Dingdong Dantes's TV show tackles rape case amidst death penalty controversy



Puwedeng sabihin na napapanahon ang kasong tatalakayin ng documentary-investigative show na Case Solved ngayong Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.
 
Kuwento ito ng isang disi-nuebe anyos na lalaki na isinangkot sa kasong rape. Kahit anong tanggi niya na may kinalaman siya sa kaso, hindi siya pinaniwalaan at pitong taong nagdusa ng hirap sa bilangguan.
 
Nagpapahinga lamang noon sa bahay mula sa maghapong pagtatrabaho ang disi-nuwebe anyos na si Dondon nang bigla na lang siyang damputin ng mga pulis at tanod ng kanilang baranggay. Kasama niyang dinampot ang dalawang menor de edad pang mga kalalakihan.

Isang menor de edad na dalagita ang ‘di umano’y nalasing, saka ay ginahasa ng ilang kalalakihan sa kanilang lugar. Isa si Dondon sa isinangkot sa krimen. Sa pag-usad ng kaso, tanging si Dondon na lamang ang naiwan para humarap sa kaso dahil nakatakas ang dalawang menor de edad.

Anumang pagtanggi ni Dondon sa nangyari at pagbibigay ng testimonyang nagpapasinungaling sa bintang sa kanya, hindi siya pinaniwalaan ng korte at hinatulan siya ng reclusion perpetua sa kasong panggagahasa. Tuluyang nasira ang mga pangarap ni Dondon para sa pamilya at dinanas ang iba’t-ibang uri ng paghihirap sa loob ng bilangguan.
 
Pero makalipas ang halos pitong taon na pagkakabilanggo, hatid ng Case Solved team ang isang magandang balita para kay Dondon at sa kanyang pamilya. Sa wakas, si Dondon, makakalaya na.

Bilang host, si Dingdong Dantes ang maglalahad ng kasong ito at kung paano, maituturing na "case solved." 

Tunghayan kung paano pinagdaanan ng inosenteng si Dondon ang mga pagaakusa, pagbibintang, pagkakadakip, pagkakabilanggo, at ngayo’y muling paglaya mula sa isang krimeng hindi naman niya ginawa, mula sa masusing pananaliksik ni Dantes Usman, sa panulat at dokumentaryo ni Pam Miras at sa mahusay na direksiyon ni Rechie Del Carmen.

Maituturing na napapanahon dahil sa mainit na usapin ngayon tungkol sa death penalty. Sa pitong taong pagkakakulong nito na masuwerte at wala pang death penalty sa bansa pero kung nagkataong inosente, pero nadiin, pwede talagang mawalan na ng pag-asa.
 
Minsan nang hiningan si Dingdong ng kanyang pananaw tungkol sa usapin ng death penalty. Mahaba ang naging paliwanag niya na kung bakit hindi rin siya pabor rito.

Pagkatapos maging bida sa GMA-7 primetime series niya na Alyas Robin Hood at dahil sa Saturday noontime docu-investigative na Case Solved na lamang ang masasabing pinagkaka-abalahan ng aktor sa telebisyon ngayon, mas may pagkakataon siyang magawa ang ilang hilig na labas sa pagiging artista niya.
 
Bukod sa siyempre, mas may oras siya ngayon na kasama ang kanyang mag-ina na sina Marian Rivera at si Maria Letizia Dantes, napapadalas din ang pagri-race ng aktor.

Bukas nga, may plano siya na mag-bike sa Subic.

Ayon sa post ni Dingdong sa Instagram account nita, ipinakita niya ang larawan ng kanyang Cervelo P5 bike at nag-post, “All set to do some strolling along the SCTEX tomorrow for the #subicim703.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN