Comedienne Divine Aucina: "Financially, sobra po ang nagawa ng mga shows ng GMA sa akin."

IMAGE Firestarters Manila Production

Comedienne Divine Aucina on her mentor, Eugene Domingo: "Sa totoo lang po, tuwing taping, kaming tatlo na bago, naa-amaze kami sa brightness ni Ate Uge. Kung paano niya mina-maneuver at pinapagalaw ang eksena. Kasi po, palagi kaming waley! Si Ate Uge talaga ang saving grace namin."

 


Marami na ring napansing pagbabago sa kanyang buhay ang komedyanteng si Divine Aucina mula noong sumabak siya sa showbiz.

Mag-iisang taon na siya sa comedy show na Dear Uge ng GMA-7, at napanood din siya sa Superstar Duets. Madalas din siyang mag-guest sa Karelasyon at Magpakailanman.

Nang tanungin namin si Divine tungkol sa mga napansin niyang pagbabago, una niyang binanggit ang pisikal na aspeto.

"Ay opo, medyo nagkalaman na rin po ako.

"E, di ba ang payat ko pa dati?”

“Nakakakain na rin po ako, may midnight snack pa," biro niya nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Dear Uge sa Antipolo kamakailan.

Bukod dito, nagpasalamat din siya sa mga natutunan niya sa pag-arte mula kay Eugene at sa mga kasama niya sa TV show.

Lahad niya, “Pero natuto po kami rito.

“Tinuturuan po kami nila Ate Uge ng mga techniques.

“Every taping, para rin kaming nag-aaral dito.

“Teacher si Ate Uge, mga director, so kaming mga baguhan, natututo kami."

REWARDING HERSELF. Nakikita at nararamdaman naman daw ni Divine na malaki na rin ang nabago sa buhay niya at sa kanyang pamilya simula nang lumabas siya sa GMA-7.

"Financially, sobra po ang nagawa ng mga shows ng GMA sa akin.

“Kasi, prior to that, nagti-theater ako.

“Yung theater, hindi siya lucrative na job.

“Nang mag-transfer ako ng TV, tumaas talaga ang T.F. [talent fee].

“At saka po ang cost of living din, tumaas.

"I mean, hindi ko na napipigilan ang sarili ko kung ano ang gusto kong kainin o kung ano ang gusto kong bilhin.

“Bibilhin ko na talaga to reward myself."

Si Divine ang bunso sa kanilang magkakapatid at dahil may mga asawa na ang mga kapatid niya, siya na raw ang nag-aalaga sa mga magulang niya.

FOREVER GRATEFUL TO HER MENTOR. Pareho silang galing ng teatro ni Uge, pero ang common ground daw nila ay ang PETA (Philippine Educational Theater Association).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nababawasan ang respeto at paghanga ni Divine kay Eugene, na itinuturing niyang higit pa sa isang mentor.

Aniya, "Sa totoo lang po, tuwing taping, kaming tatlo na bago, naa-amaze kami sa brightness ni Ate Uge.

“Kung paano niya mina-maneuver at pinapagalaw ang eksena.

"Kasi po, palagi kaming waley!

“Si Ate Uge talaga ang saving grace namin."

Paanong waley?

"Minsan nawa-waley kami sa acting, sa lines, ganun po," pag-amin niya.

Mabait daw si Uge sa kanilang mga baguhan.

"Opo, mabait at saka very generous.

“Kapag nagta-travel siya, mga pasalu!"

Sabi pa ni Divine, "Actually, noong una, sabi niya sa akin, sisikat ka."

Ano ang naging pakiramdam niya noong sinabihan siya noon?

Lahad niya, "Naramdaman ko talaga na kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, nag-blush talaga ko nun, nag-red talaga ko," natawa niyang sabi.

"Hindi ko alam kung na-pressure ako, pero na-appreciate ko na coming from Ate Uge.

“Siya yun e, Ate Uge yun, e."

Ayon kay Divine, sa loob ng isang taon na magkasama sila sa Dear Uge, marami raw talaga siyang natutunan dito, bukod sa pag-arte.

Saad niya, "You have to love your craft.

“You have to treat other well and you also have to love your job.

“Kasi, kapag hindi mo minahal ang job mo, hindi ka rin niya mamahalin."

CAREER GOALS. Ngayong nakapasok na nga siya sa mainstream showbiz, ano na ang laman ng mga pangarap niya?

"Ano po kasi ako, may pagka-free-spirited person.

“So ngayon, this is one of of my bucket list items, ang pumasok sa TV.

“And hindi ko rin po talaga alam na gusto ko ng comedy.

"Alam ko na itong mukha ko, pang-comedy.

“Pero hindi ko alam na ito pala ang gusto ko.

“So ngayon, dahil nandito ako, I have to take advantage.

“Kailangan kong galingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung goal ko, maging better comedianne at my age; maging mas mahusay pa sa craft and from there, doon na lang ako gagawa ulit ng moves."

GETTING BETTER AT HER CRAFT. Pangarap din ba niyang maging bida sa isang teleserye o pelikula?

"Yes, opo naman, I think movies po," sabi niya.

Gusto rin ba niyang maging isang Eugene Domingo?

"Naku, parang hindi ko po kayang tapatan si Ate Uge," mabilis niyang pag-amin.

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, sino ang pangarap niyang maging leading man?

"Naku, irurok na natin 'to! Dingdong Dantes!" mabilis niyang sagot.

Dugtong pa niya, "Cute na cute rin po kasi ako kay Ruru [Madrid]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN