Kiko Estrada bags World Class Excellence Japan Best Actor award

IMAGE Instagram

Kiko Estrada earned the World Class Excellence Japan Best Actor award for his portrayal in the GMA-7 teleserye Sinungaling Mong Puso.



Natupad na ang matagal nang pangarap ng GMA-7 talent na si Kiko Estrada na manalo ng Best Actor award.

Noong nakaraang January 28, 2017 ay ginawaran si Kiko ng Outstanding New Best Actor ng World Class Excellence Japan (WCEJA) para sa pagganap niya bilang si Jason sa GMA-7 teleserye na Sinungaling Mong Puso.

Naganap ang naturang awards night sa Heritage Hotel in Manila.

Special ang gabing iyon para sa teen aktor dahil pareho silang binigyan ng award ng kanyang ama, ang beteranong aktor na si Gary Estrada.

Napanalunan ni Gary ang parangal bilang Outstanding Actor in Philippine Cinema and Television.

Ayon sa website ng WCEJA, “The World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) is an international tribute to world class achievers who have exceptionally given pride and honor to their respective countries.

“This was founded in 2015 by multi-awarded Filipino-Japanese performing artist and civic leader Emma Toba (Emma Cordero) in Fukuoka, Japan.”

HUMBLED. Nasabi na noon ni Kiko sa mga interviews niya na pangarap niyang manalo ng Best Actor award para sa pagganap niya sa Sinungaling Mong Puso.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Kiko ang kanyang award sa buong cast and crew ng teleserye.

“Humbled to accept this Best Actor award. I share this with my #SinungalingMongPuso family.”

Ang Sinungaling Mong Puso ay isang TV remake ng GMA-7 mula sa original 1992 film na pinagbidahan nila Vilma Santos, Gabby Concepcion, Aiko Melendez, at Aga Muhlach.

Ang mga nagsiganap sa remake bukod kay Kiko ay sina Rhian Ramos, Rafael Rosell at Jazz Ocampo.

MULAWIN REBOOT. Noong October 2016 pa natapos ang Sinungaling Mong Puso, kaya pagkatapos ng tatlong buwan ay balik si Kiko sa acting workshop para sa bago niyang sasamahan na GMA-7 telefantasya na Mulawin versus Ravena.

Ito ang reboot ng original Mulawin series noong 2004 na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Sa naturang workshop ay kasama ni Kiko ang iba pang cast members ng Mulawin versus Ravena na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Derrick Monasterio, at Bea Binene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa si Kiko na siya ang gaganap bilang si Rasmus na unang ginampanan ng kanyang ama na si Gary Estrada noong 2004.

“I want them to see this role and siyempre gagalingan ko, kasi magaling yung tatay ko, and I never want to upset or disappoint my family or the fans or anyone.

“So, 100% Kiko Estrada ito and 100% of my efforts and my talents is gonna be here in Mulawin,” pangako ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN