PBB Lucky 7 winner Maymay Entrata responds to comparisons to Melai, Pokwang

IMAGE Mark Atienza



Para sa Pinoy Big Brother Lucky 7 Big Winner na si Maymay Entrata, masaya kung kinukumpara man siya ngayon sa mga koemdyante na sina Melai at Pokwang.  

Ito ang sinabi niya nang humarap siya kasama ang Big Four sa press conference na ginanap right after ng PBB Big Night na ginanap sa Alonte Arena sa Binan, Laguna.

Ano ang masasabi niya sa mga nagsasabi na siya ang next Pokwang or next Melai?

"Yung sinasabi nila na next...masaya ako kasi yung mga sinasabi nila, sila rin yung kilala sa buong Pilipinas.

"Bakit naman ako hihindi? Big star na sila.

"Magiging masaya ako kung magiging next ako...pero ang gagawin ko talaga, hindi naman porke't next ako sa kanila, siguro gagawin ko rin yung best ko sa showbiz.

"Ako gagawa ng sariling pangalan ko.

"Pero masaya ako kung yun ang sinasabi nila. Big stars po ang sinasabi nilang
pangalan. Si Ma'am Melai at Ma'am Pokwang."

Willing ba siyang makatrabaho sina Melai at Pokwang in the future?

Natawa ang PBB Lucky 7 Big Winner bago sumagot: "Opo.

"Kasi gusto ko masaya. Gusto kong mag-enjoy ng bonggang-bongga. Nagtrabaho ka na, masaya ka pa."

Naging madamdamin ang mensaheng binitiwan ni Maymay sa kanyang speech pagkatapos i-announce ang kanyang pangalan bilang Big Winner.

“Nasabi ko po yung mga nasabi ko po kanina dahil po sa faith na meron ako. Kasi may tiwala po ako sa sarili ko.

“Dahil napakaraming pagsubok na ang naranasan ko po sa buhay. Pero nung, kasi may choices po tayo, e. Kung susuko ka or babangon ka ulit. Pero pinili ko ang bumangon at bumangon at bumangon.

“Hindi ko akalain na na ito po yung ibinigay sa akin. Kaya talagang hangga’t hindi mo nagagawa na bumangon hindi mo malalaman kung ano ang para sa ‘yo. Kaya yung ginawa ko.”

Ano ang masasabi niya bilang bagong winner ng ABS-CBN reality show?

“Talagang masasabi ko na totoo ang fairy tale. Talagang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba ‘to, ha? Totoo ba?

“Kasi talagang, my God! Tumitingin lang ako sa TV ng big winner tapos masaya na ako para sa kanila. Tapos ngayon nararramdamn ko na  po yung nararamdaman nila.

“Kaya sobrang saya. Umaapaw hanggang langit talaga. Ito na siguro yung pinakamasaya na nangyari sa buhay ko. Yung saya na hindi talaga nababayaran.

“At ito yung ano, masasabi ko pona masasama ko siya mga priceless treasures ko po sa buhay ko.”

What is the first thing na gagawin niya after niyang manalo sa PBB?

“Kumain po ng marami. Saka yung pamilya ko po. Nandito na raw po kasi yung kapatid ko kaya, siya ang una ko’ng tatawagan kapag nahawakan ko na po ang cellphone ko.

“Nasa ibang bansa po kasi siya. Yung bunsong kapatid ko lang po ang nandito.

“Vincent po ang pangalan ng kuya ko.

“Tatlo po kaming magkakapatid, ang Kuya ko, ako po at yung bunso naming kapatid.”

Given a choice, anong gusto niyang line of career sa showbiz?

“Uh, ita-try ko po talaga lahat,” diin ni Maymay.

“Example, nagkanta, nag-compose, trinay ko rin yung may drama, acting-acting.

"Kung gaano po talaga ang ibibigay, ibibigay ko rin ang best ko. Kapag ita-try ko kasi lagat po, doon talaga malalaman kung saan ka talaga.”

Kung meron siyang gustong balikan na naranasan niya sa Bahay ni Kuya, ano yun?

“Siguro kung meron po akong babalikan yung training po namin sa acting.

“Isa sa pinakahappiest moment ko talaga, kasi everyday talaga ang mga nangyayari sa loob ng bahay ni Kuya talagang napaka-ano, memorable and everything. Tapos siguro doon po sa light-drama po.

“Kasi, hindi ako makapaniwala na makakapag-acting ako. E, nag-acting ako noong elementary lang yun. Saka nung high school ng konti. Tapos hindi ko akalain na sa puntong yun magagawa ko rin palang umarte.

“Magagawa ko yung bagay na hindi ko akalaing magagawa ko.

“Ah, gusto ko lang balikan kasi ang sarap lang ng feeling na nagawa mo yung
bagay na talagang kinatatakutan, kasi hindi ako sanay mag-arte. Paano ang ganito, ganyan? Paano yung camera nito, ganyan?

“Pero kasi dahil sa mga sinasabi ni Direk Lauren [Dyogi, TV Production Head] saka yung mga tao sa paligid ko na puro positibo talaga. Nagawa ko yung isang bagay na hindi ko akalaing magagawa ko. Kaya masarap yun sa feeling talaga, sobra-sobra. Yun po."

Sa kanyang palagay, ano ang mga katangian niya na hinangaan ng  kanyang supporters?

“Ah, siguro po, siguro sa pagpasok ko sa bahay, pag tuntong ko talaga, inisip ko na at isina-puso ko na lahat gagawin ko makamit ko lang ang mga pangarap ko.

“At mapakita sa buong mundo kung anong kakayahan meron ako. Na mapakita sa kanila na kaya ko. At kung kakayanin ko at makakamit ko ang mga pangarap ko, kaya rin nila. Yun po.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN