Eugene Domingo reveals why she will not do a movie this 2017

In Dear Uge, Eugene Domingo will have Marian Rivera and Boobay as special guests.



Isang taon na ang Dear Uge at ngayong Sunday, February 26, na ipapalabas ang first anniversary special ng comedy anthology.

Ang GMA-7 Primetime Queen na si Marian Rivera ang special guest kasama ang isa sa matalik nitong kaibigan na si Boobay.

Hindi pa rin daw makapaniwala si Eugene Domingo na isang taon na sila at pinagkatiwalaan siyang muli ng original concept na tulad ng Dear Uge.

Ang sikreto raw ng tagumpay ng Dear Uge ay ang pagiging malapit nilang lahat sa isa't-isa, mula sa producer, creative team, at mababaw lang daw ang kaligayahan nilang lahat.

"Mababaw lang ang kaligayahan naming lahat.  Gusto lang talaga naming bigyan ng chance, lalo na ang mga bagong komedyante, sina Divine, Mercy, Hercules at lahat ng guest namin na hindi usual na nakikitang nagku-comedy, nakita naan na uy, mag-comedy naman kayo.

"At meron kasi kami ritong style na we don't usually follow the script. Sometimes we improvise.  Most of the time, we improvise.  Kasi, naniniwala kami na lahat dapat maging organic.

"And I'm very thankful with the creative team dahil binibigyan nila kami ng concept and from their concept, tumutubo ang comedy. At napatunayan ko sa mga guests namin na good sports.  Na kapag nag-guest sila, ready silang maglaro."

Nakausap din namin si Divine at nagpapasalamat ito dahil napaka-giving at supportive raw niya sa mga tulad ng mga itong baguhan.

Kumbaga, nasa stage na rin siya of giving back talaga.

"Oo, Oo... marami akong binigay sa mga 'yan.  Mga pagkakataon at vitamins.  Binibigyan ko ng vitamins. Minsan kasi, delayed," natawang sabi niya.

Aminado naman si Divine na siya nga raw ang sumasalo sa mga ito kapag nade-delay sa mga linya o punchline.

"Expired ang mga vitamins nila," natawang biro pa ni Uge.

"Hindi, ang ibig ko lang sabihin, tuwang-tuwa akong makakita ng mga bata na--alam mo yun, game na game kasi. So, ang sarap tulungan, suportahan.

"Galing sa theater or kung saan man galing 'yan. Pero lahat kayo, bibigyan ng chance dito sa Dear Uge. Kasi ang sa akin, ang ganda ng history ng pagpasok ko sa pelikula at saka sa TV.  Lahat ng mga seniors ko, binigyan ako ng chance.

"And that's exactly what I'm doing, paying it forward."

Kung sa telebisyon ay dalawa ang posibleng maging regular show ni Uge sa Kapuso network, sa pelikula, hindi muna raw siya gagawa ngayong taon.

Aniya, "Next year na ko magmu-movie. Two shows ako, e."

Mabilis na "hindi" naman ang sagot ni Uge nang alalahanin naman nang tila mag-lie low siya sa paggawa ng pelikula at teleserye na doon naman pumasok ang love life niya.

Naging dahilan ba ang pag-prioritize niya sa relasyon ang desisyon niya sa kanyang career?

"Hindi, hindi," nakangiti niyang sabi.

"Hindi naman ako nag-lie low, kumalma sa paggawa ng pelikula.  E, kasi, na-realize ko na parang lahat naman ng occasion o celebration, meron akong pelikula. Parang okay na.

"May pelikula akong pang-Pasko, pang-New Year, pang-Valentine's, pang-Araw ng Patay, pang-Araw ng mga Nanay. Kapag pinanood mo sa Cinema One, meron ako. Puwede namang kumalma, 'di ba?"

May materyal na bang nakahanda para sa gagawin niyang pelikula sa 2018?

"I think, si Attorney Jojo [Alonzo], si Direk Chris [Martinez] and a very, very famous celebrity and very, very rich."

Sino kaya yun?

"Woman!" at natawa ito na hinuhulaan ng press ang mga clues na binibigay niya.

"Sana matuloy.  Pero, next year pa ko gagawa ng pelikula because I want to concentrate with my shows in GMA.  Ang ganda-ganda kasi.

"At saka, gusto kong mag-thank you sa loyal viewers."

Kung tutuusin naman, nanatiling Kapuso rin si Eugene sa mahabang taon na.

Ayon dito, "Oo talaga, naa-appreciate ko. Naa-appreciate ko ang relasyon nila with me.

"Talagang para sa akin kapag sinabing Kapuso, pinupusuan talaga.  So that's GMA for me and I'm very, very thankful.  And as much as I'm very thankful, sa haba rin naman, hanggang ngayon at sa mga susunod pa, lahat ng mga natutunan ko, kaya ako napagkatiwalaan ng GMA ay dahil na rin sa mga natutunan ko sa ibang istasyon, most especially sa natutunan ko kay Direk Wenn Deramas.

"And magse-celebrate na tayo ng first death anniversary ni Direk Wenn, February 29."

Sabi pa ni Eugene, "Ako po kasi, ipinangako ko sa sarili ko na may comedy will always be Wenn Deramas comedy. Kasi, I believe na lahat ng comedy ko sa TV at sa pelikula ay inenhance niya.

"May nakita siya sa akin at hindi niya ko binitawan. Itutuloy ko ang legacy ni Direk Wenn through my comedy."





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN