Kiko Estrada clarifies his role in Mulawin VS Ravena




Masaya si Kiko Estrada na kasama siya sa upcoming GMA-7 telefantasya na Mulawin vs Ravena.

Hindi raw totoong ang gagampanan niya ay ang dating papel na ginampanan ng ama niyang si Gary Estrada bilang si Rasmus sa Mulawin noong 2004.

“No, no, no, different. Sequel siya, it’s a sequel, we’re not doing a remake. Maganda yung role ko pero hindi pa puwedeng ibunyag kasi parang top secret itong Mulawin Vs Ravena, e.

“Pero abangan lang nila kasi sobrang ganda!”

Ngayong Marso sila magsisimulang mag-taping para sa Mulawin vs Ravena.

Ano ang paghahandang ginawa niya sa para sa Mulawin vs Ravena?

“I had to beef up, kailangan kong lumaki so nag-gym tapos may fight lessons kami.”

Maganda ba ang costume niya?

“Bawal pang sabihin, e,” at tumawa ang Kapuso hunk.

“Pero na-measure-an na kami.

“Nakita ko na yung concept, ang ganda! All I can say is revolution ito.”

“Ang na-notice ko sa Mulawin vs Ravena, it’s so revolutionary na parang Star Wars siya, na bawal mabunyag yung mga bagay-bagay.”

Dalawang taon pa ang kontrata ni Kiko sa GMA.

“And I’m planning to make the most out of that two years.”

Huling show ni Kiko ang Sinungaling Mong Puso na umere noong July 2016 at natapos ng October of the same year.

Nakausap namin si Kiko noong February 21 sa 38 Valencia Events Place sa presscon ng Regal Entertainment Inc. movie na Pwera Usog.

Bida rin sa Pwera Usog sina Devon Seron, Albie Casino, Cherise Castro, Joseph Marco, at Sofia Andres.

Nasa pelikula rin si Eula Valdes at ang direktor ng pelikula ay si Jason Paul Laxamana.

Speaking of Devon, hindi raw totoong may namumuong relasyon sa pagitan nina Devon at Kiko.

“No, we’re friends, we’re really friends.”

Napaka-sweet kasi nila sa presscon ng Pwera Usog; panay ang akbay ni Kiko sa dalaga.

“Ganun lang talaga kaming buong cast. Buong cast ganun, like me and Sofia, me and Devon, Devon and Joseph, lahat kami, family kami.

“Kumbaga I would do a show with them kahit ano pang ibigay sa akin na role.”

Wala siyang nililigawan ngayon, bakit hindi niya ligawan si Devon?

“Bawal po kasi may mga commitments ako sa trabaho ngayon.”

Bukod sa Pwera Usog at Mulawin vs Ravena ay may isa pang pelikulang tinatapos si Kiko, ang Song In The Rain kasama si Chanel Morales na mula rin sa Regal Entertainment Inc.

“Excited kami kasi it’s based on a Wattpad book.”

Ang career ba niya ang lovelife ni Kiko ngayon?

“And my mommy,” ang tumatawang pagtatapos ni Kiko sa aming interview.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN