaibang karanasan din daw sa kanya ang bawat mall show nila.

"Sobrang sarap," masayang sabi niya.

"Akala ko kasi magagalit ang tao dahil sa character ko, pero hindi. They find it charming, yung ginagawa ko rito sa Meant to Be. Hindi ko ine-expect na ganun ang pagtanggap sa akin ng mga tao.

"Every mall show talaga, pare-pareho sila ng sigawan."

Pero may ibang nagugulat pa rin daw sa kanya bilang lalaki na siyang talaga kumpara noong gumanap siyang transgender sa dating Kapuso show na Destiny Rose.

"Yung iba nagugulat, kasi nakilala nila kong babae. Noon pa man, kahit medyo matagal-tagal na ko sa showbiz, puro support lang naman po kasi ako noon.

"Yung mga tao, akala nila, baguhan ako, bagong artista sa Destiny Rose. So nakilala po ako ng maraming tao bilang babae. So yun po, after po nun, nagulat silang lahat nang ginawa ko itong Meant to Be.

"Marami ang natutuwa sa pagbabago ko."

Masaya si Ken dahil natupad daw yung talagang goal nila, yung mabura na siya sa pagkakakilala ng tao bilang si Destiny Rose.

"Nabura na, nabura na," lahad niya.

"Palagi kong nakikita sa social media na hindi na raw nila nakikita si Destiny Rose. Malaki na raw ang pinagbago ko as Ken Chan. Kasi, ibang-ibang talaga.

"Hindi na raw po nila nakikita which is, nakakatuwa. Ako at yung management, yun ang goal namin. Mahirap talagang mabura si Destiny Rose, pero naging effective naman po ang plan namin.

"Planado po kasi 'to, itong ginagawa ko."

Wala raw siyang love life talaga ngayon.

Wala raw silang oras para rito.

"Sunod-sunod po ang trabaho namin. Marami pong out-of-town din. May Enchanted Kingdom pa kami ngayong February, Baguio kaya wala po talagang time para magka-lovelife," natatawang sabi niya.

"Kung may time man po, idyi-gym na lang namin."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN