Mika dela Cruz reacts to those saying she has no "utang na loob"

by Rose Garcia
Mar 14, 2017
Is Mika dela Cruz affected by those saying that she has no "utang na loob"?


Masaya si Mika dela Cruz dahil sa mataas na rating ng primetime series nila na Meant to Be.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga tao sa teleserye na pinagbibidahan ni Barbie Forteza.

"Okay naman po at nakakatuwa kasi, first time ko pong gumawa ng role na medyo malapit sa personality ko talaga. At saka, real name ko po ang gamit ko rito," lahad ni Mika.

"Sobrang fresh, nakapaninibago pero sanay na rin ako. Unti-unti na rin akong nasasanay sa character ko which is, sobrang close sa totoong buhay at sobrang saya niyang gampanan."

Masaya raw siya dahil ang unang serye nga niya bilang Kapuso ay isa sa may pinaka-mataas na rating mula pilot pa lang nito.

"Yun nga, sobrang nakakataba ng puso. At saka, never kaming binigo ng mga fans namin pagdating sa rating. Talagang gabi-gabi, walang mababa, walang palya.

"Talagang nakakataba ng puso, lalo na at nakikita namin ang support nila sa social media, sa mall shows namin. Nakakatuwa po talaga."

Sa Meant To Be, hindi maiiwasan na ang talagang napag-uusapan ay ang bida nito na si Barbie at ang apat na leading men na sina Addy Raj, Ivan Dorschner, Jak Roberto at Ken Chan.

Pero magkaganunman, masaya raw talaga si Mika sa unang teleserye niya sa GMA.

Ayon sa younger sister ni Angelika dela Cruz, "Siguro given naman po yun dahil kumbaga, first show ko lang naman sa ngayon. Sa akin, hindi naman po ako mapili sa role, alam naman ng mga fans ko yun.

"Natutuwa ako dahil maganda ang cast na napabilang ako. Siyempre, dahil si Direk LA Madridejos ang katrabaho ko. Actually, walang negative, e."

Sabi naman niya tungkol sa character niya sa Meant To Be, "Si Mariko naman, oo may times na annoying siya, pero sa dulo, lalabas yung mga hugot niya sa buhay. Kung bakit siya nagiging ganun. Mabait naman siya na bata, talagang typical lang ang pinagdadaanan niya kumpara sa ibang teenager na nagkakaroon ng inggitan.

"So, very natural siya for me. Hindi naman siya yung kontrabida ang dating. Positive ang pagtanggap ng fans sa role ko po."

Mula magsimulang mag-artista si Mika ay kilala siya bilang Kapamilya dahil nagsimula siya bata pa lamang sa ABS-CBN kiddie gag show na Goin' Bulilit. Nakabuo siya ng mga tagahanga mula sa pagiging Kapamilya.

Ngayong napapanood na siya sa GMA-7, naramdaman ba niyang sinamahan din siya ng mga fans niya sa Kapuso Network?

"Yes, nakasama ko pero may mga nawala rin. May mga solid Kapamilya. Actually, na-bash din ako. Sinasabi na wala akong utang na loob.

"Okay lang naman sa akin yun, kumbaga, kung fan ka talaga, kung talagang sinusuportahan mo ko, wala naman kung saang network 'yan, 'di ba?

"Pero halos lahat po ng loyal kong fans, nag-stay with me at sobrang lalong naging active noong lumipat ako rito."

Naapektuhan ba siya nang sabihan siyang walang utang na loob?

"Hindi po," saad niya.

"Desisyon ko 'to, papanindigan ko 'to. Masaya ko, may trabaho ko agad. Ang saya ng cast, ang saya ng staff. Ang bait-bait ng director ko."


STORIES WE ARE TRACKING


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Mika dela Cruz, utang na loob
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Mika dela Cruz affected by those saying that she has no "utang na loob"?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results