Sunshine Dizon on Ika-6 Na Utos overtaking Eat Bulaga ratings: "We celebrate in silence."

Based on AGB ratings data, Ika-6 Na Utos has displaced Eat Bulaga as the most-watched daytime program. It is topbilled by (L-R) Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Sunshine Dizon, and Mike Tan. 



Nangunguna sa ratings ang Ika-6 Na Utos, ang GMA-7 afternoon series na pinagbibidahan ni Sunshine Dizon.

Base sa AGB NUTAM (Nationwide Urban Television Audience Measurement) ratings data, nalampasan ng Ika-6 Na Utos ang Eat Bulaga upang maging most-watched daytime program.

Read: AGB Ratings (January 28-February 3, 2017): Ika-6 Na Utos displaces Eat Bulaga as highest-rated daytime show

Maging si Sunshine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanilang March 8 taping ay hindi rin daw makapaniwala sa nangyayari sa teleserye nila.

"Of course, you always hope for the best but it's very unexpected that it became that big. Siyempre, we owe it to the public at kumbaga, where we are right now is because of them."

Naungusan na nga nila ratings ng Eat Bulaga, anong naramdaman nila?

"Masaya lang kami rito, actually, hindi naman...we celebrate in silence. For example, kung mataas ang rating, pabili lang kami ng konting food, parang bonding na namin.

"Hindi naman namin masyadong dinidibdib. Nakakakaba rin. Ang hirap din nung ikaw mismo ang maglalagay ng pressure sa sarili mo. So, chill lang kami rito. Kung anuman ang ginawa namin sa first day, hanggang ngayon, ganun pa rin naman po ang ginagawa namin."

Kung tutuusin naman, hindi naman bago ang tema ng Ika-6 Na Utos. Tunay na asawa, mister na nangaliwa. Babaeng kabit. Pero, parang sobrang tinatangkilik ngayon ang serye nila at tila ang daming nakaka-relate.

Anong naging realization sa kanya ng ganitong tema?

"I think this show is nearing what's happening in real life. Especially in our culture, these things are taboo. You don't talk about it openly so I think, this show is a good vehicle for people experiencing the same situation.

"Iba kasi yung pagkahimay rin namin ng istorya. You also see what is happening din sa mistress. It's not just the basic kuwento of husband and wife and there's mistress who ruined their family. Kumbaga, ang daming aspect ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There's the mother-in-law who hates her, may ganung factor na palagay ko, mas kumpletos rekados."

Nang tanungin si Sunshine kung nararamdaman daw ba nito na parang vindicated dahil sa kabila ng nangyari sa personal niyang buhay, heto't meron siyang napakataas na rating na show at talagang sinusubaybayan ng mga tao.

"I wouldn't feel I'm vindicated," tanggi niya.

"Parang wala namang necessary or direct connection ang show with what happened to me or to my life. Siguro ano na lang, thank you Lord na lang.

"It's really a big blessing. Not only for me but for everyone here. Siyempre, kung the show is extended, siyempre, maraming tao ang makikinabang, so masaya po kaming lahat dito."

Sa isang banda, naging outlet din ba niya ang Ika-6 Na Utos lalo na pagdating sa mga pinagdadaanang emosyon?

"I tried to separate my personal life with work. I'd rather say that it helped me in such a way I am focused. My mind doesn't have space for other things because I'm focused on the show.

"But with moving on, I wouldn't say so, totally separate naman ang trabaho sa personal."

Kumusta na siya ngayon?

"I'm very good, okay naman po ako," saad niya.

Itinanggi naman ni Sunshine ang lumabas na issue na kesyo nagkakasakitan sila ni Ryza Cenon sa mga eksena nila at nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Ayon kay Sunshine, "There's no truth about that.

"I think, baka parang mga tao lang din 'yan, akala may isyu. But no, we have a very good stunt director, which is si Direk Baldo Marro. Siya po ang gumagawa ng mga stunt scenes namin at talagang pinag-iisipan.

"Hindi lang parang basic na sampalan."

Nagkaroon ba sila ng sakitan o inisan ni Ryza?

"Wala naman po," paglilinaw niya.

Kamusta ang working relationship nila ni Ryza?

"Okay naman po kami, okay naman po kami rito. We're like a one big family here. Kumbaga, we see to it naman din na whenever we have a spare time, kunwari, sabay-sabay kaming nagla-lunch, dinner. Kumbaga, basic bonding na rin namin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagtotoka-toka rin kami kung sino ang magdadala ng ulam. In spite of all the hard scenes and long sequences that we take, we still find time naman to bond."

Kung si Sunshine raw ang masusunod, mas gugustuhin daw niya na ang ending ng teleserye nila, hindi na lang magkabalikan ang karakter niya at ni Gabby Concepcion.

Katwiran ni Sunshine, "Ako personally, ayoko.

"I would rather stay friends with him and just be good parents. Kasi di ba, parang people are always hoping for a good ending. Ako, feeling ko, mas okay na yung happy ending na naging magkaibigan sila.

"Rather than, thinking back, parang sa mga nangyari with Emma, Rome and Georgia, kung ako, kung ako ha, there's no reason na magkabalikan.

"I mean, I don't know. Of course, at the end of the day, it's still the writer's call or the audience call or what, but ako personally, I'd rather not."



Stories We Are Tracking

Ika-6 Na Utos displaces Eat Bulaga, based on AGB ratings
Ika-6 Na Utos displaces Eat Bulaga, based on AGB ratings




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN