The Fiercest Of Them All director believes, "Yung ibang shows, halatang scripted."

by Nikko Tuazon
Mar 3, 2017


Sa darating na Linggo, March 5, mapapanood na ang pinakabagong "fanta-reality" show ng GMA News TV, ang The Fiercest Of Them All.

Ang Brazilian model/actress na si Daiana Menezes ay balik Kapuso upang maging host at judge ng nasabing programa.

Ang mga makakasama ni Daiana sa judging panel ay ang model/fitness trainer na si Matthias Rhoads, celeberity stylist/fashion writer na si Bea Jocom, at ang fashion designer na si Doggficher.

Ayon sa direktor ng reality show na si Martin Rey Aviles, kakaiba ang reality show na ito dahil may fantasy theme din ang kanilang programa. Gaganap bilang reyna ng isang fantasy world si Daiana na siyang magbibigay ng mga challenges sa mga kandidata upang mahanap ang "fiercest of them all."

Sa Camp Kanawan sa Bataan nag-shoot ng mahigit dalawang linggo ang buong cast at crew ng reality show.

Paliwanag ni Direk Martin, "What we wanted to do is push it even more, to go to the core of these really strong women. I couldn't have asked for a better cast."

Continue reading below ↓

Dagdag pa nito, "Kasi yung ibang shows 'di ba, halatang scripted. We won't see that here. What makes it special is that we have a reality show aspect but may fantasy narrative na it's going alongside the reality niya."

Ipinagmalaki rin ng writer-producer na si Ino Habana na mala-pelikula ang kalidad ng kanilang programa. Aniya, "If you look at the quality of production, quality of the shoot, quality of the show, hindi siya mukhang TV show. Mukha siyang sine. Each episode feels like a cinematic experience so it's very interesting for everybody to watch."

Dagdag naman ni Daiana, hindi lang daw ito isang normal na modelling competition. Paliwanag nito, "Hindi ito pagandahan kumbaga, it's really about kabaliwan and [kung gaano] katalino. Kasi meron kaming mga challenges na emotionally draining and then, not just physical. Hindi lang talaga siya modelling, e, kailangan niyo panoorin."

Sa press conference na ginanap sa Ka Tunying's Cafe sa Quezon City, pormal na ipinakilala ang 12 finalists ng Kapuso show.

Continue reading below ↓

Betsy Naluz


Krisha Francisco


Continue reading below ↓

Christine Basadre


Aya Sarmiento


Continue reading below ↓

Peru Morena


Tanya Lingat


Continue reading below ↓

Candice Ramos


Claudia Benavidez


Continue reading below ↓

Katarina Rumanova


Irina Zinchenko


Continue reading below ↓

Gleymar Loyo


Mona Lisa Neuboeck


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results