Maine Mendoza rates her acting 5 out of 10

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza still has reservations when it comes to acting. As a matter of fact, she rates herself 5 out of 10 with her ongoing Kapuso primetime teleserye with Alden Richards. "Siguro personally iba rin po ang feeling pag sarili ang pinapanood mo."


Kung ire-rate raw ni Maine Mendoza ang kanyang pag-arte sa current primetime teleserye nila ni Alden Richards na  Destined to be Yours, sinabi ng phenomenal star na bibigyan niya ng sarili ng 5 stars out of 10.

“Siguro personally iba rin po ang feeling pag sarili ang pinapanood mo. Medyo may ilang factor din, pero sana naibigay ko naman yung kinakailangan.

“Feeling ko yun yung nangyari, naibigay ko lang yung kinakailangan ng eksena.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Maine sa “Dare To Be Funtastyk” program ng Funtastyk Young Pork Tocino na iniendorso ng actress-TV host.

Nangyari ang event sa Lemuria Restaurant sa Horse Shoe, Quezon City nitong February 28, Martes ng gabi.

Nagsimulang umere ang Destined to be Yours noong Lunes, February 27, sa GMA-7 primetime block.

Pag-amin ni Maine naiilang daw siyang panoorin ang sarili habang umaarte.

“Medyo awkward kasi first soap ko yon. Pero medyo fulfilling din po na, ‘Wow, eto na, nag-i-air na yung ginawa namin ni Alden.' Yung isang bagay na akala ko di ko kayang gawin at isang bagay na kinatatakutan ko, ayan na, nasa harap ko na, nangyayari na.”

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa pag-abang at pagsubaybay ng mga tagasuporta nila sa teleserye nila ni Alden.

Aniya, bonus na lang na mataas ang nakuha nilang ratings, pero ang nasabing proyekto ay handog nila sa kanilang supporters.

“Nakakatuwa pero ang sabi ko naman po hindi naman po ako after the ratings kasi ito pong soap po namin, gift po talaga namin sa mga taong sumusuporta sa amin.

“So kung mataas ang ratings, thank you Lord. Bonus na lang po sa ‘min ‘yon.”

“Salamat po at inantabayanan at inabangan niyo itong Destined To Be Yours, sana patuloy nila pong subaybayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN