Why can't Marian Rivera and Dingdong Dantes have a teleserye at the same time?

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera explains why she and hubby Dingdong Dantes can't have a teleserye at the same time:  "Bilang magtatapos na ang Alyas Robin Hood, ako naman sa primetime. Sabi ko nga, ayoko talaga na walang kasama ang anak ko. Bilang rest siya, ako muna."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sa renewal of contract nito bilang Biofitea endorser sa Relish Restaurant, Quezon City noong February 15.

Ngayong March magsisimula nang mag-taping si Marian para sa bago nitong primetime series.

Naikuwento naman ni Dingdong sa isang panayam na excited na nga raw siyang mag-teleserye muli ang kanyang asawa.

Saad ng tinaguriang GMA Primetime Queen, "Excited ako kasi, ang tagal kong nawala.

“Actually, noong kinausap ako ng GMA, doon ko lang na-realize na, ‘Po? Ganun na po ba katagal?’

"Halos dalawang taon na pala akong wala sa primetime, so hindi ko namalayan.

“Sabi ko, excited akong gawin 'to para sa sarili ko.

“Hindi ko alam, e.

“Kapag nanganak ka kasi, nagbuntis ka, maraming nagbabago sa 'yo.

"Yung fulfillment kumbaga na tinatawag, so kailangan ko yun sa sarili ko at suportado rin naman ako ng asawa ko."

TAKING TURNS. At dahil magtatapos naman na ang Alyas Robin Hood sa February 24, si Dingdong naman daw ang magbabantay sa anak nila na si Zia.

Sabi ni Marian, "Oo, e.

“Bilang magtatapos na ang Alyas Robin Hood, ako naman sa primetime.

“Sabi ko nga, ayoko talaga na walang kasama ang anak ko.

“Bilang rest siya, ako muna."

Kasunduan daw talaga nila ni Dingdong na hindi sila puwedeng magsabay ng serye.

Kailan naman siya papayag na puwede na silang sabay na magkaroon ng teleserye ng kanyang mister?

Aniya, "Kapag tipong makakapagsumbong na.

“Yun, puwede ko nang iwan. Pero hangga't hindi nakakapagsumbong, ayoko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN