New PTV4 head reacts to rumors about signing up Kris Aquino, other celebs

IMAGE Jojo Gabinete

PTV4 General Manager Dino Apolonio discloses his new mandate for the government-owned TV station: "Our mandate is to inform and to bring the government closer to the people, first of all. But we want to do it in such a way na hindi naman po boring so we will be concentrating a lot on news, public affairs, public service. At the same time, we want to entertain."


“We cannot afford.

“First of all, we cannot afford,” ang sagot ni PTV General Manager Dino Apolonio nang tanungin namin siya tungkol sa balita na interesado diumano ang government television network na kunin ang serbisyo ni Kris Aquino.

Itinanggi rin ni Apolonio ang ilang reports na bukod kay Kris, lilipat din sa PTV4 ang Tulfo brothers at ang ilang mga news personalities mula sa ibang mga network.

"There's no plan to get the Tulfo brothers although Ben Tulfo has a show.

"News personalities, wala.

“Recently, we got Alex Santos [formerly from ABS CBN].

“Right now, lumalabas siya with Ben Tulfo sa Kilos Pronto."

Humarap si Apolonio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para ipabatid sa publiko ang mga pagbabago na magaganap sa PTV4 sa ilalim ng kanyang pamumuno, tulad ng partnership nila sa Philippine-Korean Entertainment Inc.( PKEI )

PROGRAMMING REFORMS. Ang PKEI ang nagbigay sa PTV4 ng karapatan para maipalabas muli sa naturang network ang hit Koreanovela na The Legendary Doctor na mapapanood tuwing Sabado at Linggo, 9:15 p.m., pagkatapos ng lotto draw.

"Our mandate is to inform and to bring the government closer to the people, first of all.

“But we want to do it in such a way na hindi naman po boring so we will be concentrating a lot on news, public affairs, public service.

"At the same time, we want to entertain.

“This Koreanovela that' s coming in is the start.

“Instead of puro talking heads lang na sometimes can get too much of something, nagiging boring na...

“So para maiba nang konti, we will start infusing some Koreanovelas, dramas that we could get our hands on—mga travel show, and we're also thinking of children's programming din," paliwanag pa ni Apolonio tungkol sa desisyon niya na maglabas ng mga Koreanovela sa PTV4.

"At this point, we're working on the programming grid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We don't have the resources right now to produce homegrown artists.

"As much as we want to, dadating din naman yung time na after we start earning a little bit, then we can start investing in local shows which we really want to do.

“We're going to position the channel to air, not in direct competition with the commercial networks because iba ang mandate namin sa kanila, but it will be nice to bring in some eyeballs talaga," dagdag na pahayag ni Apolonio na hindi itinanggi na napakalaki ng kanyang mga responsibilidad bilang manager ng government-owned station na nangangailangan ng suporta ng mga Pilipino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN