Juancho Trivino admits, "Very lovable naman si Maine."

IMAGE From Instagram account of Juancho Trivino

Juancho Trivino on Maine Mendoza: "Very lovable at hindi siya mahirap magustuhan kung isang lalaki ka."



Ngayong Lunes, February 27, mapapanood na sa primetime ng GMA-7 ang kauna-unahang teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined to be Yours.

Si Juancho Trivino ang gaganap na best friend na secretly in love sa karakter ni Maine, na siyang gumaganap bilang si Sinag.

Dahil dito, karamihan ng eksena ni Juancho ay si Maine talaga ang kasama niya.

Nagkuwento si Juancho tungkol sa kanyang mga co-stars nang makausap namin siya sa grand presscon ng DTBY sa B Hotel.

"Mabait si Maine at saka down-to-earth.  Pero siyempre noong una, nahihiya kami nina RJ [Padilla] na lapitan siya. Pero siya ang nagri-reach out sa amin."

Saan nanggagaling yung hiya niya kay Maine?

"Siyempre, nai-starstruck din naman kami kahit na artista rin kami.  At saka siyempre naabot nila ang inaasam naming maabot. So parang we can't help but idolize also."

Si Alden naman daw ang unang gumawa ng hakbang para mawala ang hiya o pagka-ilang nila.  Ito raw ang nagpakilala sa kanila kay Maine.

"Si Alden yung nag-introduce sa akin kay Maine.  Noong storycon, since si Alden ang kakilala ko.  He introduced me to Maine.

"And since mag-i-spend kami ng time together sa mga scenes at para hindi rin awkward, professionally, dapat nagge-get-to-know each other talaga kayo. Para hindi awkward at very natural lumabas sa scene."

May nagsabing "bongga" raw ang role niya sa Destined to be Yours.

"Lahat naman po ng role, bongga. Basta may trabaho, nagpapasalamat na lang po ako," ang masayang pahayag niya.

Hindi naman daw masasabing kontrabida ang karakter niya.  May gusto lang daw talaga siya sa karakter ni Maine.

"Anything na hindi nakakabuti sa kanya, ayaw ko.  At saka siyempre, handa akong ipaglaban ang pag-ibig ko sa kanya. May bias ako, e.

"Kung may manligaw sa kanya, kahit mabait o anong karakter 'yan, palagi akong tatanggi kasi, may nararamdaman ako sa kanya."

Hindi itinanggi ni Juancho na kahit hindi pa sila umeere, bilang "third party" ngayon sa Aldub, may natatanggap na rin daw siya na ilang pangba-bash.

Pero mabilis din niyang sinunod na meron din namang mga supportive na mga fans.

"Mabait naman kasi ako at wala naman...I mean, very, very careful ako sa mga sinasabi ko para walang maapakan o sasama ng loob.

"Siyempre, very sensitive rin ang loveteam nila.

May concious effort siyang maging maingat sa sasabihin o gagawin niya?

"Concious effort din talaga," saad niya.

"Kasi, noong binigay rin sa akin itong project, yun din naman ang inisip ko agad.  Knowing how protective their fans are to them, sinabi ko na sa sarili ko na I have to be careful in everything.

"They can make or break us.

"Kung suportahan nila kami or i-bash nila kami.  May kurot din yun. May factor din yun sa career namin kahit papaano."

Handa ba siyang may magalit o madala dahil sa karakter nila?

"Oo, lalo na kapag nakita nila ang story mismo. Pero oo, ready naman ako."

Sabi nga, you can feel love in the most unexpected places.

Bilang sila ni Maine ang palaging magkasama at magka-eksena, nakikita niya ba ang mga katangian ni Maine na puwede siyang ma-in-love?

"Hindi ko kasi iniisip yung mga ganyang bagay.  Generally, sa lahat ng babae, kapag may naramdaman ako, sino ba naman ako para pigilan ang nararamdaman ko?

"Sa ngayon kasi, siyempre, we are all professional. I don't want to mess with anything. Baka masira rin ang working relationship ko with them and hindi naman siya maganda to mess with anything right now."

Sabi namin kay Juancho, parang hindi rin niya nasagot ang tanong kung posible siyang ma-in-love sa mga katangiang nakikita niya kay Maine.

"Hindi ko rin nasagot," natawang sabi niya.

"Hindi naman kasi, kapag nakakakita ko ng babae, hindi ko rin naman masasabi na she's the one.  May mga ganun, e.  Ako, kapag naramdaman ko sa babae, like, shock, nagustuhan ko siya. Talagang ipu-pursue ko.

"Again, sa ngayon, wala pang ganun with anyone kahit sino sa showbiz or sa show mismo."

Natatawang dugtong din niya, "Pinapawisan ako sa mga tanong.

"Very lovable naman si Maine. Kaya naman siya nandiyan where she is right now, because of her personality.  She's very real and it translate sa trabaho at sa pagsasama naming lahat.

"Very lovable at hindi siya mahirap magustuhan kung isang lalaki ka.  Kasi, napapatawa ka niya. She really connects and she's real."

Ang "smile" raw ni Maine ang isa sa mga naunang napansin at hinahangaan ni Juancho rito.

"Maganda yung smile ni Maine," pag-amin ni Juancho.

"Parang kapag nag-smile siya, it lights up the people also. Nakakahawa. It's contagious.

"Yung energy niya, siyempre, maliban sa she is beautiful also, nakakahawa yung personality niya na very happy.  Kalog siya.  Yun ang maganda sa kanya."

Matagal naman na silang magkakilala ni Alden dahil pareho siya ng pinanggalingang school sa Laguna.

Kamusta sila ngayong magkasama na sila sa isang teleserye at magkaribal pa?

"Kami ni Alden, professional. Magkakilala na kami before and first time naming magkasama ng ganitong matagal, especially after everything.

"Apat na taon na ko sa showbiz and siya naman, anim na.  First time ko siyang makasama na ganitong katagal. Kahit naman nung college kami, hindi kami nagsama ng ganitong katagal.  Parang mas nagiging close kami kahit papaano.

"Nakakapag-kuwentuhan kami about personal stuff also.  Nagkakakamustahan kami sa mga classmates namin before."

Nakakahugot din ba siya ng inspirasyon sa mga narating na ni Alden sa industriya?

"Actually, si Alden sa totoo lang, yung tinatahak niya is what I also want to go through.  Matalino siya, e.  Nag-business siya. Hindi niya winaldas lang ang perang nakukuha niya.

"He made sure that it would be put into an investment. Yun ang gusto kong magawa rin sa buhay ko na for sure, mabubuhay na rin ako in the future."



Stories We Are Tracking

Juancho Trivino gets hate messages for role in AlDub series
Juancho Trivino gets hate messages for role in AlDub series




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umulan man o umaraw. We are #TeamPelangi #DTBY

A post shared by Juancho Trivino (@juanchotrivino) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN