Marian Rivera looks forward to doing a sitcom with husband Dingdong Dantes

IMAGE @therealmarian on Instagram

Marian Rivera admits that she has to readjust to her showbiz commitments now that she's made her comeback after taking a short break to attend to her priorities as a full-time mom to Baby Zia: "Ganun naman palagi kapag napahinga ka ng matagal. Kapag sumabak ka, hindi naman kaba, pero..."



Inamin ni Marian Rivera na parang hindi pa rin daw siya sanay na mag-taping ngayong nagbalik na siya sa trabaho matapos ang ilang taong pag-aalaga sa kanyang anak.

Aniya, “Ganun naman palagi kapag napahinga ka nang matagal.

“Kapag sumabak ka, hindi naman kaba, pero...”

Saka niya tinanong si Boobay na dati niyang co-host sa Yan Ang Morning at kaeksena niya nang madalas na, 'Okay naman, di ba?'

Patuloya niya, “At saka kapag comedy talaga, iba ang punchline, e.

“Kusang lumalabas.”

Pinaalala naman kay Marian na sanay naman siya sa pagpapatawa dahil sa Sunday PinaSaya.

“E, dito kasi, memorization.

“Although, hindi ako nakakalimot, siya lang,” sabay turo nang natatawa sa kaibigang si Boobay.

"Hindi pa nga siya fully magaling, di ba?”

Matatandaang na-stroke si Boobay, a.k.a. Norman Balbuena, noong November 2016, at si Marian ang isa sa mga kaibigan niyang tumulong sa kanya noong isinugod siya sa ospital.

Ang nakakaaliw sa kuwento nilang dalawa ni Boobay, si Boobay ang mayaman at siya ang P.A. nito.

Siya ang nilalait-lait daw ni Boobay.

First time ni Marian sa Dear Uge.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, “First time kong mag-guest dito at ah talaga, may mapupulot nga pala silang aral.

“Na ganito ang nangyayari sa situwasyon at ganito ang totoong situwasyon na nangyayari, e.

“Puwede palang magbago ang isang tao para sa ibang tao para maging mabuting tao siya.”

LOOKING FORWARD TO DOING SITCOM. Kahit nagpapatawa siya noon sa Sunday PinaSaya, aminado si Marian na nakaka-miss din daw talaga ang gumawa ng sitcom.

Nababalita nga na posibleng sitcom ang unang pagsasamahan nilang muli ng asawang si Dingdong Dantes.

Pero maagap na sinabi ni Marian na pagkatapos na raw ng teleserye niya yun.

At puwede rin naman daw siyang mag-sitcom pa rin kung sakali at mabuntis siyang muli kaya sabi namin dito, mukhang nai-plano na niya.

“Naman!” natawang sabi niya.

“Alam niyo, minsan, kahit gustuhin mo pero kung hindi pa niya ibibigay, wala tayong magagawa.

“Minsan naman, kahit hindi mo i-plano, kung ibibigay Niya e, di mas okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCITED FOR BABY NUMBER TWO. Hindi naman itinanggi ni Marian na excited na rin siya na magkaroon sila ni Dingdong ng pangalawang baby.

Sabi nga niya, “Oo naman!

“Ilang taon na si Zia? One and three months.”

Two years old na si Zia kung magkakaroon ng kapatid.

“Oo, puwede na.

“Talagang puwede na, parang tuta lang,” natawang hirit niya.

Sabi naman namin kay Marian, kahit si Dingdong ay tila gusto na ring magkaroon ng kapatid si Zia.

“Ay, yun talaga!

“Talagang gustung-gusto na niya.

“Pero sabi ko, nag-usap kami, 'Mahirap magtrabaho kung may inaalala ako, kung buntis ako.'

“So, hindi rin ako magiging kumportable kung magsu-soap ako, may laman ang tiyan ko.

“So, magsa-suffer naman ang magiging anak ko.

“Alam ko na ang pakiramdam dahil nagbuntis na ako, e.

“Nanganak na 'ko, e.

“Mas gusto ko na handa kaming dalawa, pinagplanuhan, para safe naman ang pagbubuntis,” saad niya.

SHOWBIZ COMEBACK. May nagtanong na follower niya sa Instagram kung okay lang daw kaya sa kontrata niya sa GMA-7 kung sakali at mabubuntis siya.

“Well, sabi ko, very thankful ako sa GMA dahil very supportive naman sila sa akin.

“Pero siyempre, bilang ganti rin naman sa suporta at pagmamahal nila sa akin, dapat siguro, ibigay ko rin sa kanila ang nararapat.

“Like itong soap na ito, sinabi ko nga sa kanila na two and a half years na akong wala sa primetime, it’s about time na bumalik ulit ako,” pagtatapos ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN