Pia Wurtzbach reveals her role in Asia's Next Top Model Cycle 5

IMAGE From Instagram account of Pia Wurtzbach



Kinumpirma ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na isa siya sa mga judges sa new season ng Asia’s Next Top Model.

Ang Asia's Next Top Model ay isa sa global versions ng hit reality competition show na America's Next Top Model created by former supermodel Tyra Banks noong 2003.

Makakasama ni Pia bilang judge sa AsNTM ay sina Cindy Bishop, Yu Tsai, at Cara G McIlroy.

Noong January 10, binalita ng PEP.ph na isa ang Filipina beauty queen sa mga judges ng Asia’s Next Top Model Cycle 5.

(Read: Pia Wurtzbach to guest judge on Asia's Next Top Model Cycle 5)
 

Nag-post si Pia sa kanyang Instagram account kunsaan may hawak siyang t-shirt na may nakalagay na Asia’s Next Top Model.

Heto ang kanyang caption sa pinost na photo:

“Catch the season premiere of @asntm on April 5 as I judge to find Asia's Next Top Model. #asntm5 #asntm”

Sa limang seasons na ng Asia’s Next Top Model, wala pang Pinay model na nananalo sa naturang reality competition show.

Pero may mga naging runners-up tulad nila Stefanie Retuya (AsNTM Season One 1st runner-up), Jodilly Pendre (AsNTM Season Two 1st runner-up) at Monika Sta. Maria (AsNTM Season Three 1st runner-up).

Ngayong Season 5, tatlong Pinay models ang representatives ng Pilipinas para sa pagkakataong makuha na ang title na Asia’s Next Top Model.

Ito ay sina Jennica Sanchez, Anjelica Santillan, at Maureen Wroblewitz.

Si Jennica Sanchez ay 20-year-old graduate ng Fashion Design and Marketing at the School of Fashion and Design (SoFA). Siya ay may 76,000 followers sa Instagram. Favorite model niya ay si Bella Hadid.

Si Anjelica Santillan ay 22 years old at isang law student. Mahilig siyang mag-wakeboard at idols niya sa runway sina Coco Rocha at Gisele Bundchen.

Si Maureen Wroblewitz ay 18-year-old girl na pinanganak sa Germany at lumipat sa Pilipinas noong 15 siya. Na-discover siya ng kanyang agent via Instagram. Top supermodel para sa kanya si Taylor Hill.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Catch the season premiere of @asntm on April 5 as I judge to find Asia's Next Top Model. ? #asntm5 #asntm

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

















WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN