LJ Reyes feels thankful that Julie Anne San Jose's fans don't bash her

IMAGE Noel Orsal

LJ Reyes feels thankful that Julie Anne San Jose's fans don't bash her because of her kontrabida role in Pinulot Ka Lang Sa Lupa: "Usually yung character naman talaga yung inaaway nila, kasi ka-Twitter ko sila, e."



Hindi naman daw natatakot si LJ Reyes na maraming naiinis sa kanya dahil sa salbahe niyang role bilang si Angeli sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Wala pa naman daw na nang-away sa kanya sa mall o sa anumang pampublikong lugar.

“Pero kasi pag nakikita nila ako parang, sasabihin nila, ‘Naiinis kami kay Angeli pero sa ‘yo hindi!’

“Ganun naman sila lagi kahit sa Twitter,” at tumawa ang Kapuso actress.

Maraming supporters si Julie Anne San Jose na laging inaapi ni Angeli bilang si Santina. Hindi pa ba naba-bash si LJ ng mga fans ni Julie Anne?

“Hindi naman.

“Usually yung character naman talaga yung inaaway nila, kasi ka-Twitter ko sila, e,” at muling tumawa si LJ.

Patuloy niya, “Nakakatuwa naman yung character ni Angeli, medyo challenging naman.

“Kasi papunta na siya ng... hindi ko alam, irrational na, e.

“Papuntang irrational yung character, kasi nga na-hurt siya.

“So, after nung sinampal siya ni Diony [Jean Garcia], nagtanim na talaga siya ng sama ng loob.

“And hindi talaga siya yung taong madaling makalimot.”

Bukod kina LJ, Jean at Julie Anne, nasa Pinulot Ka Lang Sa Lupa sina Benjamin Alves bilang si Ephraim, Allan Paule bilang si Hector, Victor Neri bilang si Cesar at Martin del Rosario bilang si Kiko.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Enteretainment Portal) si LJ sa taping ng naturang GMA drama series sa Dionisio Cornel Memorial Medical Center sa Antipolo City.


SAMPALAN BLUES. Inamin ni LJ na may mga sampalan sila ni Julie Anne na tumatama talaga sa mukha.

“Kasi minsan din kasi mas gusto ko na tumatama talaga kasi pag nagkamali, uulitin pa namin yung eksena.

“Pero meron lang tamang alalay.

“Pero parang lately, ako yung nasasaktan dito sa show na ito.

“Nagtataka na nga ako, e.

“Ang alam ko kontrabida ako dito, so bakit ako yung nasasaktan?” at natawa si LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yun nga, nagagalit na rin sila sa akin, sa mga ginagawa ko, tapos si Julie mag-i-start na siyang lumaban, ganyan.”


WISHING TO MEET HER IDOL. Aminado si LJ na pressured siya na ang role niya ngayon ay orihinal na ginampanan sa pelikula ni Maricel Soriano noong 1987.

Hindi pa raw niya nakakaharap o nakikilala ng personal ang Diamond Star.

Saad niya, “Gusto ko siyang ma-meet!

“Nung before nung narinig ko nga na magdyi-GMA siya. sabi ko, sana maka-work ko siya.

“Kasi yung generation niya siya talaga yung gusto ko!

“Sobrang idol ko talaga siya.

“So sabi ko sana ma-meet ko siya.”

Napapanood raw ni LJ sa telebisyon ang mga pelikulang ginawa ni Maricel noong araw.

“Ang galing niya talagang aktor kasi kaya niyang magdrama, kaya niyang mag-comedy, so very versatile, so sobrang gusto ko talaga siya,” patuloy niyang pagpuri.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN