Noven Belleza wins It's Showtime's Tawag Ng Tanghalan

IMAGE Courtesy of @ABSCBN on Twitter

Noven Belleza received a total text votes and judges score of 99.96% on It's Showtime's Tawag Ng Tanghalan.


Si Noven Belleza ng Negros Occidental ang itinanghal na grand champion ng Tawag Ng Tanghalan ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Ginanap ang grand finals ng singing competition ngayong araw, March 11, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World, Pasay City.

Umani ng 99.96% total text votes and hurado score si Noven sa grand finals. Kabilang sa mga napanalunan niya ay P100,000 worth of musical instruments from JB Music, family vacation package, recording contract from Star Music, negosyo package, house and lot, at P2,000,000.

Si Sam Mangubat mula sa Batangas ang itinanghal na first runner-up matapos nitong makakuha ng total of 49.09% text votes at hurado scores. Makakapag-uwi si Sam ng P500,000 cash prize. 

Si Froilan Canlas ng Luzon naman ang itinanghal na second-runnerp up sa total score nito na 45.78%. Maiuuwi naman ni Froilan ang P250,000 cash prize.

Sa second round ng Tawag Ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan, binigyan ng pagkakataon magperform ng medley ang bawat contestant.

Unang nagperform si Froilan para sa huling round at kinanta ang mga chart-topping hits ni Kuh Ledesma. Kabilang dito ang mga kantang "Nung Unang Panahon," "Dito Ba," at "Baliw."

Sumunod namang nagperform si Sam at Bruno Mars medley naman ang ginawa nito. Kabilang sa kanyang mga kinanta ay ang "Nothing On You," "Locked Out of Heaven," at "Treasure."

Si Noven naman ang huling nag-perform at pinabilib ang lahat sa kanyang Air Supply medley. Para sa kanyang winning performance, kinanta nito ang "The One That You Love," "I Can't Live (If Living Is Without You)," at "Now and Forever."

Samantala, hindi naman nakapasok sa huling round sina Carlmalone Montecido ng Bacolod, Marielle Montellano ng Cebu, at Pauline Agupitan ng Batangas. Hindi man nakapasok, pinabilib pa rin ng tatlo ang mga manonood at ang mga hurado sa kanilang performance.

Umani ng papuri si Carlmalone sa kanyang performance para sa kantang "Pananagutan." Samantala, ibinirit naman ni Pauline and kantang "And I Am Telling You." Ipinakita naman ni Marielle ang kanyang husay sa pag-awit ng kantang "Healing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakatanggap ang tatlo ng P100,000 bilang consolation prize.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN