Joshua Garcia on Julia Barretto: "Sobrang close namin."


Malapit pa rin daw sa isa't isa sina Julia Barretto at Joshua Garcia kahit matapos nang naipalabas ang pelikula nilang Kath & Vince & James na naging Metro Manila Film Fest 2016 entry ng Star Cinema.

Ayon kay Joshua, umiiwas siya ngayon na ma-link dito dahil may teleserye itong A Love To Last, kung saan ang love team naman na Julia at Ronnie Alonte ang bini-build up ngayon.

Ayaw naman daw niyang makisawsaw sa mga ito.

Pahayag ni Joshua, "Sobrang close namin ni Julia.

"'Di pa ako dumalaw sa kanya, pero ngayon kasi, may ginagawa kami sa MMK [Maalaala Mo Kaya]."

Sa tingin ba niya, ay maaari itong mapunta sa mas malalim na relasyon?

"Sa tingin ko, puwede kong i-push," sagot ng ABS-CBN young actor.

"Puwede, kung ipu-push ko.

"Siyempre, hindi naman puwedeng babae ang mag-push."

Kailan naman niya planong i-push ito?

Nangingiting sabi pa niya, "Wala pa, kasi sa totoo lang, ang tagal kong hinintay itong pagkakataong ito,” sabi ni Joshua tungkol sa gumaganda niyang career ngayon.

"Ang tagal kong hinintay yung init [popularity], yung projects.

"Dadating din tayo diyan, unti-unti."

Bet naman daw niya si Julia sa totoong-buhay, kaya magaan sa loob niyang gawin ito sa tamang panahon at pagkakataon.

Nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa thanksgiving presscon para sa ika-25th year anniversary ng Star Magic na ginanap sa 13th floor ng ELJ Building, sa ABS CBN compound, kahapon, February 12.

Ano nga ba ang nagustuhan niya sa Kapamilya young actress bukod sa kagandahan nito?

Saad ng 19-year-old actor, "Ito, sinabi ko na ito noon pa na sobrang kumportable ako kay Julia.

"Hindi ako natatakot kung ano ang gusto kong gawin ko sa mukha ko....nasasabi ko 'yan sa kanya.

"Parang alam ko kung ano ang magiging reaksiyon niya.

"Sobrang kumportable ako sa kanya.

"At masaya ako kapag kasama siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siya naiilang kahit sabihin pang miyembro ng Barretto clan ito na kilalang-kilala sa showbiz.

Ayon sa kanya, "Hindi, hindi.

"Iba yung pagkakakilala ko kay Julia.

"Yun, yun lang ang masasabi ko."

 

                                                                                               


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN